Batangas

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Lalawigan ng Batangas
Opisyal na sagisag ng Lalawigan ng Batangas
Sagisag
Ph locator map batangas.png
Mga koordinado: 13°50′N 121°00′E / 13.83°N 121°E / 13.83; 121Mga koordinado: 13°50′N 121°00′E / 13.83°N 121°E / 13.83; 121
BansaPilipinas
RehiyonCALABARZON (Rehiyon IV-A)
Pagkatatag10 Marso 1917
KabiseraLungsod ng Batangas
DibisyonLungsod (mataas na urbanisado)—0,
Lungsod (bahagi)—4,
Bayan—30,
Barangay—1,078
Pamahalaan
 • GobernadorHermilando Mandanas
Lawak
(ika-41 pinakamalaki)
 • Kabuuan3,165.8 km2 (1,222.3 milya kuwadrado)
 sa populasyon, sa densidad
WikaTagalog, Ingles

Ang Batangas (pagbigkas: ba•táng•gas) ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa timog-kanlurang bahagi ng Luzon sa rehiyon ng CALABARZON. Ang Lungsod ng Batangas ang kabisera nito. Napaliligiran ito ng mga lalawigan ng Cavite at Laguna sa hilaga at Quezon sa silangan. Pagtawid sa Verde Island Passages sa timog, matatagpuan ang Mindoro at sa kanluran naman ang Timog Dagat Tsina.

Isa ang Batangas sa pinakasikat na destinasyong panturismong malapit sa Kalakhang Maynila. Maraming mga magagandang baybayin ang lalawigan at kilala sa magagandang pook sisiran o "diving spots" kasama ang Anilao sa Mabini, ang pulo ng Sombrero sa Tingloy, pulo ng Ligpo sa Bauan, ang mga lugar na ito ay higit na kilala bilang Anilao. Kasama rin sa mga dinarayong lugar ay ang Matabungkay sa Lian, Punta Fuego sa Nasugbu, Calatagan at Laiya sa San Juan. Sa Batangas din matatagpuan ang tanyag na Bulkang Taal, ang pinakamaliit na aktibong bulkan sa daigdig. Nasa Batangas ang ikalawang pinakamalaking daungang pandaigdig ng Pilipinas sunod sa Kalakhang Maynila.

Etimolohiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang pinakaunang naitalang pangalan ng lalawigan ay Kumintang. Ang sentro nito, ang kasalukuyang bayan ng Balayan, ay ang pinakamaunlad na bayang lalawigan at ang daing sentro ng pamahalaan. Lumaon, dahil sa pagkawasak ng bayan dahil sa pagsabog ng Bulkang Taal, inilipat ang sentro ng lalawigan sa Taal, na dating tinatawag na Bonbon at ang pangalan ng lalawigan ay pinalitan sunod sa pangalan ng bayan na iyon.

Ang salitang Batangan ay nangahuhulugang balsa, ang tawag ng mga katutubo sa sasakyang pantubig na gamit ng mga katutubo sa kanilang pangingisda sa kalapit na Lawa ng Taal. Maaari rin siyang mangahulugang kahoy na gawa matatagpuan sa Ilog Calumpang, ang bahagi ng tubig na dumadaloy sa hilagang silangang bahagi ng bayan.

Mamamayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Tagalog ng Batangas na sinasalita sa lalawigan ay malapit sa sinaunang wikang Tagalog na sinasalita bago dumating ang mga Kastila. Kaya ayon sa Summer Institute of Linguistics[1], tinawag nila ang lalawigan bilang sentro ng wikang Tagalog.

Sa mga nakalipas na mga taon, ang pagdagsa ng mga katutubo mula sa Kabisayaan ang nagdulot ng pagdami ng mga Bisaya sa lalawigan. Mayroon din ilang nakapagsasalita ng Kastila, dahil isang mahalagang sentro rin ang Batangas noong panahon ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas.

Isa ang Batangas sa may pinakamataas na antas ng kamuwangan sa Pilipinas sa 96.5%, kung saan ay higit na mataas ang muwang ng mga lalaki na nasa 97.1% kaysa sa mga babae na 95.9%.

Heograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Pisikal[baguhin | baguhin ang batayan]

Magkahalong kapatagan at kabundukan ang lalawigan ng Batangas, kung saan matatagpuan din ang pinakamaliit na bulkan sa daigdig, ang Bulkan Taal, na may taas na 600 metro, na nasa gitna ng Lawa ng Taal. Ang ilan pang mahahalagang bundok ay ang Bundok Makulot na may taas na 830 m, Bundok Talamitan, na may taas na 700 m, Bundok Pico de Loro na may taas na 664 m, Bundok Batulao, Bundok Manabo, at Bundok Daguldol.

Wika[baguhin | baguhin ang batayan]

Bagaman may sariling pamamaraan ng pagsasalita ng Tagalog ang mga Batangueño, matatas din manalita ng Ingles ang mga mamamayan nito. Nakauunawa din ng iilang salita sa wikang Kastila ang ilan sa mga Batangueño. Sa katunayan, ang ilang bayan gaya ng Nasugbu, Taal at Lemery ay maroon pa ring iilang mananalita ng wikang Kastila. Marami rin ang nagsasalita ng Cebuano dahil sa iilang dayo mula sa katimugan ng Pilipinas.

Pamahalaan[baguhin | baguhin ang batayan]

Politika[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Kapitolyo ng lalawigan ng Batangas

Kasama ang mga lalawigan ng ng Pulo ng Panay, Ilocos Sur at Pampanga, isa ang Batangas sa mga naunang ekonomiyang binuo ng mga Kastilang nanirahan sa Pilipinas. Pinamunuan ito ni Martin de Goiti at simula noon ay naging mahalagang sentro ang Batangas ng Pilipinas, hindi lamang para sa mga Tagalog. Unang nakilala bilang Bonbon ang Batangas. Isinunod ang pangalan nito sa kamangha-manghang Lawa ng Taal, na dati ay tinatawag na Bonbon. Ang ilan sa mga naunang pamayanan sa Batangas ay naitatag malapit sa Lawa ng Taal. Noong 1534, naging kauna-unahang lalawigan naayos sa Luzon ang Batangas. Naging kabisera nito ang Balayan simula noong 1597 hanggang 1732. Noong 1732, inilipat ito sa Taal, at naging pinakamaunlad na bayan sa lalawigan hanggang noong 1754, nang mawasak ito ng pagsabog ng Taal. Noong 1889, inilipat ang kabisera sa kasalukuyang Lungsod ng Batangas.

Pagkakahating Pampolitika[baguhin | baguhin ang batayan]

Mapang Pampolitika ng Batangas

Nahahati ang lalawigan sa 30 mga bayan at 4 mga lungsod.

  •  †  Panlalawigang kabisera at bahaging lungsod
  •  ∗  Bahaging lungsod
  •      Bayan

