Navotas
Lungsod ng Navotas | ||
---|---|---|
![]() Tanawin ng Navotas. | ||
| ||
![]() Mapa ng Kalakhang Maynila na ipinapakita ang lokasyon ng Navotas. | ||
Mga koordinado: 14°40′00″N 120°56′30″E / 14.6667°N 120.9417°EMga koordinado: 14°40′00″N 120°56′30″E / 14.6667°N 120.9417°E | ||
Bansa | Pilipinas | |
Rehiyon | Kalakhang Maynila | |
Lalawigan | — | |
Distrito | Nag-iisang Distrito ng Navotas | |
Mga barangay | 14 | |
Pamahalaan | ||
• Punong Lungsod | Tobias Reynald M. Tiangco | |
• Pangalawang Punong Lungsod | Clint Nicloas B. Geronimo | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 10.77 km2 (4.16 milya kuwadrado) | |
Populasyon (2010) | ||
• Kabuuan | 249,131 | |
• Kapal | 23,000/km2 (60,000/milya kuwadrado) | |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) | |
Kodigo Postal | 1485 (CPO) | |
Kodigong pantawag | 2 | |
Kaurian ng kita | Pangalawang klase | |
PSGC | 137503000 | |
Websayt | www.navotas.gov.ph |
Ang Navotas[1] ay isang lungsod sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Sinasakop ng bayan ang isang makipot na mahabang lupa sa may silangang pampang ng Look ng Maynila. Nasa diretsong hilaga ng Maynila ang Navotas, kanluran ng Lungsod ng Malabon, at timog ng Obando, Bulacan.
Isang mahalagang komunidad ng palaisdaan ang Navotas. Nakasentro sa pagpapalaki ng isda ang karamihan sa mga kabuhayan ng mga residente dito. Nanghuhuli din ng mga isda ang ilan sa Look ng Maynila.
Kabilang ang Navotas sa impormal na sub-rehiyon ng Kalakhang Maynila na CAMANAVA. Maliban sa Navotas, kabilang dito ang mga lungsod ng Kalookan, Malabon, at Valenzuela. Inaakalang laging binabaha ang lugar na ito ngunit sa katotohanan dahil ito pagkati ng dagat, at ilan lamang mga barangay ang apektado hinggil sa mga proyekto na inumpisahan ng parehong lokal at pambansang pamahalaan. Polusyon at labis na populasyon ang ilan lamang sa mga suliranin na sinusubukang lutasin ng pamahalaan. Kilala ang Navotas sa kanyang mga patis at bagoong at tinuturing na "Kapital sa Pangingisda ng Pilipinas". Nasa Navotas ang pinakamalaki at pinakamakabagong pwerto sa pangingisda sa Pilipinas, at marahil sa buong mundo.
Tinatag ang Navotas noong Enero 16, 1906 bilang isang nagsasariling bayan at naging lungsod noong Hulyo 24, 2006 sa bisa ng isang plebisito Republic Act 9387, na inaprubahan noong Marso 10, 2007 sa bisa ng Artikulo 6, Sek. 27.1 ng Saligang Batas ng Pilipinas.
Mga nilalaman
[baguhin | baguhin ang batayan]
Alkalde ng lungsod: Tobias Tiangco
Bise-Mayor: Clint Geronimo
Mga Konsehal:
Unang Distrito:
- Domingo L. Elape
- Richard S. San Juan
- Alfredo R. Vicencio
- Edgardo D. Manio
- Reynaldo A. Monroy
- Bernardo C. Nazal
Ikalawang Distrito:
- Clint B. Geronimo
- Marielle Del Rosario
- Ricky Gino-Gino
- Analiza Lupisan
- Ronaldo D. Naval
- Elsa Bautista
Ex-officio Councilors:
- Lance Santiago (SK Federation President)
- George U. So (ABC President)
Kinatawan ng distrito: Tobias Reynald "Toby" M. Tiangco
Dating mga Punong-lungsod
Mga alkalde ng Lungsod ng Navotas | |
---|---|
Pangalan ng mga mayor | Taon ng pagsisilbi |
John Reynald M. Tiangco | 2010-Kasalukuyan |
Tobias Reynald M. Tiangco | 2007-2010 |
Mga alkalde ng Munisipalidad ng Navotas | |
Pangalan ng mga alkalde | Taon ng Pagsisilbi |
Tobias Reynald M. Tiangco | 2001-2007 |
Cipriano C. Bautista | 1999-2001 |
Felipe C. Del Rosario, Jr. | 1986-1998 |
Victor B. Javier | 1980-1986 |
Dr. Felipe Neri C. Del Rosario, Sr. | 1964-1980 |
Roberto R. Monroy | 1952-1963 |
Pacifico G. Javier, Sr. | 1948-1951 |
Tomas R. Gomez | 1946-1947 |
Felix R. Monroy | 1944-1946 |
Nemesio L. Angeles | 1944 |
Felix R. Monroy | 1937-1944 |
Benjamin A. Alonzo | 1934-1937 |
Alejandro D. Leongson | 1931-1934 |
Angel C. Santiago | 1928-1931 |
Alejandro D. Leongson | 1922-1928 |
Arsenio C. Roldan, Sr. | 1919-1922 |
Angelo Angeles | 1916-1919 |
Jose R. Pascual | 1909-1916 |
Rufino S. Hernandez | 1907-1909 |
Hermogenes C. Monroy | 1905-1907 |
Bernardo O. Dagala | 1903-1905 |
Canuto E. Celestino | 1901-1903 |
Mga Barangay[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang Navotas ay hinati sa 14 Barangay. Itong mga barangay ay pinagsama-sama sa 2 distrito:
District 1
|
District 2
|