Pumunta sa nilalaman

Bulebar Espanya

Mga koordinado: 14°37′3″N 121°0′4″E / 14.61750°N 121.00111°E / 14.61750; 121.00111
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya



Bulebar Espanya
Daang Radyal Blg. 7
Bulebar Espanya sa Sampaloc, Maynila.
Impormasyon sa ruta
Haba2.0 km (1.2 mi)
Bahagi ng
Pangunahing daanan
Dulo sa kanluran N170 (Kalye Lerma) at Kalye Nicanor Reyes (Morayta) sa Sampaloc, Maynila
 
Dulo sa silanganRotondang Mabuhay sa Lungsod Quezon
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodMaynila, Lungsod Quezon
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Bulebar Espanya (Ingles: España Boulevard, Kastila: Bulevar España) ay ang pangunahing daan ng Sampaloc sa Maynila. Isa itong daang arteryal na may walong landas, apat sa bawa't gilid, na nagsisimula sa Rotondang Mabuhay sa hangganan ng Lungsod Quezon at Maynila, at nagtatapos sa isang sangandaang-Y sa mga Kalye Lerma at Kalye Nicanor B. Reyes Sr. sa Maynila. Pinangalanan ito sa Espanya na namuno sa Kapuluan ng Pilipinas sa loon ng 333 taon, mula 1565 hanggang 1898. Tunay sa pangalan nito, ilang mga pangalang Kastila ang mapapansin sa kahabaan ng bulebar.

Bahagi ang bulebar ng Daang Radyal Blg. 7 (R-7) ng sistema ng daang arteryal sa Kalakhang Maynila, at ng N170 ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas.

Ang bulebar ay dating bahagi ng Hacienda de Sulucan na isa sa mga sampung baryo na bumuo sa distrito ng Sampaloc. Noong 1694, ibinigay ang hacienda sa mga kapatid ng Monasterio de Santa Clara. Noong 1905, inilipat ang pamamahala ng lupain sa Sulucan Development Corporation. Itinayo ang bulebar noong 1913 bilang isang daan patungong Sulucan, na may isang kasunduan na ipapangalan itong "España".[1]

Mga kilalang palatandaang pook

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Bulebar Espanya ay isang silangan-pakanlurang arterya ng Maynila. Kinokonekta nito ang mga Kalye Lerma at Nicanor Reyes (dating Morayta) sa distrito ng Sampaloc sa kanlurang dulo sa Rotondang Mabuhay (Ingles: Welcome Rotonda), Lungsod Quezon sa silangang dulo. Ang kabuuang lansangan ay hinahatian ng isang center island, na napuputol lamang sa mga pangunahing sangandaan at sa krosing ng daangbakal. Pinapayagan lamang na magliko sa kaliwa (left-turn) ang mga sasakyan sa dalawang sangandaan: patimog sa Abenida Lacson at sa kanlurang dulo papuntang Kalye Nicanor Reyes. Ang haba ng Espanya ay 2 kilometro. Naglilingkod ang mga bus, taksi, dyipni, at cabriolet sa mga mananakay.

Lungsod Quezon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bulebar Espanya papuntang Mabuhay Rotonda sa hilaga.

Sa silangang dulo nito ay ang Mabuhay Rotonda (na tinatawag ding Welcome Rotonda), na kumokonekta ng Espanya sa Abenida Quezon, Abenida Eulogio Rodriguez, Sr., at Abenida Mayon. Tumutungo ang Abenida Quezon sa EDSA at kalaunan, sa Quezon Memorial Circle. Ang Abenida E. Rodriguez, Sr. ay papuntang distrito ng Cubao sa Lungsod Quezon, isang tanyag na lugar-pampamilihan. Patungo naman sa Abenida Bonifacio ang Abenida Mayon, at pagkatapos, sa North Luzon Expressway (dating North Diversion Road).

Bulebar Espanya malapit sa Pamantasan ng Santo Tomas sa gabi.

Ang unang pangunahing daan na bumabagtas sa bulebar ay ang Daang Blumentritt. Tumatawid ang mga linyang daangbakal ng Philippine National Railways sa bulebar sa pagitan ng mga Kalye ng Antipolo at Algeciras. Matatagpuan din dito ang Estasyong España ng nasabing daangbakal. Matatagpuan naman sa pagitan ng Abenida Lacson at Kalye Padre Noval ang pangunahing kampus ng Pamantasan ng Santo Tomas.

Nagtatapos ang Bulebar Espanya sa sangandaan ng mga Kalye Nicanor B. Reyes at Lerma. Ang Kalye Nicanor B. Reyes ay papuntang Abenida Claro M. Recto, habang papunta naman sa Bulebar Quezon ang Kalye Lerma.

Mga karagdagang impormasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kilala ang Bulebar Espanya na bumabaha tuwing tag-ulan. Ito'y dahil nagsisilbi itong catch basin para sa tubig-ulan na nagmumula sa mas-mataas na Lungsod Quezon. Ang distrito ng Sampaloc ay dating pook-latian at mabasang lupa (swamp-marsh area). Madalas makikitang lumalakad nang painut-inot ang mga tao sa bahang umaabot sa baywang ang taas, lalo na kapag dumadaan sa Maynila ang isang bagyo na nauuwi sa pagkakasuspinde ng mga klase sa mga paaralan, kolehiyo at pamantasan.[2]

Dumaan ang prusisyon ng patay ni Fernando Poe, Jr. sa Bulebar Espanya sa ruta nito na patungong Sementeryo Norte mula Simbahan ng Santo Domingo sa Lungsod Quezon. Umabot sa 3 milyon ang mga nakilahok sa prusisyon ng patay.[3]

Ipinanukala noon ang isang bagong linyang riles panlulan na dadaan sa Bulebar Espanya, na tinawag na MRT-4, na kilala rin ng ilan bilang Red Line.[4] Ang nasabing linya ay dadaan sa bulebar, Abenida Quezon, at Abenida Commonwealth hanggang sa San Jose del Monte, Bulacan. Subalit tinutulan ito ng Konsehong Panlungsod ng Maynila, at lumalabag di-umano sa mga kasunduang inilahad ng Espanya para sa pagbibigay ng lupaing para sa Bulebar Espanya.