Lungsod o bayan Distritong
pambatas
[1]
Populasyon ±% p.a. Lawak[1] Kapal ng populasyon Brgy. Koordinado[A]
(2015)[2] (2010)[3] km2 sq mi /km2 /sq mi
Agoncillo III &0000000000000001.4000001.4% 38,059 35,794 1.18% 49.96 19.29 760 2,000 21 13°56′05″N 120°55′43″E / 13.9348°N 120.9285°E / 13.9348; 120.9285 (Agoncillo)
Alitagtag III &0000000000000000.9000000.9% 25,300 23,649 1.29% 24.76 9.56 1,000 2,600 19 13°51′55″N 121°00′17″E / 13.8653°N 121.0046°E / 13.8653; 121.0046 (Alitagtag)
Balayan I &0000000000000003.4000003.4% 90,699 81,805 1.98% 108.73 41.98 830 2,100 48 13°57′01″N 120°44′00″E / 13.9503°N 120.7334°E / 13.9503; 120.7334 (Balayan)
Balete III &0000000000000000.8000000.8% 22,661 20,214 2.20% 25.00 9.65 910 2,400 13 14°01′00″N 121°05′59″E / 14.0168°N 121.0998°E / 14.0168; 121.0998 (Balete)
Lungsod ng Batangas V &0000000000000012.20000012.2% 329,874 305,607 1.47% 282.96 109.25 1,200 3,100 105 13°45′22″N 121°03′28″E / 13.7561°N 121.0577°E / 13.7561; 121.0577 (Batangas City)
Bauan II &0000000000000003.4000003.4% 91,297 81,351 2.22% 53.31 20.58 1,700 4,400 40 13°47′33″N 121°00′27″E / 13.7925°N 121.0076°E / 13.7925; 121.0076 (Bauan)
Calaca I &0000000000000003.0000003.0% 81,859 70,521 2.88% 114.58 44.24 710 1,800 40 13°55′49″N 120°48′46″E / 13.9304°N 120.8128°E / 13.9304; 120.8128 (Calaca)
Calatagan I &0000000000000002.1000002.1% 56,449 51,997 1.58% 112.00 43.24 500 1,300 25 13°49′58″N 120°37′56″E / 13.8329°N 120.6322°E / 13.8329; 120.6322 (Calatagan)
Cuenca III &0000000000000001.2000001.2% 32,783 31,236 0.92% 58.18 22.46 560 1,500 21 13°54′05″N 121°02′57″E / 13.9015°N 121.0492°E / 13.9015; 121.0492 (Cuenca)
Ibaan IV &0000000000000002.0000002.0% 52,970 48,482 1.70% 68.99 26.64 770 2,000 26 13°49′11″N 121°08′09″E / 13.8196°N 121.1358°E / 13.8196; 121.1358 (Ibaan)
Laurel III &0000000000000001.5000001.5% 39,444 35,674 1.93% 71.29 27.53 550 1,400 21 14°03′01″N 120°56′00″E / 14.0504°N 120.9332°E / 14.0504; 120.9332 (Laurel)
Lemery I &0000000000000003.5000003.5% 93,157 81,825 2.50% 109.80 42.39 850 2,200 46 13°53′01″N 120°54′48″E / 13.8837°N 120.9132°E / 13.8837; 120.9132 (Lemery)
Lian I &0000000000000002.0000002.0% 52,660 45,943 2.63% 76.80 29.65 690 1,800 19 14°02′09″N 120°39′12″E / 14.0357°N 120.6534°E / 14.0357; 120.6534 (Lian)
Lipa VI &0000000000000012.30000012.3% 332,386 283,468 3.08% 209.40 80.85 1,600 4,100 72 13°56′29″N 121°09′51″E / 13.9414°N 121.1642°E / 13.9414; 121.1642 (Lipa)
Lobo II &0000000000000001.5000001.5% 41,504 37,070 2.17% 175.03 67.58 240 620 26 13°38′50″N 121°12′36″E / 13.6473°N 121.2100°E / 13.6473; 121.2100 (Lobo)
Mabini II &0000000000000001.7000001.7% 46,211 44,391 0.77% 44.47 17.17 1,000 2,600 34 13°44′51″N 120°56′28″E / 13.7476°N 120.9412°E / 13.7476; 120.9412 (Mabini)
Malvar III &0000000000000002.1000002.1% 56,270 45,952 3.93% 33.00 12.74 1,700 4,400 15 14°03′15″N 121°09′17″E / 14.0542°N 121.1548°E / 14.0542; 121.1548 (Malvar)
Mataasnakahoy III &0000000000000001.1000001.1% 29,187 27,177 1.37% 22.10 8.53 1,300 3,400 16 13°57′45″N 121°06′49″E / 13.9625°N 121.1137°E / 13.9625; 121.1137 (Mataas na Kahoy)
Nasugbu I &0000000000000005.0000005.0% 134,113 122,483 1.74% 278.51 107.53 480 1,200 42 14°04′24″N 120°37′56″E / 14.0734°N 120.6322°E / 14.0734; 120.6322 (Nasugbu)
