Malabon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Malabon

Lungsod ng Malabon
MalabnCityHallChurchjf0848 03.JPG
Opisyal na sagisag ng Malabon
Sagisag
Mapa ng Kalakhang Maynila na nagpapakita ng lokasyon ng Malabon
Mapa ng Kalakhang Maynila na nagpapakita ng lokasyon ng Malabon
Malabon is located in Pilipinas
Malabon
Malabon
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 14°40′N 120°58′E / 14.66°N 120.96°E / 14.66; 120.96Mga koordinado: 14°40′N 120°58′E / 14.66°N 120.96°E / 14.66; 120.96
BansaPilipinas
RehiyonPambansang Punong Rehiyon (NCR)
Lalawigan
DistritoNag-iisang Distrito ng Malabon
Mga barangay21
Pagkatatag1821
Ganap na Lungsod21 Abril 2001
Pamahalaan
 • Punong LungsodAntolin A. Oreta III
 • Pangalawang Punong LungsodBernard Dela Cruz
Lawak
[1]
 • Kabuuan15.71 km2 (6.07 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2015)
 • Kabuuan365,525
 • Kapal23,000/km2 (60,000/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
81,724
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigong Pangsulat
1470–1480
PSGC
137502000
Kodigong pantawag02
Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng lungsod
Mga wikaTagalog
Taglish
WebsaytOfficial City Government Website

Ang Malabon o sa ganap na katawagan nitong Lungsod ng Malabon ay isang lungsod sa Kalakhang Maynila. Ayon sa 2015 senso, ito ay may populasyon na 365,525 sa may 81,724 na kabahayan. Isa ito sa mga lungsod na may pinakamakapal na populasyon sa rehiyon dahil sa kabuuang lawak nito na 15.96 na kilometro kwadrado.

Bilang nasa hilaga lamang ng Maynila, ang kalakihan ng bayang ito ay natutuon sa paninirahan at pangkapamuhayan. Nasa timog at silangang hangganan ng Malabon ang Caloocan, sa kanluran ang Navotas at sa hilaga ang Valenzuela. Nasa hilagang-kanlurang bingit naman nito ang bayan ng Obando sa lalawigan ng Bulacan.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ipinagpapalagay ng alamat na galing sa pinaikling salitang "maraming labóng" ang pangalang "Malabon" dahil sagana ang lugar sa ganitong uri ng usbong. Itinatag ang bayan ng mga paring Agustino noong ika-21 ng Mayo, taóng 1599 sa tawag na "Tambobong" bilang isa sa mga visita o kanayunan ng Tondo. Nanatili ito sa saklaw ng pamamahala ng Lalawigan ng Tondo mula taóng 1627 hanggang 1688.

Mahalaga ang naging papel ng Malabon sa ekonomiya sa pagtatapos ng ika-19 na siglo dahil sa pagkakatatag ng kumpanyang La Princesa Tabacalera sa taóng 1851 at ng isang kumpanyang pang-asukal nang taóng 1878. Pinangasiwaan ang La Princesa Tabacalera sa ilalim ng Compañia General de Tabacos de Filipinas na pag-aari ng Kaharian ng Espanya. Pinangunahan naman ng nasabing kumpanyang pang-asukal ang kalakalan ng pinong asukal sa bansa.

Unang nailimbag ang pahayagang La Independencia sa Asilo de Huérfanos ng Malabon kung saan dinala ang mga batang naulila sa salot ng taóng 1882.[2][3]

Ganap na ginawang munisipalidad ng bagong-tatag na Lalawigan ng Rizal ang Malabon noong ika-11 ng Hunyo, taóng 1901 sa bisa ng Philippine Commission Act No. 137.[4] Nang maipahayag ang Act No. 942 pinag-isa ang Malabon at Navotas sa ilalim ng isang bagong pamahalaan.[5] Noong ika-16 ng Enero, taóng 1906 pinagbukod ng Act No. 1441 ang mga bayan bilang dalawang magkahiwalay na munisipalidad ng Rizal. Naging unang alkalde ng Malabon si Agustin Salamente na isang Kastilang mestiso buhat sa Cavite. Si Vicente Villongco ang naging unang Pilipinong alkalde ng Malabon. Nangyari ang mga ito sa simula ng pamumuno ng mga Amerikano.

Nanatiling isang munisipalidad ng Rizal ang Malabon hanggang ika-7 ng Nobyembre, taóng 1975 sa bisa ng Atas ng Pangulo Blg. 824 nang maging bahagi ito ng Kalakhang Maynila. Naging ganap na lungsod ito noong ika-21 ng Abril, taóng 2001, 407 taon ang nakalipas mula sa pagkakatatag.

Heograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Isa ang Malabon sa pinakamataong lungsod sa Pilipinas, at ang mababang lupain nito ang nagdudulot ng madalas na pagbaha, lalo na kapag tag-ulan at kapag umapaw ang mga ilog at tubig sa saplad. Ang apat na lungsod sa CAMANAVA ay madalas maapektuhan ng mga magkakaugnay na ilog dito, isa na rito ang Ilog Tullahan.

Ang mga ilog dito ay dating nalalayagan at pangingisda ang dating pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan dito. Dating malawak, malalim, at may maayos na katangian ang tubig ng ilog na madalas na pinagkukuhan ng iba't ibang uri ng mga isda, na mahalagang bahagi pinagkukuhan ng pagkain ng mga tao dito. Ang mga puno, palay at mga gulay ay dating tumutubo sa paligid ng ilog. Subalit, ang mga lupaing agrikultural na ito ay napalitan ng bakuran ng mga industriya, at naging tahanan ng libu-libong mga maralita na gumawa ng mga barong-barong ng walang pahintulot.

Sa mga nagdaang mga taon, lumala ang mga pagbaha, na nagiging madalas at mataas. Pinakaapektado ay ang mga kabahayan sa mga pamayanan na nasa o malapit sa dalampasigan. Naging makipot at maliit ang mga ilog sa paglipas ng mga taon, at ang kakayahan nitong pigilan ang tubig ay nabawasan. [6]

Pagkakahating Administratibo[baguhin | baguhin ang batayan]

Mapang politikal ng Malabon

Bago ang kasalukuyang bayan ng Malabon, ang bayan ay binubuo ng mga sitio (barangay) at ang iba ay nakakahati sa dalawa o mahigit pang mga purok.

  • Baritan
  • Bayan-bayanan
  • Concepcion
  • Dampalit
  • Hulong Duhat
  • Flores
  • Ibaba
  • Maysilo
  • Panghulo
  • San Agustin
  • Tañong
  • Tonsuya
  • Niugan
  • Longos
  • Tinajeros
  • Catmon
  • Potrero

Ang kasalukuyang pagkakahating politikal ng Lungsod ng Malabon ay nahahati sa 21 mga Barangay

Unang Distrito
  • Baritan
  • Bayan-bayanan
  • Catmon
  • Concepcion
  • Dampalit
  • Flores
  • Hulong Duhat
  • Ibaba
  • Maysilo
  • Muzon
  • Niugan
  • Panghulo
  • San Agustin
  • Santolan
  • Tañong
Pangalawang Distrito
  • Acacia
  • Longos
  • Potrero
  • Tinajeros
  • Tonsuya
  • Tugatog

Demograpiko[baguhin | baguhin ang batayan]

Senso ng populasyon ng
Malabon
TaonPop.±% p.a.
1903 20,136—    
1918 21,695+0.50%
1939 33,285+2.06%
1948 46,455+3.77%
1960 76,438+4.24%
1970 141,514+6.35%
1975 174,878+4.34%
1980 191,001+1.78%
1990 280,027+3.90%
1995 347,484+4.13%
2000 338,855−0.54%
2007 363,681+0.98%
2010 353,337−1.04%
2015 365,525+0.65%
Sanggunian: PSA[7][8][9][10]


Relihiyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Kabilang ang lungsod ng Malabon sa Diyosesis ng Kalookan. Halos 80% ng mga mamamayan nito ay mga Katoliko. Sa kasalukuyan, may walang parokya ng Katoliko Romano sa Malabon: San Bartolome, Sto. Rosario, Imaculada Concepcion, Exaltation of the Cross, San Antonio de Padua, Sacred Heart of Jesus, Immaculate Heart of Mary at ang Sts. Peter and John.

Ang iba pang relihiyon sa Malabon ay kinabibilangan ng Iglesia Filipina Independiente (kabilang sa Diyosesis ng Rizal at Pampanga, Parokya ng La Purisima Concepion de Malabon), Batista, Iglesia ni Cristo, Members Church of God International, Jesus Is Lord Church, at Seventh-day Adventist.


Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Province: NCR, THIRD DISTRICT (Not a Province)". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
  2. manilastandardtoday.com, Malabon City: A sight of progress
  3. wikimapia.org, Malabon City Hall
  4. "An Act Extending the Provisions of the Provincial Government Act to the Province of Rizal". LawPH.com. Nakuha noong 2011-04-12.
  5. "An Act Reducing the Thirty-two Municipalities of the Province of Rizal to Fifteen". LawPH.com. Nakuha noong 2011-04-12.
  6. CDKN INSIDE STORY: Understanding the risk of flooding in the city: The case of Barangay Potrero, Metro Manila
  7. Census of Population (2015). "National Capital Region (NCR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
  8. Census of Population and Housing (2010). "National Capital Region (NCR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
  9. Censuses of Population (1903–2007). "National Capital Region (NCR)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.
  10. "Province of Metro Manila, 3rd (Not a Province)". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.