Pangasinan
- Para sa wika, tingnan ang Wikang Pangasinan.
Pangasinan | |||
|---|---|---|---|
| Lalawigan ng Pangasinan | |||
| |||
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Pangasinan | |||
![]() | |||
| Mga koordinado: 15°55'N, 120°20'E | |||
| Bansa | |||
| Rehiyon | Rehiyon ng Ilocos | ||
| Kabisera | Lingayen | ||
| Pagkakatatag | 1611 | ||
| Pamahalaan | |||
| • Uri | Sangguniang Panlalawigan | ||
| • Gobernador | Amado Espino III | ||
| • Manghalalal | 2,156,306 na botante (2025) | ||
| Lawak | |||
| • Kabuuan | 5,451.01 km2 (2,104.65 milya kuwadrado) | ||
| Populasyon (senso ng 2024) | |||
| • Kabuuan | 3,188,540 | ||
| • Kapal | 580/km2 (1,500/milya kuwadrado) | ||
| • Kabahayan | 776,202 | ||
| Ekonomiya | |||
| • Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng lalawigan | ||
| • Antas ng kahirapan | 13.90% (2021)[2] | ||
| • Kita | ₱ 6,442 million (2022) (2022) | ||
| • Aset | ₱ 15,897 million (2022) | ||
| • Pananagutan | ₱ 3,898 million (2022) | ||
| • Paggasta | ₱ 4,675 million (2022) | ||
| Pagkakahating administratibo | |||
| • Mataas na urbanisadong lungsod | 0 | ||
| • Lungsod | 4 | ||
| • Bayan | 44 | ||
| • Barangay | 1,364 | ||
| • Mga distrito | 6 | ||
| Sona ng oras | UTC+8 (PST) | ||
| PSGC | 015500000 | ||
| Kodigong pantawag | 75 | ||
| Kodigo ng ISO 3166 | PH-PAN | ||
| Klima | tropikal na monsoon na klima | ||
| Mga wika | Pangasinan wikang Sambal Wikang Bolinao Kayapa Kallahan | ||
| Websayt | http://www.pangasinan.gov.ph/ | ||
Ang Pangasinan ay isang lalawigan ng Pilipinas sa rehiyon ng Ilocos. Matatagpuan ang lalawigan sa kanlurang bahagi ng pulo ng Luzon sa may Golpo ng Lingayen at Dagat Timog Tsina. Ito ay may kabuuang sukat na 5,451.01 kilometro kuwadrado (2,104.65 sq mi).[3] Ayon sa senso noong 2015, ang populasyon ay nasa 2,956,726 .[4]
Pangasinan ang pangalan ng lalawigan, gaya na rin ang tawag sa mga mamamayan nito, at ang pangunahing wikang sinasalita sa lalawigan. Tinatayang nasa 1.5 milyong ang mga katutubong Pangasinan. Isa ang wikang Pangasinan sa mga opisyal na kinikilalang wikang rehiyunal sa Pilipinas. Sinasalita ang Pangasinan bilang ikalawang wika ng mga etnikong minorya sa Pangasinan. Ang pinakakilalang pangkat etnikong minorya sa Pangasinan ay ang mga Iloko, Bolinao at mga Tagalog. Matatas namang magsalita ng Iloko at wikang Filipino ang mga Pangasinan bilang pangalawang wika.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sinaunang panahon
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang Pangasinan, gaya ng ibang mga lugar sa Pilipinas, ay tinirahan ng mga Austronesyo noong panahon ng malawakan nilang pagkalat sa iba't ibang panig ng daigdig mula sa karagatan. Nagtatag sila ng kani-kanilang mga bayan alinsunod sa baybayin ng Golpo ng Lingayen, at naging bahagi ng sinaunang daluyan ng kalakalan patungo at galing Tsina, Indiya at Hapon noong ika-8 na dantaon. Ang pangunahing hanap-buhay ng mga Pangasinense na mga taga-baybay ay ang paggawa ng asin, kung kaya't sila at ang kanilang bayan ay tinaguriang "Pangasinan" ("pagawaan ng asin"). Datapwat ang mga kaloob-loobang lupain naman ay tinaguriang Caboloan ("pagawa-an ng kawayang bolo") sapagkat nakararami noon ang kawayang bolo (Gigantochloa levis) sa lugar.[5]
