Tulay ng Jones

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Tulay ng Jones
Jones Bridge

Tulay ng Jones noong dekada-1930.
Official name William A. Jones Memorial Bridge
Carries Pansasakyan at pantaong trapiko
Crosses Ilog Pasig
Locale Maynila, Pilipinas
Designer Juan M. Arellano (1919-1920)
Design neoklasikong arkong tulay
(1919-1945)
girdle na tulay
(1945-kasalukuyan)
Material pinatibay na kongkreto
(1919-1945)
Kongkreto
(1945-kasalukuyan)
Piers in water 2
Beginning date of construction 1919
(unang tulay)
1945
(kasalukuyang tulay)
Completion date 1920
Preceded by Tulay ng MacArthur
Followed by Tulay ng Roxas (dating Tulay ng Del Pan)
Collapsed Unang ika-apat na bahagi ng 1945.
Coordinates 14°35′45″N 120°58′38.3″E / 14.59583°N 120.977306°E / 14.59583; 120.977306Coordinates: 14°35′45″N 120°58′38.3″E / 14.59583°N 120.977306°E / 14.59583; 120.977306

Ang Tulay Pang-ala-ala ng William A. Jones (Ingles: William A. Jones Memorial Bridge)[1] ay isang tulay na tumatawid sa Ilog Pasig sa Maynila, Pilipinas, na nag-uugnay ng distrito ng Binondo sa Kalye Quintin Paredes (dating Calle Rosario) sa sentro ng lungsod sa Ermita. Ang naunang tulay na nag-ugnay ng mga nasabing lugar ay ang Puente Grande (Dakilang Tulay), na kalaunan ay tinawag na Puente de España (Tulay ng Espanya) na matatagpuan isang bloke mula sa Tulay ng Jones sa Calle Nueva (ngayon ay Kalye E. T. Yuchengco).

Lubhang nawasak ang tulay pagkaraang bombahin ito ng mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ngunit naitayo ito muli pagkaraan ng digmaan.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig[baguhin | baguhin ang batayan]

Dulo ng Tulay ng Jones noong dekada-1930

Pagkaraang dumanas ang Puente de España sa pagkaupod at pagkaluma nang hindi na kayang maikumpuni, ipinanukala ang pagtatayo ng isang kapalit na tulay. Itinayo ito sa tabi ng Puente de España na nanatili sa paggamit hanggang sa matapos ang bagong tulay. Ipinangalan itong Jones Bridge, mula kay William Atkinson Jones, dating kinatawan ng Virginia na pangunahing may-akda ng Philippine Autonomy Act ng 1916. Sinimulan ang buong pagtatayo ng tulay noong 1919 na pinamamahalaan ng pamahalaang panlungsod ng Maynila, ngunit namahala ang pamahalaang kolonyal ng Amerika sa pagtatapos ng tulay noong 1920. Pinasinayaan ang tulay noong 1921.

Isa pang tanawin ng Tulay ng Jones noong dekada-1930.

Ang disenyong Neoklasiko ni Juan M. Arellano ay isang magayak na kongkretong tulay-arko. Hinuwaran ng tulay ang estilo ng mga tulay sa Paris noong mga panahong Napoleoniko at Haussman. May tatlong arko ang tulay na nakalagay sa dalawang piyer. Ang loob ng mga piyer ay pinagtibay ng asero habang ang labas at mga dibuhong palamuti ay gawa sa kongkreto at nabinubong batong artipisyal.[1]

Naglagay si Arellano ng mga rebulto ng lalaki sa mga lumba-lumba na katulad ng Pont Alexandre III sa Paris, na nakita mismo ni Arellano habang nasa paglalakbay pabalik ng Pilipinas mula Estados Unidos. Ang iba pang mga bahagi ng tulay na pinalamutian nang lubos ay mga palababahan (balustrades), finial, poste ng ilaw, at hulma (moldings). Inilagay rin ang mga rebulto sa mga kuwadradong pundasyon (plinths) sa bawat dulo ng tulay. Isang manlililok na nagnanganlang Martinez ay binigyang-kapangyarihan upang gumawa ng apat na mga matalinhagang paglalarawan (tableau) na may kahalintulad na temang pagiging ina at pagkabansa.

