Daang Elliptical
Daang Elliptical | |
---|---|
Daang QMC | |
Lokasyon | |
Lungsod Quezon | |
Mga koordinado | 14°39′05″N 121°02′58″E / 14.651489°N 121.049309°E |
Mga lansangan sa daanan | N170 (Abenida Commonwealth) Abenida Visayas N173 (Abenida North) N170 (Abenida Quezon) N174 (Abenida East) Abenida Kalayaan Kalye Maharlika |
Konstruksiyon | |
Uri | Rotonda |
Mga landas | 8 |
Pinangangasiwaan ng | Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) - Quezon City 2nd District Engineering Office |
Ang Daang Elliptical (Ingles: Elliptical Road; o kilala din sa tawag na QMC Road) na maaaring tukuyin nang literal bilang Daang Patambilog, ay isang malaking rotonda (roundabout)[1] at kilalang pook sa Lungsod Quezon, Pilipinas. Nililibot nito ang Quezon Memorial Circle. Ang haba nito ay dalawang kilometro, at nahahati ito sa walong linya (kung saan tatlo sa mga ito ay mga pangunahing linya, apat ay para sa mga sasakyang papalabas ng rotonda, at isa ay para sa mga bisikleta at pedicab. Ang pag-ikot sa rotonda na ito ay sa direksiyong pa-counterclockwise (o direksiyong salungat sa direksiyon ng mga kamay ng orasan). Pinangalanan ito sa hugis nito na patambilog (elliptical shape).
Isang mahalagang bahagi ng Daang Radyal Blg. 7 (o R-7) ang Daang Elliptical.
Mga pook-palatandaan at opisina ng pamahalaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Quezon Memorial Circle
- Quezon Memorial Monument
- Kagawaran ng Repormang Pansakahan [2]
- Kagawaran ng Pagsasaka [3]
- Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center
- Agricultural Training Institute
- Bangko Nasyonal ng Pilipinas
- Gusaling Panlungsod ng Lungsod Quezon
- Quezon City Hall of Justice
- Pangasiwaan ng Niyog ng Pilipinas[4]
- Mga himpilan ng Telebisyon ng Bayan (PTV-4)
Mga sangandaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Daang Elliptical ay nagsisilbing dulo ng pito sa mga pangunahing lansangan ng Lungsod Quezon.[5] Ang mga lansangang ito ay:
Ang Abenida Commonwealth ay isang lansangang may labinwalong linya (pinakamalawak na lansangan sa Pilipinas) na papuntang mga distrito ng Holy Spirit, Balara, at Batasan. Isa din itong ruta patungong Novaliches at lalawigan ng Bulacan. Ito ang pinakaunang sangandaan ng Daang Elliptical. Karamihan sa mga sasakyan dito ay mula sa Abenida Commonwealth.
Ay isang daang walo ang mga linya na patungong distrito ng Project 6. Papunta ito sa Abenida Central, Abenida Kongresyonal, Abenida Tandang Sora, Abenida Luzon, at Abenida Mindanao. Matatagpuan malapit sa sangandaang ito ang mga opisina ng Kagawaran ng Pagsasaka (o DA) at Kagawaran ng Repormang Pansakahan (o DAR).
Ay isang lansangang walo ang mga linya na papuntang North Triangle District at Triangle Park Industrial Center, kung saan matatagpuan ang mga pamilihan ang SM City North EDSA at Trinoma. Papunta ito sa hilagang bahagi ng EDSA na papuntang NLEx, Caloocan, at Monumento.[6]
Ang Abenida Quezon ay isang lansangang walo ang mga linya na papuntang EDSA, Mabuhay Rotonda, at Maynila. Matatagpuan malapit sa sangandaang ito ang Ninoy Aquino Parks and Wildlife.
Ay isang lansangang anim ang mga linya na papuntang East Triangle at EDSA. Ang daang ito ay papunta sa mga katimugang bahagi ng EDSA na papuntang Cubao, Mandaluyong, Makati, at Pasay. Matatagpuan dito ang ilan sa mga kilalang pagamutan tulad ng Philippine Heart Center, East Avenue Medical Center, at National Kidney and Transplant Institute, mga opisina ng pamahalaan (tulad ng sa Land Transportation Office o LTO), at pangunahing opisina ng Pangasiwaan ng Pilipinas sa Serbisyong Atmosperiko, Heopisiko, at Astronomiko (o PAGASA).
Kalye Maharlika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Papunta ang kalyeng ito sa Abenida Commonwealth (sa pamamagitan ng Kalye Masaya pahilaga).
Ay isang lansangang anim ang mga linya na patungong mga distrito ng Kamias, Socorro, at Cubao.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ http://maps.google.com.ph/maps?q=elliptical%20road&hl=tl&biw=1366&bih=667&um=1&ie=UTF-8&sa=N&tab=wl
- ↑ http://www.dar.gov.ph/.../IARCDSP%20Vacancy%2[patay na link]
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-01-22. Nakuha noong 2016-10-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-10-09. Nakuha noong 2016-10-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Metro Manila Map
- ↑ https://wikimapia.org/16905704/North-Ave-Elliptical-Road-Junction