Ayon sa tala ng mga Tsino noong panahon ng Dinastiyang Ming, ang Pangasinan ay kanilang tinawag bilang "Feng-jia-shi-lan". Sila ay pinapaniwalaang nagpadala ng mga emisaryo sa Tsina na may simbolikong tributo mula 1403 hanggang 1405, kung saan ito'y kanilang kinailangang gawin upang magawa nilang makipagsapalaran sa mga Tsino.[6]
Noong ika-16 na dantaon, tinagurian ang Pangasinan bilang "Daungan ng Hapon" ng mga Kastila. Ang mga katutubo noon ay nagtaglay ng kasuotan na maihahantulad sa ibang mga bayan at mga pangkat-etniko ng Timog Silangang Asia kasama na ang mga sutla ng mga Tsino at mga Hapon. Kahit ang mga pangkaraniwang mga tao noon ay nagkaroon ng mga palamuti na gawa sa bulak mula sa mga Tsino at mga Hapon. Pinaitiman nila ang kanilang mga ngipin at kanilang pinandirihan ang puting mga ngipin ng mga banyaga na ihinantulad nila sa mga kahayupan. Sila ay gumamit ng mga garapon gaya ng mga makikita sa mga bahay ng mga Hapon at ng mga Tsino. Matutuklasan rin noon ang paggamit ng mga pulbura na mala-Hapon ang anyo tuwing may bakbakan sa Golpo ng Lingayen.[7] Kapalit naman sa mga yamang ito, ang mga mangangalakal sa iba't ibang panig ng Asia ay nagtutungo sa Pangasinan upang makabili ng mga ginto at mga alipin pati na rin ang balat ng usa, musang at iba pa. Ang mga Pangasinense noon ay may kultura na maihahantulad sa kultura sa bandang timog ng kanilang rehiyon.
Panahon ng Kastila
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 27 Abril 1565, ang Kastilang conquistador na si Miguel López de Legazpi ay nakarating sa Pilipinas kasama ang mahigit 500 na mga sundalo at nagtatag ng kolonya. Noong 24 Mayo 1570, natalo ng mga Kastila si Rajah Sulayman at iba pang mga pinuno sa Pampanga at Maynila at kalaunan ay kaniyang pinasinayahan ang Maynila bilang kabisera ng Silangang Indiyas ng Espanya. Matapos nilang malusob ang Maynila, nagpatuloy ang mga Kastila sa kanilang pananakop sa ibang mga lugar sa Luzon, kasama na ang Pangasinan.
Provincia de Pangasinán
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1571, nagsimula ang pananakop ng mga Kastila sa Pangasinan sa pamumuno ng conquistador na si Martín de Goiti na nagmula sa Maynila patungong Pampanga. Matapos ang isang taon ay nagtungo ang conquistador na si Juan de Salcedo sa Golpo ng Lingayen at nakarating sa estuwaryo ng Ilog Agno. Si Limahong, isang piratang Tsino, ay lumisan patungong Pangasinan matapos siyang mabigo sa labanan sa Maynila noong 1574. Datapwat ay nabigo rin siya sa pananakop niya sa Pangasinan sapagkat siya ay tinalo ng hukbo ni de Salcedo matapos siyang kubkubin ng mahigit 7 na buwan.
