Datu
Ang datu ay ang katawagan sa pinuno ng mga barangay noong kapanahunan ng pre-hispanikong Pilipinas. Sila ang nagsisilbing tagapagpatupad ng mga batas at ang nagsisilbing pinakahari. Kapag higit na mas malakas ang isang datu, sila ay tinatawag na raha. Kabilang ang datu sa pangkat panlipunan ng mga maharlika.
Ang mga kilalang mga datu at rajah sa kasaysayan ng Pilipinas ay sina:
- Rajah Humabon (Cebu) - kalaban ni Lapu-lapu
- Pulaka, na kilala rin bilang Lapu-lapu (Mactan, Cebu) - ang pumaslang kay Magallanes (Magellan)
- Rajah Kolambu (Butuan) - ang nagdala kay Magellan sa Cebu (Sugbu)
- Datu Zula (Cebu) - ang kapanalig ni Humabon laban kay Lapu-lapu
- Rajah Sulayman (Maynila) - isa sa mga hari ng Maynilad
- Rajah Matanda (Maynila) - isa sa mga hari ng Maynilad
- Lakan Dula (Maynila) - isa sa mga hari ng Maynilad
- Rajah Siagu (Butuan)
- Rajah Tupas (Cebu) - anak ni Humabon, tinalo siya ni Legazpi sa labanan
- Datu Macabulos (Pampanga)
- Rajah Kalantiaw (Panay) - gumawa ng batas
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.