Pumunta sa nilalaman

Pampanga

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Para sa ilog, tingnan ang Ilog Pampanga.
Pampanga
Lalawigan ng Pampanga
Watawat ng Pampanga
Watawat
Opisyal na sagisag ng Pampanga
Sagisag
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Pampanga
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Pampanga
Map
Mga koordinado: 15°4'N, 120°40'E
Bansa Pilipinas
RehiyonGitnang Luzon
KabiseraSan Fernando
Pagkakatatag1571 (Huliyano)
Pamahalaan
 • UriSangguniang Panlalawigan
 • GobernadorDennis Pineda
 • Manghalalal1,580,473 na botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan2,002.20 km2 (773.05 milya kuwadrado)
Populasyon
 (senso ng 2020)
 • Kabuuan2,437,709
 • Kapal1,200/km2 (3,200/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
573,920
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng lalawigan
 • Antas ng kahirapan2.90% (2021)[2]
 • Kita₱3,877,190,307.20 (2020)
 • Aset₱12,674,123,243.52 (2020)
 • Pananagutan₱2,400,378,532.11 (2020)
 • Paggasta₱2,127,059,152.60 (2020)
Pagkakahating administratibo
 • Mataas na urbanisadong lungsod1
 • Lungsod1
 • Bayan20
 • Barangay537
 • Mga distrito4
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigo postal
2000–2024
PSGC
035400000
Kodigong pantawag45
Kodigo ng ISO 3166PH-PAM
Klimatropikal na monsoon na klima
Mga wikaWikang Kapampangan
Websaythttp://www.pampanga.gov.ph/

Ang Pampanga ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyong Gitnang Luzon. Ang Lungsod ng San Fernando ang kabisera nito. Naghahanggan ang lalawigan ng Pampanga sa mga lalawigan ng Bataan at Zambales sa kanluran, Tarlac at Nueva Ecija sa hilaga, at sa Bulacan sa timog silangan. Matatagpuan din ang ilang bahagi ng lalawigan ng Pampanga sa hilagang baybayin ng Look ng Maynila.

"La Pampanga" ang ipinangalan ng mga Kastila sa mga katutubong kanilang natuklasang naninirahan sa dalampasigan. Nagsilbi rin itong kabisera ng kapuluan nang dalawang taon mula 1762–1764 nang sinakop ng mga Ingles ang Maynila. Ang salitang pampang, kung saan nagmula ang pangalan ng lalawigan, ay nangangahulugang "dalampasigan". Ang pagtatatag nito noong 1571 ang naging dahilan upang maging kauna-unahang lalawigang Kastila sa Pilipinas.

Mapang pampolitika ng Pampanga

Nahahati ang Pampanga sa 19 mga munisipalidad at 2 lungsod. Bagamat kasali ang Lungsod ng Angeles sa probinsya ng Pampanga, hindi siya kabilang sa pamahalaang panlalawigan nito.

Mataas na urbanisadong lungsod

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May kabuuang 2,180.68 kilometro kwadradong sakop na lupa ang lalawigan. Pangkahalatang patag ang buong lalawigan na may natatanging bundok, ang Bundok Arayat, at ang tanyag na Ilog Pampanga. Sa mga bayan nito, ang bayan ng Porac ang may pinakamalaking sakop na lupa na may 343.12 km kwadrado; Pangalawa ang Candaba at ikatlo ang bayan ng Lubao. Mabibilang na ngayon ang candaba bilang isang tanyag na bayan ng pampanga dahil marami na ang nakakakilala dito sa ngayon

May dalawang natatanging klima ang lalawigan ng Pampanga, tag-ulan at tag-araw. Kadalasang tag-ulan pagsimula ng Mayo hanggang Oktubre, samantalang tag-araw sa mga nalalabing buwan. Ang pinakamainit na panahon ay tuwing Marso at Abril, samantalang pinakamalamig naman mula Disyembre hanggang Pebrero.

Pagsasaka at pangingisda ang dalawang pangunahing industriya sa lalawigan. Bigas, mais, tubo, at tilapya ang mga pangunahing produkto ng lalawigan. Karagdagan sa pagsasaka at pangingisda, ang lalawigan ay mayroon din lumalaking industriya sa paglililok, paggawa ng mga kasangkapan, gitara at iba pang bagay na yari sa kamay. Tuwing panahon ng kapaskuhan, ang lalawigan ng Pampanga ay nagiging sentro ng pagawaan ng "parol".

Tanyag ang lalawigan sa pagluluto. Kilala ang mga Kapampangan sa kanilang husay sa paggawa ng mga bagong uri ng pagkain, mula sa pinakapayak na ulam hanggang sa kakaiba. Ang Pampanga's Best at Mekeni Food ay ilan lamang sa mga kompanyang Kapampangan na gumagawa ng mga tocino, tapa at longganisa.

  1. "Province: Pampanga". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "2021 Full Year Official Poverty Statistics of the Philippines" (PDF). Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 15 Agosto 2022. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)