Ang lugar na tinatawag ngayon ng Lalawigan ng Pangasinan ay nagmula sa administratibo at hudikaturang distrito noong taong 1580. Ang kabisera ng lalawigang ito noon ay ang Lingayen, ngunit ang pinaka-lawak ng nasasakupan nito ay nilinaw lamang noong taong 1611. Nanatiling kabisera ng lalawigan ang Lingayen puwera noong panahon ng himagsikan kung saan inilipat ang kabisera sa San Carlos. Noong pananakop naman ng mga Hapones ay ginawa namang kabisera ang bayan ng Dagupan.[8]
Ang lalawigan ng Pangasinan ay tinagurian dati bilang alcaldía mayor de término o pangunahing uri na lalawigan noong panahon ng Kastila. Ang hurisdiksyon ng lalawigang ito ay umabot sa karamihan ng lupain ng Zambales ngayon, kasama na rin ang lupain ng mga makabagong mgalalawigan ng Tarlac at La Union.[8] Noong katapusan ng ika-18 na dantaon, mayroong halos 19,836 na mga katutubong mga pamilya at 719 naman na mga Kastilang pamilya.[9]:539[10]:31,54,113
Mga pag-aaklas laban sa mga Kastila
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pag-aaklas ni Malong
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Andres Malong, isang pinuno ng bayan ng Binalatongan (San Carlos) ay nag-aklas at nagawang palayain ang lalawigan sa kalupitan ng mga Kastila noong Disiyembre 1660. Iprinoklama nila si Andres Malong bilang Ari na Pangasinan ("Hari ng Pangasinan"). Sinubukang lusubin at palayain ng hukbo ng Pangasinan ang mga karatig-lalawigan ng Pampanga at Ilocos, ngunit sila ay nagawang mapigilan ng mga loyalistang mga mandirigma na mga katutubo. Noong Pebrero 1661, bumagsak ang malayang Kaharian ng Pangasinan sa Kapitanya Heneral ng Pilipinas.
Pag-aaklas ni Palaris
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 3 Nobyembre 1762, nagdeklara ng independensiya ang taumbayan sa Pangasinan matapos ang pag-aaklas ni Juan de la Cruz, na mas kilala sa katawagang Palaris. Nagsimula ang pag-aaklas nang kumalat ang balita na bumagsak ang Maynila sa mga Briton noong 6 Oktubre 1762. Ang Traité de Paris ng 1763 ang nagwakas sa Pitong Taong Digmaan sa pagitan ng Britanya, Pransiya at Espanya noong 1 Marso 1763. Noong 16 Enero 1765, nadakip si Juan de la Cruz at sumailalim nanaman ang Pangasinan sa pamumuno ng mga Kastila.
Himagsikang Pilipino
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Katipunan, isang palihim na lipunang makabayan, ay naitatag noong ika-7 ng Hulyo 1892, kung saan ito ay naglayong ipag-sanib-puwersa ang sambayanang Pilipino upang ipaglaban ang kalayaan sa mga dayuhan at sa Simbahan. Nagsimula ang Himagsikan noong 23 Agosto 1896 sa pamumuno ni Supremo Andrés Bonifacio. Noong 18 Nobyembre 1897, nabuo ang isang konsehal sa Pangasinan na pinamunuan ni Presidente Generalisimo Roman Manalang at Heneral Mauro Ortiz.
Pinamunuan ni Maramba ang pagpapalaya sa Santa Barbara noong 7 Marso 1898, matapos siyang senyasan ni Heneral Francisco Makabulos na sumugod. Nang marinig ng mga Kastila sa Dagupan ang pagpapalaya ng Santa Barbara ay mariin silang sumugod ngunit sila ay nagawang matalo ni Maramba. Nang sila ay matalo ay nanatili ang mga Kastila sa Lingayen upang depensahan ang kabisera ng lalawigan. Ito ay nakatulong kay Maramba upang sakupin ang mga bayan ng Malasiqui, Urdaneta at Mapandan. Napalaya niya rin ang bayan na Mangaldan bago siya nagtungo sa Dagupan. Sa pamumuno nina Prado at Quesada ay inatake nila ang mga bayan ng Alaminos, Agno, Anda, Alos, Bani, Balincaguin, Bolinao, Dasol, Eguia at Potot sa lalawigan ng Zamales. Kumalat rin ang himagsikan sa Sual, Labrador, Lingayen, Salasa at Bayambang. Matapos ang lahat ng mga pangyayaring ito ay nagtungo sina Prado at Quesada upang tumulong sa pagkubkob sa Dagupan.
