Pumunta sa nilalaman

Palitan ng Balintawak

Mga koordinado: 14°39′26.6″N 121°0′0.7″E / 14.657389°N 121.000194°E / 14.657389; 121.000194
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Palitan ng Balintawak
Balintawak Cloverleaf
Palitan ng Balintawak noong 1968
Lokasyon
Lungsod Quezon, Kalakhang Maynila, Pilipinas
Mga koordinado14°39′26.6″N 121°0′0.7″E / 14.657389°N 121.000194°E / 14.657389; 121.000194
Mga lansangan sa
daanan
Konstruksiyon
UriPalitang trebol na may dalawang antas
Itinayo1966 ng the Construction and Development Corporation of the Philippines
Nabuksan1968
Pinangangasiwaan ngKagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan
Manila North Tollways Corporation

Ang Palitan ng Balintawak (Ingles: Balintawak Interchange), na kilala rin bilang Trebol ng Balintawak (Balintawak Cloverleaf), ay isang dalawang lebel na palitang trebol sa Lungsod Quezon, Kalakhang Maynila, Pilipinas, na nagsisilbing sangandaan sa pagitan ng EDSA at North Luzon Expressway (NLEx). Isa ito sa mga kauna-unahang proyekto ng Construction and Development Corporation of the Philippines (ngayon ay Philippine National Construction Corporation o PNCC), at binuksan ito noong 1968 bilang bahagi ng unang 37 kilometro (23 milyang) bahagi ng NLEx mula Lungsod Quezon papuntang Guiguinto, Bulacan.[1]

Itinayo ito noong 1966 sa panahon ni dating Pangulo Ferdinand Marcos bilang bahagi ng mga proyektong pang-impraestruktura na magpapalunas sa lumalaking pagsisikip ng trapiko bunsod ng dumaraming bilang ng mga sasakyan. Pinalitan nito ang dating rotonda na nagsilbing sangandaan noon sa pagitan ng EDSA, Abenida Bonifacio, at Lansangang Quirino. Binuksan ito sa mga motorista noong 1968.

Ang pagtatayo ng palitan ay pinabilis ng malaking bilang ng mga sasakyan sa Maynila at kalapit na mga naik noong dekada-1960, na nag-ambag sa lumalaking pagsisikip ng trapiko. Noong Hunyo 25, 1966, iniutos ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang Kagawaran ng Pagawaing Bayan na mamahala sa pagtatayo ng ilang mga proyektong pandaan na tinustusan ng mga bayad-pinsala noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kasama ang pagtatayo ng mga palitan sa mahalagang mga sangandaan sa kahabaan ng EDSA.[2] Ang kautusang ito ay maghahantong sa pagtatayo ng palitang ito na pumapalit sa dating rotonda sa pagitan ng EDSA, Abenida Bonifacio at ng Lansangang Quirino, at ang Palitan ng Magallanes sa pagitan ng EDSA at ng South Luzon Expressway (SLEx), na binuksan noong 1975. Isang dambana para kay Andres Bonifacio ay itnayo paglaon sa loob ng palitan, na sumailalim sa 13 milyong pagkukumpuni noong 2009.[3]

Isang suliranin ang pagbaha sa lugar sa paligid ng Palitan ng Balintawak, at natukoy ang palitan bilang isa sa 22 mga lansangan na mahilig sa pagbaha sa Kalakhang Maynila noong 2014.[4] Noong 2015, ang Manila North Tollways Corporation na konsesyoner ng NLEx ay gumastos ng halos ₱70 milyon upang mapaganda ang sistemang daluyan ng palitan upang maibsan ang pagbaha.[5] Bilang karagdagan sa pagbaha, binatikos ni Cito Beltran, mamamahayag ng Philippine Star, ang palitan dahil sa pagiging laganap dito ng nasusuhulang mga pulis at maliliit na krimen.[6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "PNCC PROJECTS". Philippine National Construction Corporation. Nakuha noong 14 Hulyo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Office of the President of the Philippines. (1966). "Official Week in Review: June 16 — June 30, 1966". Official Gazette of the Republic of the Philippines, 62(31), cclxi-cclxxvii.
  3. "Bonifacio Shrine improvements worth P13 M -- Belmonte". Philippines News Agency. Nobyembre 30, 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 10, 2016. Nakuha noong Hulyo 14, 2016 – sa pamamagitan ni/ng HighBeam. {{cite news}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo September 10, 2016[Date mismatch], sa Wayback Machine.
  4. Brizuela, Maricar B. (Hulyo 9, 2014). "Beware of 22 most flood-prone streets". Philippine Daily Inquirer. Philippine Daily Inquirer, Inc. Nakuha noong Hulyo 14, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "MNTC undertakes P119-M NLEX drainage program". The Philippine Star. PhilStar Daily, Inc. Mayo 18, 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobiyembre 15, 2017. Nakuha noong Hulyo 16, 2016. {{cite news}}: Check date values in: |archive-date= (tulong) Naka-arkibo November 15, 2017[Date mismatch], sa Wayback Machine.
  6. Beltran, Cito (Nobyembre 3, 2008). "The cloverleaf of sinners". The Philippine Star. PhilStar Daily, Inc. Nakuha noong Hulyo 14, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)