Nueva Ecija

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Lalawigan ng Nueva Écija
Lalawigan
Transkripsyong 
Opisyal na sagisag ng Lalawigan ng Nueva Écija
Sagisag
Ph locator map nueva ecija.png
Mga koordinato: 15°35′N 121°00′E / 15.583°N 121.000°E / 15.583; 121.000Mga koordinato: 15°35′N 121°00′E / 15.583°N 121.000°E / 15.583; 121.000
Bansa Pilipinas
Rehiyon Gitnang Luzon (Rehiyong III)
Pagkatatag 1705
Kabisera Lungsod ng Palayan
Dibisyon Lungsod (mataas na urbanisado)—0,
Lungsod (bahagi)—5,
Bayan—27,
Barangay—849
Pamahalaan
 • Gobernador Aurelio Oyie Matias Umali
Lawak(ika-18 na pinakamalaki)
 • Kabuuan 5,751.3 km2 (2,220.6 sq mi)
  sa populasyon, sa densidad
Wika Tagalog, Kapampangan, Iloko

Ang Nueva Ecija (Filipino:Bagong Esiha/Nuweba Esija) ay isang walang pampang na lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Gitnang Luzon. Ang Lungsod ng Palayan ang kapital nito. Napapalibutan ang Nueva Ecija ng Bulacan, Pampanga, Tarlac, Pangasinan, Nueva Vizcaya, Zambales, Bataan at Aurora.

Ekonomiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Tinuturing na pangunahing nagpapatubo ng palay na lalawigan sa Pilipinas ang Nueva Ecija. At saka ang nangungunang taga-gawa ng mga sibuyas (sa munisipalidad ng Bongabon) sa Timog-silangang Asya. Sikat din rito ang mga Gatas ng Kalabaw, mga gulay at prutas na inaani ng Nueva Ecija.

Heograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Pampolitika[baguhin | baguhin ang batayan]

Nahahati ang Nueva Ecija sa 27 mga munisipalidad at 5 mga lungsod.

Mga Lungsod[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga Bayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Nabuo ang Nueva Ecija bilang isang comandancia militar noong 1777 sa pamamagitan ni Gobernador Heneral Clavería[kailangan ng sanggunian], kasama ang kapital sa Baler (bahagi na ngayon ng Aurora). Dating kabilang sa lalawigan ng Pampanga. Mula sa pagkatatag nito sa simula, lumaki ang lawak ng lupain upang sakupin ang buong pulo ng Luzon. May mga talaan ng mga Kastila na kinikilala ang 2 Kastilang lalawigan (county) sa Pasipiko —Las Islas Filipinas at Nueva Ecija. Kahirapan ang naging dahilan kung bakit hindi binigyan na pagkilala ng Hari ng Espanya noong dekada 1840 ang Nueva Ecija bilang isang hiwalay ng bansa sa Pilipinas. Mula 1777 hanggang 1917, nahati ang teritoryo ng Nueva Ecija upang magbigay daan sa palikha ng ibang lalawigan. Ang lalawigan ng Tayabas (Aurora at Quezon ngayon) kabilang ang mga pulo ng Polilio, ang lalawigan ng Palanan (Isabela ngayon), Cagayan, ang lalawigan ng Nueva Vizcaya, ang teritoryo na naging kabilang sa Lalawigan ng Quirino, at ang lalawigan ng Maynila hilaga ng lalawigan ng Tondo noong 1867, at ang Distrito ng Morong (Rizal ngayon) ay nalikha mula sa Nueva Ecija.

Ipinangalan ang lalawigan sa lumang lungsod ng Écija sa Seville, Espanya.

Noong 1896, isa ang Nueva Ecija sa mga unang lalawigang nag-alsa laban sa Espanya, at isa sa mga lalawigan na nagdeklara ng kalayaan noong 1898.

Unang Sigaw ng Nueva Ecija[baguhin | baguhin ang batayan]

Pangunahing lathalain: Unang Sigaw ng Nueva Ecija
General Manuel Tinio, dating gobernador of Nueva Ecija

Ang "Unang Sigaw ng Nueva Ecija" ay isang pag-aaklas nong 1896 sa pangunguna ni Heneral Mariano Llanera, na inagapayan nina Heneral Manuel Tinio at Pantaleon Valmonte ng Bayan ng Gapan, Nueva Ecija and kolonel Alipio Tecson ng Cabiao, Nueva Ecija na kamalaunan ay naging Brigadyer Heneral. Ang pag-aaklas ay ginanap sa Cabiao, Nueva Ecija. Si Alipio Tecson ay naging Governadorcillo naman ng Cabiao, Nueva Ecija.[1]

Bahay Sideco[baguhin | baguhin ang batayan]

Ipinokrama ni Heneral Emilio Aguinaldo ang San Isidro, Nueva Ecija bilang kapitolyo ng Kauna-unahang Republika ng Pilipinas noong ika-29 ng Marso 1899. Si Heneral Aguinaldo ay nanirahan sa bahay na ito na pag-aari ni Crispulo "Kapitan Pulong" Sideco na noon ay naging de facto Philippine capitol. Noong dumating ang mga Amerikano sa bayan ng San Isidro, ang Sideco House ang naging tang-gapan ni Col. Frederick Funston na siya ring nakadakip kay Heneral Aguinaldo sa Palanan, Isabela. Sa bahay rin na ito pinag-usapan ang pagdakip kay Heneral Aguinaldo.

Mga panlabas na kawing[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "HISTORY OF "UNANG SIGAW NG NUEVA ECIJA"". Ginto ang Inaani. http://www.mysmartschools.ph/web/gintoanginaani/history%20of%20unang%20sigaw%20ng%20nueva%20ecija.htm.