Noong 17 Abril 1898, itinalaga ni Heneral Makabulos si Prado bilang Gobernador Politico-Militar ng Pangasinan, habang si Quesada ay ginawang kaniyang kahalili. Noong Mayo 1898, nagbalik si Emilio Aguinaldo mula sa kaniyang pagkadestiyero sa Hong Kong matapos ang Kasunduan sa Biak-na-Bato noong Disyembre 1897. Muling lumiyab ang himagsikan gawa ng kaniyang pagbabalik. Noong 3 Hunyo 1898, si Heneral Makabulos ay nakapasok sa bayan ng Tarlac.
Ipinroklama ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas noong 12 Hunyo 1898. Gawa ng sunod-sunod na mga pag-wawagi ng mga Katipunero laban sa mga Kastila ay napagpasiyahan ng mga Kastila noong 30 Hunyo 1898 na lumisan patungong Dagupan upang kaharapin ang mga Katipunero sa nahuhuling laban. Lahat ng mga tauhang sibilyan at militar, kasama ang mga mersenaryo mula sa mga bayang napapasailalim pa sa mga Kastila, ay nangagtungong pa-Dagupan. Ang mga bayan na sumunod sa inilatag na utos ay ang Mangaldan, San Jacinto, Pozorrubio, Manaoag, at Villasis. Dinala rin nila ang Pinakabanal na Rosaryo ng Birhen ng Manaoag, ang patronesa ng Pangasinan.
Ang Dagupan, ang kinikilalang sentro ng komersyo sa Pangasinan, ay pinalibutan ng mga Katipunero sa ilalim ng pamumuno nina Don Daniel Maramba ng Santa Barbara, Don Vicente Prado ng San Jacinto at Don Juan Quezada ng Dagupan noong 18 Hulyo 1898. Ang lahat ng kanilang mga kawal ang nagpalibot sa Dagupan kung saan ang mga Kastila ay nanatili sa ladrilyadong mga pader ng Simbahang Katoliko. Matapos ay sinabayan na rin sila ni Heneral Makabulos.
Ang Labanan ng Dagupan ay umabot mula 18 Hulyo hanggang ika-23 noong sumuko na rin ang mahigit 1,500 na mga Kastila sa pamumuno nina Federico Ceballos at Gobernador Joaquin de Orengochea. Sa labanang ito ay nakipaglaban ang mga Katipunero sa mga natitirang mga hukbo ni Heneral Ceballos. Hindi naging madali ang pakikipaglaban sa mga Kastila sapagkat nagkukulang sa mga armas ang mga Katipunero noon, ngunit dahil sa talino ni Prado kung saan ginamit niya ang mga nakataling mga saging bilang kalasag sa mga bala na ipinapaputok ng mga Kastila ay nakalusong sila papasok sa Simbahan at nawasak ang mga depensa ng mga Kastila.
Panahon ng Amerikano
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Pangasinan at iba pang mga bahagi ng Pilipinas ay ibinigay sa mga Amerikano matapos ang Kasunduan sa Paris na nagwakas sa Digmaang Kastila-Amerikano. Noong Digmaang Pilipino-Amerikano, ipinaglaban nina Teniyente Koronel José Torres Bugallón ng Salasa at ni Heneral Antonio Luna ang Unang Republika ng Pilipinas laban sa pananakop ng mga Amerikano sa Hilagang Luzon. Napatay si Bugallon sa labanan noong 5 Pebrero 1899. Nabuwag ang Unang Republika noong 1901.
Noong taong 1901, ang mga bayan ng Balungao, Rosales, San Quintin at Umingan na napapasailalim sa lalawigan ng Nueva Ecija ay nailipat sa lalawigan ng Pangasinan sa kadahilanang malayo ang mga bayang ito sa kabisera.[11]
Noong 30 Nobyembre 1903, ang mga bayan ng Agno, Alaminos, Anda, Bani, Bolinao, Burgos, Dasol, Infanta at Mabini na sumasailalim noon sa lalawigan ng Zambales ay inilipat sa Pangasinan sa kadahilanang may kaugnayan sa kasayayan.
