Kalye Legarda

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

N180 (Philippines).svg
Legarda Street sign.svg

Kalye Legarda
Legarda Street
Ang ruta ng Kalye Legarda sa Kalakhang Maynila. Nakapula ito sa mapa.
Impormasyon sa ruta
Haba1.4 km (0.9 mi)
Bahagi ng
Pangunahing daanan
Dulo sa silangan N140 (Abenida Lacson) sa Sampaloc
 
Dulo sa kanluranKalye Nepomuceno sa Quiapo
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Kalye Legarda (Ingles: Legarda Street) ay isang maiksing kalye na matatagpuan sa distrito ng Sampaloc sa Maynila. Dumadaan ito sa silangang bahagi ng pook na tinaguriang University Belt sa orientasyong silangan-kanluran mula Abenida Lacson sa Sampaloc hanggang Kalye Nepomuceno/Concepcion Aguila sa Quiapo. Ang mga pangunahing daan na bumabagtas rito ay Abenida Recto at Kalye Mendiola. Paglampas ng Abenida Lacson sa silangan, tutuloy ito bilang Bulebar Magsaysay. Paglampas naman ng Kalye Nepomuceno/C. Aguila, tutuloy ito bilang Kalye Pedro Casal. May haba ito na 1.4 kilometro (0.9 milya).

Sinisilbihan ito ng Estasyong Legarda ng Linya 2. Bahagi ito ng Daang Radyal Blg. 6 ng sistemang arteryal ng mga lansangan sa Kamaynilaan at N180 ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas.

Ipinangalan ito mula kay Benito Legarda y Tuason, isang Pilipinong mambabatas at resident commissioner ng Pilipinas sa Estados Unidos.[1] Ang dating pangalan nito ay Calle Alix, mula kay José María Alix y Bonache, ang mahistrado ng Real Audiencia ng Maynila noong dekada-1860s.[2][3]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Did you know? Legarda Street". Philippine Daily Inquirer. Hinango noong 1 Nobyembre 2013.
  2. "Legarda Street". Historiles.com. Hinango noong 1 Nobyembre 2013.
  3. "Full text of "Guía oficiál de España"". Archive.org. Hinango noong 1 Nobyembre 2013.

Mga koordinato: 14°36′2″N 120°59′42″E / 14.60056°N 120.99500°E / 14.60056; 120.99500