Pumunta sa nilalaman

Silay

Mga koordinado: 10°48′N 122°58′E / 10.8°N 122.97°E / 10.8; 122.97
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Silay

Lungsod ng Silay
Mapa ng Negros Occidental na nagpapakita ng kinaroroonan ng Lungsod ng Silay.
Mapa ng Negros Occidental na nagpapakita ng kinaroroonan ng Lungsod ng Silay.
Map
Silay is located in Pilipinas
Silay
Silay
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 10°48′N 122°58′E / 10.8°N 122.97°E / 10.8; 122.97
Bansa Pilipinas
RehiyonKanlurang Kabisayaan (Rehiyong VI)
LalawiganNegros Occidental
DistritoPangatlong Distrito ng Negros Occidental
Mga barangay16 (alamin)
Ganap na LungsodHunyo 12, 1957
Pamahalaan
 • Punong LungsodMark J. Golez
 • Manghalalal89,483 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan214.80 km2 (82.93 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan130,478
 • Kapal610/km2 (1,600/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
32,693
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-3 klase ng kita ng lungsod
 • Antas ng kahirapan16.29% (2021)[2]
 • Kita₱893,626,102.54 (2020)
 • Aset₱1,366,572,654.80 (2020)
 • Pananagutan₱587,047,241.17 (2020)
 • Paggasta₱934,159,109.74 (2020)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigong Pangsulat
6116
PSGC
064526000
Kodigong pantawag34
Uri ng klimaTropikal na klima
Mga wikaWikang Hiligaynon
wikang Tagalog
Websaytsilaycity.gov.ph
Tumuturo dito ang Silay, para sa kalapit na bulkan, tingnan ang Silay (bulkan).

Ang Lungsod ng Silay ay isang ikatlong klaseng lungsod sa lalawigan ng Negros Occidental, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 130,478 sa may 32,693 na kabahayan. Bahagi ito ng Pook Metropolitan na tinatawag na Metro Bacolod, na kinabibilangan ng mga lungsod ng Bacolod at Talisay.[3] Sa lungsod matatagpuan ang bagong Paliparang Pandaigdig ng Bacolod-Silay; na pumalit sa Paliparang Domestiko ng Lungsod ng Bacolod.

Madalas tawaging "Paris ng Negros" ang Silay[4] dahil sa malawak nitong kalipunan ng mga napapanataling mga sinaunang kabahayan. Higit sa tatlumpo ng mga kabahayan na ito ay naitalagang mga makasaysayang pook ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas na bahagi ng Pambansang Palantaang Pangkasaysayan ng Silay. [5][6]Noong 2015, ipinagdiwang ng lungsod ang ika-58 na anibersaryo ng pagkakatatag bilang lungsod.[7]Pangalawang lungsod ang Silay na maitalagang museong lungsod, kasunod ng Vigan sa Ilocos Sur.

Hinango ang taguring Silay mula sa pangalan ng isang puno na malawakang tumutubo sa lugar na ito. Ang Kansilay ang opisyal na pang-lungsod na puno ng Silay.

Ang alamat ni Prinsesa Kansilay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May isang katutubong alamat na nagsasabi kung paano nakuha ng Lunsod ng Silay ang pangalan nito. Ikinukuwento na noong mga kapanahunan ng mga datu at mga rajah, mayroon isang namuhay na prinsesang si Kansilay. May lumusob na mga pirata sa bayan ngunit nagapi naman ang mga ito dahil sa pamumuno ng prinsesa. Lumaban ang prinsesa bilang isang tunay na mandirigma. May mga moog na dating pumapalamuti sa mga gusaling pampubliko ng lungsod na naglalarawan sa kaniyang pagiging mandirigma may iwinawasiwas na talibong, isang maikling espada na may iisang matalas na gilid lamang. Nalupig ang mga pirata, ngunit namatay ang prinsesa sa kabila ng tagumpay na ito. Napagmasdan ng kaniyang kasintahan ang kaniyang paglisan sa mundo ng buhay. May dalamhating inilibing nila ang kanilang pinakamamahal na prinsesa. Sa kanilang pagkamangha, mayroong isang punong tumubo sa ibabad ng kaniyang puntod. Ito ang unang puno ng Kansilay, ang huling regala ng matapang prinsesa, para sa kaniyang mga mamamayan.

Ang Lungsod ng Silay ay nahahati sa 16 mga barangay.

  • Balaring
  • Barangay I (Pob.)
  • Barangay II (Pob.)
  • Barangay III (Pob.)
  • Barangay IV (Pob.)
  • Barangay V (Pob.)
  • Barangay VI Pob. (Hawaiian)
  • Eustaquio Lopez
  • Guimbala-on
  • Guinhalaran
  • Kapitan Ramon
  • Lantad
  • Mambulac
  • Rizal
  • Bagtic
  • Patag
Senso ng populasyon ng
Silay
TaonPop.±% p.a.
1903 25,214—    
1918 23,328−0.52%
1939 39,483+2.54%
1948 35,570−1.15%
1960 60,324+4.50%
1970 69,200+1.38%
1975 104,887+8.70%
1980 111,131+1.16%
1990 101,031−0.95%
1995 122,748+3.72%
2000 107,722−2.76%
2007 120,365+1.54%
2010 120,999+0.19%
2015 126,930+0.92%
2020 130,478+0.54%
Sanggunian: PSA[8][9][10][11]


Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Province:". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Building Globally Competitive Metro Areas in the Philippines" (PDF). Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 5 Hulyo 2010. Nakuha noong 2010-06-16. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Silay City - Negros Occidental Provincial Government". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2016-05-07. Nakuha noong 2012-01-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. National Historical Commission of the Philippines (Hulyo 1990). "Declaring a Portion of Silay City, Negros Occidental, A National Historical Landmark" (PDF). Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 22 Hunyo 2015. Nakuha noong 22 Hunyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. National Historical Commission of the Philippines (30 Oktubre 1990). "Amending Resolution No. 2, s. 1990, Dated July 1990, Declaring a Portion of Silay City, Negros Occidental, A National Historical Landmark" (PDF). Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 22 Hunyo 2015. Nakuha noong 22 Hunyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Pacete, Severino (9 Hunyo 2015). "Silaynons who made Silay". Sun.Star. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 22 Hunyo 2015. Nakuha noong 22 Hunyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Census of Population (2015). "Region VI (Western Visayas)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Census of Population and Housing (2010). "Region VI (Western Visayas)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Censuses of Population (1903–2007). "Region VI (Western Visayas)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  11. "Province of". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]