Noong taong 1907, ang Asembliya ng Pilipinas ay naitatag at sa kauna-unahang pagkatataon ay naihalal ang limang residente ng Pangasinan bilang taga-pangatawan ng kanilang mga distrito.
Noong taong 1921, si Mauro Navarro na kumakatawan sa Pangasinan sa Asembliya, ay nagtaguyod ng batas kung saan pinapalitan nito ang pangalan ng bayan ng Salasa bilang Bugallon sa pagkilala sa kadakilaan ni Heneral Bugallon.
Si Manuel L. Quezon ay pinasinayahan bilang unang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas sa tulong ng Estados Unidos noong 15 Nobyembre 1935.
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nakahimpil noon sa Pangasinan ang ika-21 na Dibisyong Impanterya bago ang pagsapit ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Matapos ang pananakop ng mga Hapon ay nanatili ang mga operasyon sa Pangasinan laban sa mga Hapon mula Enero hanggang Mayo 1942 at ang insirhensiya laban sa mga Hapon mula mga taong 1942 hanggang 1945.
Panahon matapos ang digmaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Matapos ang Deklarasyon ng Kalayaan noong 4 Hulyo 1946, naihalal ang konggresista mula sa Partido Liberal na si Eugenio Perez na kumakatawawan sa ika-apat na distrito ng Pangasinan bilang Ponente ng Kamara. Pinamunuan niya ang Kapulungan hanggang taong 1953 noong naging dominante ang Partido Nacionalista.
Noong panahon ng Diktaduryang Marcos
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Pangasinan, na ibinilang bilang bahagi ng Rehiyong Gitnang Luzon dahil sa kasaysayan at likas na kalagayan nito, ay ginawang bahagi ng Rehiyong Ilocos ayon sa batas na dulot ng pag-mamaniobra ni Ferdinand Marcos, kahit na ang Pangasinan ay may sariling wika at kultura na bukod sa mga Ilocano. Dahil sa pang-mamaniobra ni Marcos ay nagkanda-lito-lito ang mga Pilipino. May mga Ilocano sa Pangasinan ngunit sila ay hindi nakararami sa lalawigan noon. Bukod pa, ang Pangasinan ay nagtataglay noon ng mas malaking ekonomiya kaysa sa Ilocos Norte, Ilocos Sur at La Union at ang dami ng mga tao dito ay nakahihigit pa sa 50% ng dami ng tao ng Rehiyong Ilocos.
Unti-unting bumagsak ang ekonomiya noong mga nahuhuling bahagi ng 1960 hanggang sa mga unang bahagi ng 1970 gawa ng krisis sa pagbabayad ng utang ng Pilipinas na nagsimula noong 1969 dahil sa maling pamamalakad ng Pamahalaang Marcos.[12] Ayon sa mga manunuri ng ekonomiya, ito ay gawa ng malawakang pag-utang ni Ferdinand Marcos para sa nalalapit noon na halalan noong 1969 kung saan ginamit niya ang pondo para sa mabilisang pagpapatayo ng mga gusali na mabulaklak sa paningin ng mamamayang Pilipino.[12][13][14][15] (p"43")[16][17] Maraming mga mag-aaral mula Pangasinan ang nakisangkot sa mga protesta na nagsimula noong taong 1970 at nagpatuloy noong taong 1971 at 1972 upang manawagan sa pag-reporma ng pamahalaan at ng ekonomiya. Noong Septyembre 1972, isang taon bago matapos ang huling termino ni Marcos na nakatakda sa taong 1973, si Marcos ay nag-deklara ng Batas Militar, isang deklarasyon na nagpanatili sa kaniya sa kapangyarihan ng mahigit labing-apat pang mga taon kung saan nagkaroon ng panahon ng walang katiyakan sa lalawigan ng Pangasinan.[18]
