Pumunta sa nilalaman

Sistema ng mabilisang daanan sa Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mapa ng mga mabilisang daanan sa Luzon
North Luzon Expressway, ang kauna-unahang mabilisang daanan sa Pilipinas

Ang sistema ng mabilisang daanan sa Pilipinas (Ingles: Philippine expressway network) ay isang sistema ng mga mabilisang daanan o expressways na pinangangasiwaan ng Kagawaran ng mga Pagawain at Lansangang Bayan (DPWH) na binubuo ng lahat ng mga mabilisang daanan at panrehiyon na lansangang may mataas na pamantayan (regional high standard highways) sa Pilipinas.[1] Ang mga lansangang mataas na pamantayan ay nangangahulugang mga lansangang nagbibigay ng mataas na lebel ng serbisyong trapiko sa pamamagitan ng pagtitiyak ng mabilis na kadaliang mapakilos at ligtas na biyahe upang makailangang masuporta ang mga gawaing sosyoekonomiko para sa tamang sosyoekonomikong pag-unlad ng mga estratehikong rehiyon at ng bansa sa pang-kabuoan.[1] Sa Pilipinas, ang mga mabilisang daanan ay mga daang maybayad (toll roads) na pinapanatili ng pribadong sektor sa ilalim ng konsesyon mula sa pamamahalaan. Ang mga panrehiyon na lansangang may mataas na pamantayan (regional high standard highways) ay mga partial na may-takdang pagpasok na lansangan na ginagamit bilang pandagdag (supplementary) sa mga mabilisang daanan.[1]

Umabot sa 420 kilometro (260 milya) ang haba ng sistema ng mabilisang daanan sa Pilipinas noong 2015 at ipapahaba ito sa 626 kilometro (389 milya) pagsapit ng taong 2020 at 995 kilometro (618 milya) paglampas ng taong 2030 ayon sa master plan na isinumite ng Japan International Cooperation Agency (JICA) noong 2010.[2]

Pangkalahatang buod

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bahaging Calamba-Santo Tomas ng South Luzon Expressway

Umaabot ang kabuoang haba ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas sa higit sa 32,000 kilometro (20,000 milya) sa lahat ng mga rehiyon ng Pilipinas. Subalit karamihan sa mga lansangang ito ay isahan at dalawahang daanan (single and dual carriageways) na may mga linyang U-turn at bagtasan na nagpapabagal sa daloy ng trapiko. Kasama pa ang pagdagdag ng bilang ng mga sasakyan at pangangailangan para sa mga may-takdang papasok na lansangan (limited-access highways), nagkiusap ang pamahalaan ng Pilipinas sa pamahalaan ng Hapon na mamatnugot ng isang master plan para sa pagpapausbong ng isang sistema ng lansangang mataas na pamantayan (high standard highway network) noong 2009 sa ilalim ng Philippine Medium-Term Public Investment Plan (2005–2010).[1] Nakapaloob sa panukala ang pagpapaunlad ng pambansang dangal sa pamamagitan ng pagpapatibay ng Philippine Nautical Highway System na nag-uugnay ng mga daan at ferry, ang pagpapabawas ng pagsisikip ng trapiko sa Kalakhang Maynila, at ang pagpapabuti ng pagkanapupuntahan o aksesibilidad sa mga pangunahing pook-turista atbp.[1]

Sinasaklaw ng master plan ng sistema ng mabilisang daanan sa Pilipinas ang pagpapausbong ng mga lansangang mataas na pamantayan sa paligid ng Kalakhang Maynila sa Luzon, Kalakhang Cebu sa Kabisayaan, at lugar ng Kalakhang DabawGeneral Santos sa Mindanao.[1]

Ang mga lansangang mataas na pamantayan (high standard highways) sa Pilipinas ay iniuri sa dalawang kaurian: ang mga arterial high standard highway at mga regional high standard highway.[1]

Mga mabilisang daanan (HSH-1)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga arterial high standards highway (HSH-1) sa bansa ay kilala bilang mga mabilisang daanan. Ang mga ito ay mga lansangang may takdang pagpasok o limited access, at karaniwang may mga palitan o interchanges at maaaring kasama ang mga pasilidad para sa pagpapataw ng mga bayarin o tolls para sa pagdaan sa isang bukas o nakasarang sistema.[3] Kabilang sa mga karaniwang katangian ng mga mabilisang daanan sa bansa ay mga bantayang riles (guard rails), mga rumble strip, mga palatandaan at marka sa kalatagan, mga solidong pader na harang, mga speed radar, mga tarangkahang pambayad (toll plazas), closed-circuit television, at mga pook pahingaan at serbisyo na kadalasang pribado ang nagpapatakbo. Ang nakatakdang tulin o speed limit ay 100 km/h para sa mga kotse at dyipni, 80 km/h para sa mga trak at bus, at 60 km/h ay ang pinakamababang tulin para sa lahat na uri ng sasakyan.

Metro Manila Skyway, ang kauna-unahang mabilisang daanan na nakaangat sa Pilipinas.

