Pumunta sa nilalaman

Abenida Ayala

Mga koordinado: 14°33′22″N 121°1′19″E / 14.55611°N 121.02194°E / 14.55611; 121.02194
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Abenida Ayala
Ayala Avenue
Impormasyon sa ruta
Haba1.9 km (1.2 mi)
Bahagi ng
Pangunahing daanan
Dulo sa timog-silangan N1 / AH26 (Abenida Epifanio de los Santos) sa Barangay San Lorenzo
 
Dulo sa hilaga-kanluranAbenida Metropolitan sa Barangay San Antonio
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Abenidang Ayala o Ayala Avenue sa Ingles ay isang abenida sa Makati, Kalakhang Maynila, Pilipinas. Pinagdadaanan nito ang puso ng Distritong Sentral ng Negosyo ng Makati (Makati Central Business District o Makati CBD) ng Makati. Dahil maraming mga negosyo ay nakahimpil dito, itinuturing ang Abenida Ayala bilang Wall Street ng Pilipinas. Nasa pagitan ng EDSA hanggang Abenida Metropolitan ang Abenida Ayala.

Abenida Ayala noong 1982.

Ang bahagi ng Abenida Ayala mula Paseo de Roxas hanggang Abenida Makati ay dating patakbuhan ng Palapagang Nielson, ang lumang paliparan ng Maynila na isa sa mga unang paliparan na naitayo sa Luzon. Nawasak ito noong pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas noong ika-10 ng Disyembre 1941, subalit itinayo muli ito at binalik ang mga operasyon nito noong 1947, pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ginawang daan ang mga patakbuhan noong 1949, noong inilipat ang pagmamay-ari ng mga permanenteng pasilidad ng paliparan sa Ayala Corporation, ang may-ari ng lupa na kinatatayuan ng paliparan.

Pagpasok ng dekada-1950, idinagdag ang nawawalang bahagi ng mga patakbuhan papunta sa pangunahing daan (kasalukuyang Abenida Makati). Nagdagdag din ng mga bagong bahagi mula Paseo de Roxas hanggang Abenida Buendia (kasalukuyang Abenida Gil Puyat). Noong dekada-1960, pinahabaan ito mula Abenida Buendia hanggang Kalye Kamagong, at noong katapusan ng dekada 1990, pinahabaan ito muli mula Kalye Kamagong hanggang katimugang dulo ng Abenida South (mula Abenida J.P. Rizal) at Abenida Metropolitan. Noong itinayo ang Sistema ng Pangkalakhang Riles Panlulan ng Maynila (o MRT), nagdagdag ng isang flyover sa sangandaan nito sa EDSA para sa mga sasakyan na liliko pakaliwa at papuntang Monumento.

Mga pook-palatandaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sentrong Ayala

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Sentrong Ayala, na binubuo ng walaong magkakaibang sentrong pampamilihan, ay kalahating matatagpuan sa Abenida Ayala, lalo na ang hugnayang Glorietta, gusaling-pamilihan ng Greenbelt, at ang 6750 Ayala Avenue, gayundin ang Otel ng Makati Shangri-La.

Tatsulok ng Ayala

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Tatsulok ng Ayala

Ang Tatsulok ng Ayala ay isang sub-distrito ng Distritong Sentral ng Negosyo ng Makati, na binubuo ng piraso ng lupang nasa pagitan ng Abenida Ayala, Abenida Makati at Paseo de Roxas, gayundin mga gusali sa mga lansangang ito. Maraming mga kompanyang multinasyonal, bangko at ibang mga pangunahing negosyo ang matatagpuan sa loob ng tatsulok. Matatagpuan din sa lugar ang ilang mga pangmayamang tindahan ng damit, mga restoran at isang liwasan na nangangalang mga hardin ng Tatsulok ng Ayala.

Matatagpuan sa kanto ng Abenida Ayala at Kalye V.A. Rufino ang Toreng PBCom, ang pinakamatayog na gusaling pangkomersiyo sa Pilipinas. Nagsisilbi itong punong-tanggapan ng dalawang mga bangko ng bansa: ang Philippine Bank of Communications (ang kapangalan ng gusali), at EastWest Bank.

Pamilihang Sapi ng Pilipinas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isa sa mga palapag pangkalakalan ng Pamilihang Sapi ng Pilipinas ay matatagpuan sa Unang Tore ng Ayala ng Abenida Ayala, gayundin ang lumang gusali ng Pamilihang Sapi ng Makati. Matatagpuan malapit sa gusali ang isang istatwa ng politikong si Benigno Aquino, Jr., na matatagpuan sa kanto ng Abenida Ayala at Paseo de Roxas.

Mga gusaling pag-aari ng pamahalaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Estasyon ng pulisya ng Lungsod ng Makati
  • Estasyon ng bombero ng Lungsod ng Makati (sa kanto ng Kalye Yakal; Brgy. San Antonio)
  • Koreo ng Lungsod ng Makati

Iba pang mga kilalang gusali

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tahanan ang Abenida Ayala sa iba pang mga gusaling-palatandaan (landmark buildings), na kinatutuluyan ng maraming mga negosyo sa bansa. Kabilang diyan ang:

Iba pang mga istraktura

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Abenida Ayala pahilaga patungo sa Tatsulok ng Ayala

Ito ang talaan ng mga sangandaan ng abenida. Kapag naka-makapal ang pangalan ng sangandaan, ito ay may tawirang kalye.

Makati Business Center, Makati

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bel-Air, Makati

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Cabacungan, Gil C. (12 Mayo 2012). "Enrile gives up monument to self, now an eyesore on Ayala Avenue". The Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 30 Abril 2013. {{cite news}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

14°33′22″N 121°1′19″E / 14.55611°N 121.02194°E / 14.55611; 121.02194