Pumunta sa nilalaman

Palawan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Palawan
Lalawigan ng Palawan
Watawat ng Palawan
Watawat
Opisyal na sagisag ng Palawan
Sagisag
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Palawan
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Palawan
Map
Mga koordinado: 10°0'N, 118°50'E
Bansa Pilipinas
RehiyonMimaropa
KabiseraPuerto Princesa
Pagkakatatag1818
Pamahalaan
 • UriSangguniang Panlalawigan
 • GobernadorJose Alvarez
 • Manghalalal677,185 na botante (2019)
Lawak
[1]
 • Kabuuan14,649.73 km2 (5,656.29 milya kuwadrado)
Populasyon
 (senso ng 2020)
 • Kabuuan939,594
 • Kapal64/km2 (170/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
194,061
DemonymPalawenyo
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng lalawigan
 • Antas ng kahirapan9.40% (2021)[2]
 • Kita₱3,612,771,740.53 (2020)
 • Aset₱15,737,202,153.74 (2020)
 • Pananagutan₱5,931,247,050.40 (2020)
 • Paggasta₱2,544,116,603.13 (2020)
Pagkakahating administratibo
 • Mataas na urbanisadong lungsod0
 • Lungsod1
 • Bayan23
 • Barangay432
 • Mga distrito2
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigo postal
5300–5322
PSGC
175300000
Kodigong pantawag48
Kodigo ng ISO 3166PH-PLW
Klimatropikal na klima
Mga wikawikang Filipino
Websaythttp://www.palawan.gov.ph/

Ang Palawan ay isang pulong lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa MIMAROPA. Ang Lungsod ng Puerto Princesa ay kabisera nito at ang pinakamalaking lalawigan sang-ayon sa laki ng lupain. Bumabagtas ang mga pulo ng Palawan mula sa Mindoro hanggang Borneo patungong timog-kanluran. Matatagpuan ito sa pagitan ng Dagat Timog Tsina sa hilagang-kanluran at Dagat Sulu sa timog-silangan.

Pinangalan ang lalawigan sa pinakamalaking pulo ang Pulo ng Palawan.

Nahahati ang Palawan sa 23 mga munisipalidad. Inaangkin ng pamahalaan ng Pilipinas ang karamihan sa Mga Pulo ng Spratly, lokal na tinatawag bilang Kapuluan ng Kalayaan, sa Mga Pulo ng Dagat Timog Tsina na naging sa ilalim ng hurisdiksyon ng Palawan. Bagamat kasali ang Lungsod ng Puerto Princesa sa probinsya ng Palawan, hindi siya kabilang sa pamahalaang panlalawigan nito.

Mataas na urbanisadong lungsod

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga munisipalidad

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 2001, bumoto ang mga residente ng Palawan sa isang plebisito upang tanggihan ang pagsali ng lalawigan sa isang pinalawak na Awtonomong Rehiyon sa Muslim Mindanao (ARMM).[3]

Noong 17 Mayo 2002, hinati ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 103 ang Rehiyong IV sa Rehiyong IV-A (Calabarzon) at Rehiyong IV-B (Mimaropa), na nagpalagay ng lalawigan ng Palawan sa Mimaropa.[4]

Noong 23 Mayo 2005, inatas ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 429 na ilipat ang Palawan mula Rehiyong IV-B papuntang Rehiyong VI.[5] Ngunit binatikos ito ng mga Palaweño na nagbanggit ng kawalan ng pagsangguni. Karamihan sa mga residente sa Puerto Princesa at lahat ng mga bayan maliban sa isa ay nais na manatili sa Rehiyong IV-B. Bunsod nito, inilabas ang Kautusang Pampangasiwaan Blg. 129 noong 19 Agosto 2005 na ipaliban muna ang pagpapatupad ng EO 429 habang hinihintay ang pagpapahintulot ng Pangulo sa Panukala ng pagpapatupad nito.[6] Inulat ng Komisyon sa Halalan (COMELEC) ang mga resulta ng pangkalahatang halalan sa Pilipinas ng 2010 sa Palawan bilang isang bahagi ng Rehiyong IV-B.[7] Magmula noong 30 Hunyo 2011 (2011 -06-30), umiiral pa rin ang pagpapaliban, at nananatiling bahagi ng Mimaropa ang Palawan.[8]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Province: Palawan". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "2021 Full Year Official Poverty Statistics of the Philippines" (PDF). Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 15 Agosto 2022. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Philippines 'rejects' Muslim self-rule". BBC News. 15 Agosto 2001. Nakuha noong 15 Agosto 2008.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. President of the Philippines (17 Mayo 2002). "Executive Order No. 103". ncsb.gov.ph. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 18 Mayo 2016. Nakuha noong 15 Mayo 2008. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 18 May 2016[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  5. President of the Philippines (23 Mayo 2005). "Executive Order No. 429 s. 2005". Official Gazette. Philippine Government. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 8 Enero 2017. Nakuha noong 28 Agosto 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 8 January 2017[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  6. President of the Philippines (19 Agosto 2005). "Administrative Order No. 129 s. 2005". Official Gazette. Philippine Government. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 13 Oktubre 2016. Nakuha noong 28 Agosto 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 13 October 2016[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  7. "Philippine 2010 Election Results: Region IV-B". Philippine Commission on Elections. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2010-05-28. Nakuha noong 2017-08-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "List of Provinces". PSGC Interactive. Makati City, Philippines: National Statistical Coordination Board. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2013-01-21. Nakuha noong 14 Mayo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2016-09-12 sa Wayback Machine.