Padre Garcia IV &0000000000000001.8000001.8% 48,302 44,877 1.41% 41.51 16.03 1,200 3,100 18 13°52′40″N 121°12′42″E / 13.8777°N 121.2116°E / 13.8777; 121.2116 (Padre Garcia)
Rosario IV &0000000000000004.3000004.3% 116,764 105,561 1.94% 226.88 87.60 510 1,300 48 13°50′39″N 121°12′13″E / 13.8442°N 121.2035°E / 13.8442; 121.2035 (Rosario)
San Jose IV &0000000000000002.9000002.9% 76,971 68,517 2.24% 53.29 20.58 1,400 3,600 33 13°52′49″N 121°06′07″E / 13.8802°N 121.1019°E / 13.8802; 121.1019 (San Jose)
San Juan IV &0000000000000004.0000004.0% 108,585 94,291 2.72% 273.40 105.56 400 1,000 42 13°49′29″N 121°23′46″E / 13.8246°N 121.3962°E / 13.8246; 121.3962 (San Juan)
San Luis II &0000000000000001.2000001.2% 33,149 30,701 1.47% 42.56 16.43 780 2,000 26 13°51′31″N 120°54′59″E / 13.8585°N 120.9163°E / 13.8585; 120.9163 (San Luis)
San Nicolas III &0000000000000000.8000000.8% 22,623 20,599 1.80% 14.37 5.55 1,600 4,100 18 13°55′49″N 120°57′08″E / 13.9302°N 120.9521°E / 13.9302; 120.9521 (San Nicolas)
San Pascual II &0000000000000002.4000002.4% 65,424 59,598 1.79% 50.70 19.58 1,300 3,400 29 13°47′04″N 121°01′49″E / 13.7844°N 121.0302°E / 13.7844; 121.0302 (San Pascual)
Santa Teresita III &0000000000000000.8000000.8% 21,127 17,415 3.75% 16.30 6.29 1,300 3,400 17 13°52′11″N 120°58′37″E / 13.8698°N 120.9769°E / 13.8698; 120.9769 (Santa Teresita)
Santo Tomas III &0000000000000006.7000006.7% 179,844 124,740 7.21% 95.41 36.84 1,900 4,900 30 14°06′24″N 121°09′42″E / 14.1068°N 121.1616°E / 14.1068; 121.1616 (Santo Tomas)
Taal I &0000000000000002.1000002.1% 56,327 51,503 1.72% 29.76 11.49 1,900 4,900 42 13°52′49″N 120°55′26″E / 13.8803°N 120.9238°E / 13.8803; 120.9238 (Taal)
Talisay III &0000000000000001.7000001.7% 45,301 39,600 2.59% 28.20 10.89 1,600 4,100 21 14°05′40″N 121°01′19″E / 14.0944°N 121.0219°E / 14.0944; 121.0219 (Talisay)
Tanauan III &0000000000000006.4000006.4% 173,366 152,393 2.49% 107.16 41.37 1,600 4,100 48 14°05′07″N 121°09′10″E / 14.0853°N 121.1528°E / 14.0853; 121.1528 (Tanauan)
Taysan IV &0000000000000001.4000001.4% 38,007 35,357 1.39% 93.62 36.15 410 1,100 20 13°47′48″N 121°11′19″E / 13.7968°N 121.1885°E / 13.7968; 121.1885 (Taysan)
Tingloy II &0000000000000000.7000000.7% 17,919 16,870 1.16% 33.07 12.77 540 1,400 15 13°39′33″N 120°52′24″E / 13.6592°N 120.8734°E / 13.6592; 120.8734 (Tingloy)
Tuy I &0000000000000001.6000001.6% 43,743 40,734 1.37% 94.65 36.54 460 1,200 22 14°01′19″N 120°43′48″E / 14.0219°N 120.7299°E / 14.0219; 120.7299 (Tuy)
Kabuuan 2,694,335 2,377,395 2.41% 3,119.75 1,204.54 860 2,200 1,078 (tingnan ang GeoGroup box)
  1. ^ Ang mga koordinado ay tumatanda ng poblasyon, at maaaring iayos batay sa latitud.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Padron:More footnotes

  1. 1.0 1.1 "Province: Batangas". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Hinango noong 8 Enero 2016.
  2. Census of Population (2015): Highlights of the Philippine Population 2015 Census of Population (Report). PSA. Hinango noong 20 Hunyo 2016.
  3. Census of Population and Housing (2010): Population and Annual Growth Rates for The Philippines and Its Regions, Provinces, and Highly Urbanized Cities (PDF) (Report). NSO. Hinango noong 29 Hunyo 2016.

Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]