Ang mga pag-labag sa karapatang pantao, ang pag-pabor sa mga kamag-anakan at mga kaibigan, ang pagpapatayo ng mga gusali para sa pagpapaganda ng imahe, pati na rin ang magagarang pamumuhay ng mga Marcos[18] ay nagdulot ng pagka-muhi sa mamamayang Pilipino kahit na may kalakip na pag-aresto at pasakit.[19] Ang Panlalawigang Kampo ng Konstabularyo ng Pilipinas sa Pangasinan sa may Lingayen[20](p48) (pinangalanang Camp Antonio Sison noong taong 2017) ay naging puni ng mga bilanggong politikal na ang kapilya na may sukat ng 4x9 metro ay nahahati sa dalawa ng pader na gawa sa bakal, kung saan ang isa sa mga bahagi nito ay ginawa na ring presuhan.[20](p174) Ang isa sa mga naging biktima ng pag-labag sa karapatang pantao ng rehimen ay ang pinunong mag-aaral na si Eduardo Aquino ng Mapandan at ang beauty queen na naging aktibista na si Maita Gomez ng Bautista. Si Aquino ay natambangan ng mga sundalo habang may nagaganap na pulong ng mga aktibista sa Tarlac, habang si Gomez ay nakulong na ng ilang beses ngunit nakaligtas upang maging isa sa mga tagapagtatag ng GABRIELA, isang organisasyon na nagsusulong sa karapatan ng kababaihan. Pareho silang kinilala sa pamamagitan ng pag-uukit ng kanilang mga pangalan sa pader ng pag-alala sa Bantayog ng mga Bayani na nagbibigay parangal sa mga martir at mga bayani na kumalaban sa diktadura.
Rebolusyong EDSA at ang panahon matapos
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Pebrero 1986, pinatunayan ng COMELEC at ng NAMFREL na si Corazon Aquino ay nanalo sa lungsod ng Dagupan pati na rin ang mga lalawigan ng Benguet at Lalawigang Bulubundukin noong Pangkalahatang halalan sa Pilipinas ng 1986,[21] kahit na nagkaroon ng pandaraya sa bilang ng mga boto na nakatakdang magpanalo kay Ferdinand Marcos.[22][23] Makaraan ang ilang linggo, ang Ikalawang Hepe ng Sandatahan na si Heneral Fidel V. Ramos, isang Pangasinense, na namuno rin sa Philippine Integrated National Police, ay nagkaroon ng mahalagang gampanin sa Rebolusyong EDSA na nagpatalsik kay Ferdinand Marcos at nag-udyok sa kaniyang lumisan ng bayan.
Matapos ang pagpapatalsik kay Marcos, lahat ng mga yunit ng pamahalaang lokal ay inatasang lisanin ang kanilang mga posisyon ni Pangulong Corazon Aquino. May mga opisyales naman na pinabalik sa kanilang posisyon, gaya na lang ni Mayor Ludovico Espinosa ng Dasol, na sumanib sa UNIDO noong Rebolusyong EDSA. Si Fidel Ramos ay inatasang maging Hepe ng Sandatahan at kalaunan bilang Kalihim ng Tanggulang Pambansa nang kaniyang mapalitan si Juan Ponce Enrile. Si Oscar Orbos, isang konggresista mula Bani, ay itinalaga ni Aquino bilang kalihim ng Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon at kalaunan bilang Kalihim na Tagapagpaganap.
Noong 11 Mayo 1992, si Fidel V. Ramos ay tumakbo sa pagka-pangulo. Siya ang kauna-unahang Pangasinenseng Pangulo ng Pilipinas. Sa ilalim ng kaniyang pamamahala, naka-ahon ang Pilipinas sa krisis sa langis at kuryente noong 1991. Ang kaniyang impluwensiya ay nakatulong sa pagpapayabong sa ekonomiya ng Pangasinan noong nanguna ito sa Palarong Pambansa ng 1995.
