Pumunta sa nilalaman

Kalye Tayuman

Mga koordinado: 14°36′59″N 120°58′41″E / 14.61639°N 120.97806°E / 14.61639; 120.97806
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Kalye Tayuman
Tayuman Street
Kalye Tayuman malapit sa punong tanggapan ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH).
Impormasyon sa ruta
Haba1.6 km (1.0 mi)
Bahagi ng
Pangunahing daanan
Dulo sa silangan N140 (Abenida Lacson) sa Santa Cruz
 
Dulo sa kanluranKalye Juan Luna sa Tondo
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Kalye Tayuman (Tayuman Street) ay isang kalye sa hilagang Maynila, Pilipinas, na may apat na linya (dalawa kada direksiyon) at haba na 1.6 kilometro (1 milya). Ang direksiyon nito ay silangan pa-kanluran, at gayon din naman ay kanluran pa-silangan. Ang dulo nito sa silangan ay sa sangandaan ng Kalye Consuelo/Abenida Lacson malapit sa SM City San Lazaro (dating Hipodromo San Lazaro) sa Santa Cruz. Ang dulo nito sa kanluran ay sa Kalye Juan Luna malapit sa pamilihan ng Puregold sa Baryo Pritil, Tondo. Sa kalagitnaan, babagtasin nito ang Abenida Rizal sa ilalim ng nakaangat na estasyong Tayuman ng Unang Linya ng LRT. Paglampas, dadaan ito sa punong tanggapan ng Kagawaran ng Kalusugan (o DOH). Paglampas ng Kalye Juan Luna, tutuloy ito patungong Manila North Harbor bilang Kalye Capulong. Malaking bahagi nito ay nililinyahan ng mga katabing kalye (side streets) at mga lokal na negosyo.

Nagmumula ang pangalan nito sa salitang "tayum", isang uri ng halaman, o punong nila.[1] Ang dating pangalan nito ay Calle Morga (o Paseo de Morga), mula kay Antonio de Morga, isang Kastilang mananalaysay at may-akda ng Sucesos de las Indias Filipinas (1609).

Mula 2014, ang Kalye Tayuman ay isang lansangan sa kauriang pambansang daang sekundarya na bahagi ng Lansangang N140 (N140). Bahagi rin ito ng Daang Palibot Blg. 2 (C-2) ng pinaglumaan (ngunit ginagamit pa ring) sistemang daang arteryal ng lansangan sa Kamaynilaan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Did you know? Tayuman Street". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Hunyo 2015. Nakuha noong 8 Oktubre 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

14°36′59″N 120°58′41″E / 14.61639°N 120.97806°E / 14.61639; 120.97806