Abenida Gregorio Araneta

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Abenida Gregorio Araneta
(Gregorio Araneta Avenue)
Abenida Gregorio Araneta noong 2014, bago ang pagtatayo ng Ikatlong Yugto ng Skyway.
Impormasyon sa ruta
Haba: 5.3 km (3.3 mi)
Bahagi ng:
  • C-3 C-3
  • N130Module:Jct error: Missing route marker graphics: %sN130 (Philippines).svg
Pangunahing daanan
Dulo sa Hilaga: Abenida Sarhento Rivera sa Quezon City
 
Dulo sa Timog Kalye Nicanor Domingo sa Lungsod ng San Juan
Sistema ng mga daan

Mga daanan sa Pilipinas
Mga lansangan | Mga mabilisang daanan (talaan)

Ang Abenida Gregorio Araneta (Ingles: Gregorio Araneta Avenue) ay isang daang arteryal pang-arabal sa ligid ng Santa Mesa Heights sa Lungsod Quezon, Kalakhang Maynila, Pilipinas. Isa itong pangunahing abenida na may 6–8 linya at pangitnang harangan na itinakda bilang bahagi ng Daang Palibot Blg. 3. Dumadaan ito mula Abenida Sarhento Rivera sa hilaga hanggang Kalye Nicanor Domingo sa San Juan sa timog. Bumabagtas ito sa Abenida Del Monte, Abenida Quezon, Abenida Eulogio Rodriguez Sr., at Bulebar Magsaysay-Aurora pagdaan nito. Tumatakbo sa gitna ng abenida ang isang daluyan ng tubig na gawa ng tao, na tumitigil ng ilang sandali sa sangandaan nito sa Abenida Del Monte at tutuloy muli hanggang sa matapos ito ng tuluyan bago pa mag-Abenida Quezon. Ang haba ng Abenida Araneta ay 5.3 kilometro (3.3 milya). Dumadaan ang 230-kV na linyang transmisyon ng Sucat-Araneta-Balintawak sa malaking bahagi nito mula sa hilagang dulo hanggang sa Bulebar Aurora.

Matatagpuan ang abenida sa isang sonang bahain na malapit sa mga Ilog ng San Francisco del Monte at San Juan sa silangan nito. Madalas na bumabaha rito (kahit na may daluyan ng tubig ang abenida) tuwing tag-ulan, kung kailan umaapaw ang mga nasabing anyong tubig.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Pinangalanan ang abenida kay Gregorio S. Araneta (1869–1930), isang abogado at may-ari ng lupa na nag-mamayari sa Subdibisyong Santa Mesa Heights sa magiging puwesto ng kasalukuyang Abenida Araneta.[1]

Sa hinaharap, dadaan ang Ikatlong Yugto ng Skyway sa kabuuan ng daan, mula sa Abenida Sarhento Rivera hanggang sa Kalye Nicanor Domingo. Bunga ng proyektong Ikatlong Yugto ng Skyway, ang ilang bahagi ng daluyan ng tubig sa gitna ng abenida ay gagawing nakasarang alntarilya[note 1] at magiging bahagi ng madadaanang daanan.

Ang abenida kasama ang itinatayong Ikatlong Yugto ng Skyway.

Awtomatikong Panghakot ng Basura[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong 2014, nagtayo ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (DOST) ng isang awtomatikong panghakot ng basura sa sangandaan ng abenida sa Kalye Mauban, na gumagana bilang pasilidad na panlinis para sa ilog, bilang tugon sa madalasang pagbaha at mga suliranin sa basura sa lugar na iyon. Palaging nangongolekta ng mga trak ng basura ang mga basura na nakukuha mula sa ilog, gayundin ang mga basurang itinatapon sa paligid nito.[2]

Hilera ng mga Punerarya[baguhin | baguhin ang batayan]

Kilala ang abenida bilang Hilera ng mga Punerarya (Funeral Home Row) dahil dito matatagpuan ang ilan sa mga pinakakilalang punerarya sa Kamaynilaan. Ilan sa mga ito ay Arlington Memorial Chapels, La Funeraria Paz, Ascension Columbary, Cosmopolitan, Nacional Memorial Homes, at The Sanctuarium (dating Capitol Memorial). Ang pinakaunang punerarya sa abenida ay ang Funeraria Nacional na lumipat sa Abenida Araneta noong 1968, mula sa dati nitong tirahan sa Abenida Rizal. Sinundan ito ng La Funeraria Paz noong dekada-1970 at ng Arlington Memorial Chapels noong 1985 (kung kailan ginawang punerarya ang gusali ng dating Aklatan ng Thomas Jefferson sa abenida).[3]

Mga pangunahing bagtasan[baguhin | baguhin ang batayan]

Lalawigan Lungsod/Bayan km mi Mga paroroonan Mga nota
Quezon City N160 (Abenida Bonifacio)Module:Jct error: Missing route marker graphics: %sN160 (Philippines).svg
Abenida Del Monte Bagtasang ilaw-trapiko. Naglilinkod sa Kolehiyong Siena.
N170 (Philippines).svg N170 (Abenida Quezon) Bagtasang ilaw-trapiko. Bawal ang mga pagliko sa kaliwa.
Abenida Eulogio Rodriguez Sr. Bagtasang ilaw-trapiko.
hangganang Lungsod Quezon-Maynila N180 (Philippines).svg N180 (Bulebar Magsaysay/Bulebar Aurora) Bawal ang mga pagliko sa kaliwa mula pasilangang Bulebar Magsaysay. Naglilingkod sa SM City Santa Mesa at Mga Kolehiyong Sentral ng Pilipinas.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga tanda[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Alntarilya - sa Ingles ay "culvert" batay sa English-Tagalog Tagalog-English Dictionary. ©2014 Analyn Cruz and V3 Printing Corporation, Makati.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga koordinato: 14°36′54″N 121°1′0″E / 14.61500°N 121.01667°E / 14.61500; 121.01667