Ang mga pinakaunang sistema ng mabilisang daanan sa Pilipinas ay ang North Luzon Expressway (o NLEx, dating North Diversion Road) at ang South Luzon Expressway (o SLEx, dating South Super Highway). Parehong itinayo ang mga ito noong dekada-1970, noong pagkapangulo ni Ferdinand Marcos. Ang pinakaunang mabilisang daanan sa Pilipinas na nakaangat ay ang Metro Manila Skyway (o ang South Metro Manila Skyway Project), na itinayo noong 1995–1999, noong pagkapangulo nina Fidel Ramos at Joseph Estrada. Ang unang bahagi ng STAR Tollway, mula Santo Tomas hanggang Lipa, ay binuksan noong 2001; ang ikalawang bahagi nito mula Lipa hanggang Pantalan ng Lungsod ng Batangas ay binuksan noong 2008. Ang Proyektong Subic–Clark–Tarlac Expressway (o SCTEx) ay sinimulan sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Joseph Estrada, na may dating halaga ng proyekto na ₱15.73 bilyon. Sinimulan ang pagtatayo noong 2005, sa ilalim ng pamahalaan ni dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo. Ito ang pinakamahabang mabilisang daanan sa Pilipinas, at pinag-uugnay nito ang Subic, Clark, at Tarlac. Nakumpleto ito na may halagang proyekto na ₱34.957 bilyon. Noong 2008, pormal nang binuksan ang SCTEx, at ito ang naging hudyat ng para sa pagpapausbong ng Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway (o TPLEx), na magpapatuloy sa labas ng dulo ng SCTEx sa Lungsod ng Tarlac.

May mga maraming itinatayo at pinapanukalang mabilisang daanan sa Pilipinas. Lahat ng mga mabilisang daanan sa bansa ay pribado ang pagpapatakbo sa ilalim ng mga kasunduang concession sa Kagawaran ng mga Pagawain at Lansangang Bayan (DPWH) na nananatili ang pag-aari ng mga ito at maghahawak ng mga operasyon nito pagkawakas ng pampribadong concession. Kasalukuyang may sampung (10) mga mabilisang daanan sa Pilipinas na nag-uugnay ng Kalakhang Maynila sa hilaga at katimugang Luzon.

Regional high standard highways (HSH-2)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga regional high standard highway (panrehiyon na lansangang may mataas na pamantayan) sa Pilipinas ay mga daang arteryal na madami ang mga linya (multi-lane) at may bypass, grade separation at/o frontage road. Kinokonekta ng mga ito ang mga mabilisang daanan at karamiha'y mga partial controlled-access highway.[1] Ang kanilang dinisenyong tulin ay 80–100 km/h para sa mga inter-urban regional highway at 60 km/h para sa mga intra-urban highway.[1]

Sistemang pamilang

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Isang palatandaan para sa mga rutang mabilisang daanan.

Sa ilalim ng Sistemang Pamilang ng Ruta (Route Numbering System) ng Kagawaran ng mga Pagawain at Lansangang Bayan (DPWH), ang mga mabilisang daanan sa Pilipinas ay nakamarka ng mga hugis-pentagon at kulay dilaw na mga palatandaan na may kulay-itim na mga numero. Ang mga ito ay nakaunlapi ng titik "E" para sa "Expressway" at nakanumero nang tuloy-tuloy.[3]

Mga nakanumero na ruta

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang sistema ng mabilisang daanan sa Pilipinas ay binubuo ng mga sumusunod na ruta magmula noong 2019:[4]

Retrato Ruta Mula Papunta/
Hanggang
Haba Mga mabilisang daanan Mga pinaglilingkurang lugar Mga komento
 E1 Lungsod Quezon Rosario, La Union 226 km (140 mi) North Luzon Expressway
Subic–Clark–Tarlac Expressway (bahaging mula Mabalacat hanggang Lungsod ng Tarlac)
Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway
Hilagang Kalakhang Maynila
Bulacan
Pampanga
Tarlac
Pangasinan
La Union
Hermosa, Bataan Mabalacat 50.5 km (31.4 mi) Subic–Clark–Tarlac Expressway
(bahaging mula Hermosa hanggang Mabalacat)
Bataan, Pampanga Sangay ng E1
 E2 Makati Lungsod ng Batangas 123 km (76 mi) Metro Manila Skyway (bahaging mula Magallanes hanggang Hillsborough)
South Luzon Expressway (bahaging mula Magallanes hanggang Santo Tomas)
Southern Tagalog Arterial Road
Kalakhang Maynila
Laguna
Kabite
Batangas
Muntinlupa 4 km (2.5 mi) Muntinlupa–Cavite Expressway Katimugang Kalakhang Maynila
Kabite
Sangay ng E2
 E3 Parañaque Kawit 14 km (8.7 mi) Manila–Cavite Expressway
Kalakhang Maynila
Kabite
Laguna
 E4 Olongapo Dinalupihan 8.8 km (5.5 mi) Subic–Tipo Expressway Zambales
Bataan
 E5 Valenzuela Caloocan 21.7 km (13.5 mi) NLEX Mindanao Avenue Link
NLEX Karuhatan Link
NLEX Harbor Link
Hilagang Kalakhang Maynila
 E6 Parañaque Pasay 11.6 km (7.2 mi) NAIA Expressway Katimugang Kalakhang Maynila kasama ang paligid ng Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino

Asian Highway Network

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Palatandaang pagkatiyakan para sa Pan-Philippine Highway/AH26 sa South Luzon Expressway-bahaging Muntinlupa
  1. North Luzon Expressway mula Guiguinto hanggang Balintawak, Lungsod Quezon
  2. South Luzon Expressway mula Palitan ng Magallanes hanggang Calamba

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 1.7 1.8 "The Study of Masterplan on High Standard Highway Network Development in the Republic of the Philippines" (PDF). Japan International Cooperation Agency. Hulyo 2010. Nakuha noong 15 Mayo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Master Plan for High Standard Highways/Expressways for PPP". Department of Public Works and Highways. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Mayo 2017. Nakuha noong 15 Mayo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Brief History of National Roads in the Philippines" (PDF). Department of Public Works and Highways. Nakuha noong 15 Mayo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  4. "2015 DPWH Road Data". Department of Public Works and Highways. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-02-24. Nakuha noong 15 Mayo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)