Si Jose de Venecia, ang kumakatawan noon sa distrito kagaya ng kaniyang biyenan na si Eugenio Perez, ay ang naging pangalawang Pangasinense na naging Ponente ng Kamara noong 1992. Siya ay muling naihalal noong 1995. Si De Venecia ay napili ng namamahalang partido ng administrasyong Ramos na Lakas NUCD bilang pambato nito sa halalan sa 1998 ngunit siya ay natalo ng Pangalawang Pangulo na si Joseph Estrada. Si Oscar Orbos naman ay tumakbo sa pagka-pangalawang pangulo ngunit siya ay natalo kay Senador Gloria Macapagal Arroyo, na may lahing Pangasinense sa panig ng kaniyang ina na si Unang Ginang Evangelina Macaraeg-Macapagal na taga-Binalonan.
Si Arroyo ay naging pangulo ng Pilipinas matapos ang EDSA II kung saan napatalsik si Pangulong Joseph Estrada sa posisyon.
Kasalukuyan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Mayo 2004, ang aktor na naging pulitiko na si Fernando Poe, Jr. ng San Carlos ay tumakbo sa pagka-pangulo laban sa kasalukuyang pangulo na si Gloria Macapagal Arroyo. Ang boto sa Pangasinan ay nahati sa dalawa sapagkat pareho silang may lahing Pangasinense. Ngunit kalaunan ay naging matagumpay si Arroyo at naihalal bilang Pangulo, ngunit namantsahan ang kaniyang pagkapanalo ng mga akusasyon ng pamemeke at pagbili ng ng mga boto.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pampulitika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lalawigan ng Pangasinan ay nagbubuo ng 44 bayan, 4 na lungsod, at 1,364 na mga barangay. May anim na distritong pangkinatawan ang lalawigan ng Pangasinan.
Mga Lungsod
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga Bayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pisikal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Matatagpuan ang lalawigan ng Pangasinan sa kanlurang gitnang bahagi ng pulo ng Luzon sa Pilipinas. Naghahanggan ang Pangasinan sa mga lalawigan ng La Union at Benguet sa hilaga, sa Nueva Vizcaya at Nueva Ecija sa silanga, at sa Zambales at Tarlac sa timog. Matatagpuan sa kanluran ng lalawigan ang Dagat Timog Tsina.
May kabuuang sukat ang Pangasinan na 5,451.01 kilometro kuwadrado (2,104.65 sq mi).[3] Ang lalawigan ay nasa 170 kilometro (105.633 mi) hilaga ng Maynila, 50 kilometro (31.0685 mi.) timog ng Lungsod ng Baguio, 115 kilometro (71.4576 mi.) hilaga ng Pandaigdigang Paliparan at Daungan ng Subic, at 80 kilometro (49.7096 mi.) hilaga ng Paliparang Pandaigdig ng Clark.
Demograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]| Taon | Pop. | ±% p.a. |
|---|---|---|
| 1990 | 2,020,273 | — |
| 1995 | 2,178,412 | +1.42% |
| 2000 | 2,434,086 | +2.41% |
| 2007 | 2,645,395 | +1.15% |
| 2010 | 2,779,862 | +1.82% |
| 2015 | 2,956,726 | +1.18% |
| Source: National Statistics Office[4] | ||
Populasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga mamamayan ng Pangasinan (Totoon Pangasinan) ay tinatawag na Pangasinan o sa Kinastilang Pangasinense, o sa payak na taga-Pangasinan. Ikatlong pinakamataong lalawigan ang Pangasinan sa Pilipinas. Ayon sa senso noong 2000, 47 bahagdan ng populasyon ay mga Totoon Pangasinan at 44 na bahagdan ay mga Iloko.

Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Province: Pangasinan". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
- ↑ "2021 Full Year Official Poverty Statistics of the Philippines" (PDF). Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 15 Agosto 2022. Nakuha noong 28 Abril 2024.
- ↑ 3.0 3.1 "List of Provinces". PSGC Interactive. Makati City, Philippines: National Statistical Coordination Board. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Enero 2013. Nakuha noong 11 Pebrero 2013. Naka-arkibo 12 September 2016[Date mismatch] sa Wayback Machine.