Magbibigay din ng daan papuntang NLEX-SLEX Connector Link ang bulebar sa pamamagitan ng Labasan ng España. Ang nasabing karugtong ng mabilisang daanan ay dadaan sa ibabaw ng mga riles ng PNR hanggang sa Grace Park, Caloocan.

Madalas na ginagamit ng mga raliyistang kontra-pamahalaan ang Bulebar Espanya bilang lugar ng pagtitipon dahil sa pagiging malapit nito sa Kalye Mendiola, na nagtatapos sa Palasyo ng Malacañang, ang opisyal na tirahan ng pangulo.[5]

Mga sangandaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
LalawiganLungsod/BayankmmiMga paroroonanMga nota
Lungsod Quezon N170 (Abenida Quezon), Abenida Mayon, Abenida Eulogio Rodriguez Sr., Kalye Nicanor RamirezRotondang Mabuhay. Patungong Quezon Memorial Circle sa pamamagitan ng Abenida Quezon, mga distrito ng New Manila at Cubao gamit ang Abenida Eulogio Rodriguez Sr., mga distrito ng La Loma at Sta. Mesa gamit ang Abenida Mayon.
MaynilaKalye MacaraigPakanluran lamang.
Kalye Josefina
Daang BlumentrittSangandaang may ilaw trapiko. Nagbibigay ng daan patungong Abenida Andres Bonifacio.
Kalye Sisa
Kalye Instruccion
Kalye Basilio
Kalye Maceda (Calle Washington)Sangandaang may ilaw trapiko.
Kalye Metrica
Kalye Craig
Kalye Kundiman
Kalye Eduardo Quintos Sr.
Kalye San Diego
Kalye AntipoloBagtasan ng daambakal - estasyong PNR ng España
Kalye AlgecirasBagtasan ng daambakal - estasyong PNR ng España.
Kalye Prudencio
Kalye Ruperto Cristobal Sr. (Calle Constancia)
Kalye Miguelin
Kalye Vicente G. Cruz (Calle Economia)Sangandaang may ilaw trapiko. Pang-isahang daan.
Kalye J. Marzan
Kalye Manuel Dela Fuente (Calle Trabajo)Sangandaang may ilaw trapiko. Pang-isahang daan.
Kalye Maria Cristina
Kalye Don Quijote
Kalye CarolaPasilangan lamang.
Kalye Dos Castillas
Kalye Earnshaw (Calle Bustillos)Pasilangan lamang. Nagbibigay daan papuntang distrito ng San Miguel sa pamamagitan ng Kalye Legarda.
N140 (Abenida Arsenio H. Lacson)Sangandaang may ilaw trapiko. Nagbibigay daan papuntang SM San Lazaro sa hilaga, at South Luzon Expressway sa pamamagitan ng Tulay ng Nagtahan, at estasyong Legarda sa pamamagitan ng Kalye Earnshaw (patimog).
Kalye ValenciaPasilangan lamang.
Kalye ExtremaduraPasilangan lamang.
Kalye CaycoPasilangan lamang.
Quezon DrivePakanluran lamang. Panloob na daan ng Unibersidad ng Santo Tomas.
Kalye Mariano Fortunato JhocsonPasilangan lamang.
Osmeña DrivePakanluran lamang. Panloob na daan ng Unibersidad ng Santo Tomas.
Kalye CentroPasilangan lamang.
Kalye MoretPasilangan lamang.
Kalye GaliciaPasilangan lamang.
Kalye Padre NovalSangandaang may ilaw trapiko.
Kalye EloisaPakanluran lamang.
Kalye Tolentino
Kalye AdelinaPakanluran lamang.
Kalye Padre Campa
Kalye PaquitaPakanluran lamang.
Kalye Lerma, Kalye Nicanor B. Reyes Sr. (Morayta)Dulo ng bulebar. Nagbibigay ng daan papuntang distrito ng Quiapo sa pamamagitan ng Bulebar Quezon; Abenida Claro M. Recto & Divisoria sa pamamagitan ng Kalye Nicanor B. Reyes Sr..
1.000 mi = 1.609 km; 1.000 km = 0.621 mi
  •       Hindi kumpletong access

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. [1]
  2. "8 dead as floods hit Luzon". Manila Bulletin.
  3. "MASSIVE SECURITY FOR FPJ BURIAL". Philippine Headline News Online. 22 Disyembre 2004. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2005-01-18. Nakuha noong 2017-04-18.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "DOTC to review MRT 4". GOV.PH. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 27 Septiyembre 2007. Nakuha noong 25 Hulyo 2006. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  5. "Activists, cops clash near Malacañang; scores hurt". Sun Star Network Online. 10 Hunyo 2006. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 22 Hunyo 2006. Nakuha noong 18 Abril 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

14°37′3″N 121°0′4″E / 14.61750°N 121.00111°E / 14.61750; 121.00111