Ang pansamantalang kahabaan ng tulay pagkaraang nawasak ito noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Lubhang nawasak ang tulay kasunod ng pagbobomba ng mga puwersang Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pagkaraan ng digmaan pansamantalang itinayo ang isang bailey bridge hanggang sa muling pagtatayo ng Tulay ng Jones.[1]

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig[baguhin | baguhin ang batayan]

Pagkaraan ng digmaan, muling itinayo ng Kawanihan ng Daang Pampubliko ng Estados Unidos at ng noo'y Kawanihan ng Pagawaing Pampubliko ng Pilipinas sa ilalim ng Philippine Rehabilitation Act ng 1945.[2] Dala ang pangalan ng tulay, ang bagong kahabaan ay isang payak na tulay na may metal na posteng barandilya at walang magarbong palamuti. Winasak din ng digmaan ang isa sa apat na mga rebulto ng La Madre Filipina; inilipat ang mga natitirang bantayog sa ibang lugar sa Maynila.[3][kailangang tiyakin] Dalawa sa mga ito ay nakatayo ngayon malapit sa mga baitang ng gusali ng Hukuman ng Apelasyon habang inilipat naman ang isa sa Liwasang Rizal.[4]

Kasalukuyan[baguhin | baguhin ang batayan]

Tulay ng Jones sa kasalukuyan.

Isa ngayon ang Tulay ng Jones sa mga pinakaabalang tulay sa bansa. Ilan sa mga kamakailang pagpapabuti ay ang pagdaragdag ng mga ilawan sa poste at pagpapalit sa batong barandilya ng mga dating posteng barandilya, nakapagpapagunita sa unang Tulay ng Jones.[5]

Paggamit sa prusisyon ng Itim na Nazareno

Mula noong 2014, ginagamit ang tulay bilang bahagi ng ruta ng prusisyon ng Pista ng Itim na Nazareno tuwing ika-9 ng Enero. Pagkaraang ipinahayag ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) na hindi matatag ang Tulay ng MacArthur upang dalhin ang milyun-milyong mga deboto, inilipat ang ruta ng prusisyon sa Tulay ng Jones.[6][7][8]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 1.2 Alcazaren, Paulo (29 September 2001). "Jones Bridge Diary: The link to a romantic past". City Sense (The Philippine Star). http://www.philstar.com/modern-living/2001/09/29/135115/jones-bridge-diary-the-link-to-a-romantic-past. Hinango noong 6 Hunyo 2016. 
  2. Padron:Cite sign
  3. Tewell, John (2009-08-25)."A walk in Intramuros, Aug. 25, 2009". Flickr. Retrieved on 2011-09-22.
  4. Tewell, John. "Rizal (Luneta) Park, Manila". Flickr. Retrieved on 2011-09-22.
  5. mrbinondo (2008-06-02). "Jones Bridge". Flickr. Retrieved on 2011-09-22.
  6. Sebastian, Raymond. "Jones bridge to receive Quiapo devotees anew". CBCP News (Manila: Catholic Bishops' Conference of the Philippines). http://www.cbcpnews.com/cbcpnews/?p=48743. Hinango noong 17 Enero 2016. 
  7. "NAZARENE WATCH: Bridge in procession route won't be able to carry devotees' weight, DPWH warns". Interaksyon.com. News5. 6 Enero 2014. http://www.interaksyon.com/article/78084/bridge-in-nazarene-route-wont-be-able-to-carry-devotees-weight-dpwh-warns. Hinango noong 17 Enero 2016. 
  8. "DPWH cautions use of MacArthur and Quezon bridges in Manila for Black Nazarene translacion activities". Government of the Republic of the Philippines. http://www.gov.ph/2013/01/07/dpwh-cautions-use-of-macarthur-and-quezon-bridges-in-manila-for-black-nazarene-translacion-activities/. Hinango noong 17 Enero 2016. 

Mga ugnay panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]