- ↑ 4.0 4.1 "Population and Annual Growth Rates for The Philippines and Philippine Statistics Authority, 2015 Census of Population Report No. 1 – C REGION I – ILOCOS Population by Province, City, Municipality, and Barangay August 2016" (PDF). 2010 Census and Housing Population. National Statistics Office. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 24 Hulyo 2022. Nakuha noong 31 Hulyo 2022.
{{cite web}}: line feed character in|title=at position 119 (tulong) - ↑ "History". Official Website of the Province of Pangasinan. Philippine Government. Nakuha noong 16 July 2023.
- ↑ Scott, William Henry (1983). "Filipinos in China before 1500" (PDF). Asian Studies. 21: 1–19.
- ↑ Scott, William Henry (1994). Barangay. Manila Philippines: Ateneo de Manila University Press. p. 187.
- ↑ 8.0 8.1 "History of Pangasinan". Inarkibo mula sa orihinal noong September 5, 2014. Nakuha noong June 24, 2014.
- ↑ ESTADISMO DE LAS ISLAS FILIPINAS TOMO PRIMERO By Joaquín Martínez de Zúñiga (Original Spanish)
- ↑ Martínez de Zúñiga, Joaquín; Retana, W. E. (Wenceslao Emilio) (January 7, 1893). "Estadismo de las islas Filipinas : ó, Mis viajes por este país". Madrid : [Impr. de la viuda de M. Minuesa de los Rios] – sa pamamagitan ni/ng Internet Archive.
- ↑ Jose, Diocese of San. "Diocese of San Jose, Nueva Ecija – History". www.dioceseofsanjose.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong February 8, 2017. Nakuha noong February 7, 2017.
- ↑ 12.0 12.1 Balbosa, Joven Zamoras (1992). "IMF Stabilization Program and Economic Growth: The Case of the Philippines" (PDF). Journal of Philippine Development. XIX (35). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong September 21, 2021. Nakuha noong November 6, 2022.
- ↑ Balisacan, A. M.; Hill, Hal (2003). The Philippine Economy: Development, Policies, and Challenges (sa wikang Ingles). Oxford University Press. ISBN 9780195158984.
- ↑ Cororaton, Cesar B. "Exchange Rate Movements in the Philippines". DPIDS Discussion Paper Series 97-05: 3, 19.
- ↑ Kessler, Richard J. (1989). Rebellion and repression in the Philippines. New Haven: Yale University Press. ISBN 0300044062. OCLC 19266663.
- ↑ Celoza, Albert F. (1997). Ferdinand Marcos and the Philippines: The Political Economy of Authoritarianism (sa wikang Ingles). Greenwood Publishing Group. ISBN 9780275941376.
- ↑ Schirmer, Daniel B. (1987). The Philippines reader : a history of colonialism, neocolonialism, dictatorship, and resistance (ika-1st (na) labas). Boston: South End Press. ISBN 0896082768. OCLC 14214735.
- ↑ 18.0 18.1 Magno, Alexander R., pat. (1998). "Democracy at the Crossroads". Kasaysayan, The Story of the Filipino People Volume 9:A Nation Reborn. Hong Kong: Asia Publishing Company Limited.
- ↑ "Philippines martial law: The fight to remember a decade of arrests and torture". BBC News. September 28, 2022.
- ↑ 20.0 20.1 Panaglagip: The North Remembers – Martial Law Stories of Struggle and Survival Edited by Joanna K. Cariño and Luchie B. Maranan.
- ↑ Pawilen, Reidan M. (May 2021). "The Solid North myth: an Investigation on the status of dissent and human rights during the Marcos Regime in Regions 1 and 2, 1969-1986". University of the Philippines Los Baños University Knowledge Digital Repository. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-11-13. Nakuha noong 2022-05-22.
- ↑ Mydans, Seth (1986-02-10). "OBSERVERS OF VOTE CITE WIDE FRAUD BY MARCOS PARTY". The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Inarkibo mula sa orihinal noong 2024-01-06. Nakuha noong 2024-05-02.
- ↑ Reyes, Miguel Paolo P. (2020-11-27). "The Marcoses: A history of rejecting election defeats" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-05-02.
