Pumunta sa nilalaman

Parañaque

Mga koordinado: 14°30′03″N 120°59′29″E / 14.5008°N 120.9915°E / 14.5008; 120.9915
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Parañaque

ᜉᜇᜈᜒᜌᜃᜒ

Lungsod ng Parañaque
Tanawin ng Parañaque mula sa himpapawid.
Tanawin ng Parañaque mula sa himpapawid.
Mapa ng Kalakhang Maynila na nagpapakita sa lokasyon ng Parañaque
Mapa ng Kalakhang Maynila na nagpapakita sa lokasyon ng Parañaque
Map
Parañaque is located in Pilipinas
Parañaque
Parañaque
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 14°30′03″N 120°59′29″E / 14.5008°N 120.9915°E / 14.5008; 120.9915
Bansa Pilipinas
RehiyonPambansang Punong Rehiyon (NCR)
Lalawigan
Distrito— 1381000000
Mga barangay16 (alamin)
Pagkatatag1572
Ganap na Bayan30 Nobyembre 1572
Ganap na Lungsod15 Pebrero 1998
Pamahalaan
 • Punong LungsodEric L. Olivarez
 • Pangalawang Punong LungsodJoan Villafuerte
 • Manghalalal346,078 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan46.57 km2 (17.98 milya kuwadrado)
Taas
Formatting error: invalid input when rounding m (39.0 ft tal)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan689,992
 • Kapal15,000/km2 (38,000/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
182,216
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng lungsod
 • Antas ng kahirapan2.50% (2021)[2]
 • Kita₱7,924,495,749.002,872,402,659.003,477,697,739.003,509,148,274.004,049,570,790.004,819,980,936.005,134,595,367.006,668,780,634.006,967,121,557.007,939,756,875.398,671,495,898.10 (2020)
 • Aset₱26,883,368,638.48 (2022)
 • Pananagutan₱4,796,329,037.003,354,500,718.004,203,460,198.003,308,207,865.002,044,839,261.004,408,976,174.004,460,044,524.004,422,347,186.004,977,883,582.002,268,621,907.752,030,470,820.91 (2020)
 • Paggasta₱6,182,055,478.002,460,082,283.002,539,492,030.002,703,036,848.003,001,369,464.003,352,163,791.003,919,199,249.004,401,587,963.005,293,105,863.006,955,503,574.577,497,477,697.97 (2020)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigong Pangsulat
1700–1720
PSGC
1381000000
Kodigong pantawag02
Uri ng klimaTropikal na monsoon na klima
Mga wikawikang Tagalog
Websaytparanaquecity.gov.ph

Ang Lungsod ng Parañaque, o mas kilala bilang Parañaque, ay isa sa mga bayan at lungsod na bumubuo ng Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Ito ay naliligiran sa hilaga ng Lungsod ng Pasay, ng Lungsod ng Taguig sa hilagang-silangan, Lungsod ng Muntinlupa sa timog-silangan, Lungsod ng Las Piñas sa timog-kanluran, at ng Look ng Maynila sa kanluran.

Parañaque noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ang Parañaque ay itinatag noong 1572, sa kadahilanang ang lugar ay malapit sa dagat, ang mga Paraqueños (Parañaquense) ay nakipagkalakalan sa mga Intsik, Indones, Indians at Malayans. Noong panahong iyon ang pangunahing hanapbuhay ay ang paggawa ng asin, pangingisda, pagtatanim ng bigas, paggawa ng sapatos, paggawa ng tsinelas at paghahabi. Ang komunidad ay pinamumunuan ng cabeza de barangay, isang kanluraning bersyon ng mga lokal na tagapamuno at ang mga principalia bilang mga lokal na aristokrata, isang napaka-matibay na institusyon sa lipunan dahil sila ay ang mga kalimitang gumaganap sa mga pampolitikang posisyon. Sila ay makatwiran at tagapamagitan ng pangangailangan ng mga mga mananakop na Espanyol. Ang edukasyon ay limitado para sa principalia lamang dahil sila lang ang may kakayahang magbayad para rito. Ang naitalang simula ng Palanyag ay nagsimula noong 1580 nang si Fr. Diego de Espinar, isang misyonerong Augustinian, ay hinirang na tagapamahala ng kumbento o relihiyosong bahay ng bayan. Bilang residenteng pari, siya ay nagtatag ng bahay ng misyon doon, na may hurisdiksiyon na umaabot hanggang sa Kawit sa lalawigan ng Cavite. Ang Konseho ng Definitors (o konseho ng mga pinuno ng relihiyon order) noong ika-11 Mayo 1580, ay tinanggap ng Palanyag bilang isang malayang bayan. Ang larawan ng patrona ng Palanyag na si Nuestra Señora del Buensuceso, ay dinala sa St. Andrew's Church sa La Huerta noong 1625.

Nasasaad sa ilang tala na dahil ang Palanyag ay matatagpuan sa sangang-daan ng Maynila, at ng mga lalawigan ng Cavite at Batangas, naging daan ito para maging importanteng bahagi nang kasaysayan ng Pilipinas ang mga taong-bayan nito. Sa panahon ng pananakop ng mga Intsik na mandarambong na si Limahong noong 1574, ang mga mamamayan ng Parañaque, lalo na yaong mula sa Barangay Dongalo, ay matapang na pumigil sa pag-atake sa Maynila. Ito ay ang kinilala bilang ang "insedente sa Red Sea" dahil sa mga dugo na dumaloy bilang resulta ng pagtatanggol na ginawa ng tao mula sa baryo Sta. Monica, dating pangalan ng barangay. Nang sakupin ng mga Briton ang Maynila noong 1762, ang mga taong-bayan ay muling naging tapat sa mga mananakop na Espanyol, lalo na sa mga Augustinian. Ang pagsalakay gayunpaman ay nagpakita na ang kapangyarihan ng mga Espanyol ay hindi masusupil at matapos ang higit sa isang daang taon, ito ay mapatunayan na totoo. Pagkatapos ay dumating ang Himagsikang Pilipino (mga huling bahagi ng ika-19 na siglo) at ang napagtanto ng mga Espanyol na ang bayan ay isang praktikal na lagusan patungong Cavite, ang balwarte ng mga rebolusyonaryo Katipunero. Gayundin naman para sa mga rebolusyonaryong nakabase sa Cavite, nakita nila ang bayan bilang kanilang lagusan patungong Intramuros, ang sentro ng pamahalaang Espanyol sa Maynila. Ang mga kilalang Paraqueños, tulad ni Manuel Quiogue at ng sekular na pari na si Padre Pedro Dandan ay naging prominenteng rebolusyonaryo. Nang nasakop na ito ng mga Amerikano, isa ang Parañaque sa mga bayan na unang nagkaroon ng pamahalaan.


Pagiging lungsod

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Lungsod ng Parañaque ay ang ika-11 na lungsod sa kalakhang Maynila (sumunod sa Lungsod ng Las Pinas noong 1997), at hinirang bilang urbanisadong lungsod ni dating Pangulong Fidel V. Ramos noong 15 Pebrero 1998.

Ang Lungsod ng Parañaque ngayon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa pag-aari ng estratihikong lokasyon ang Parañaque, ito ang isa sa mahalagang sentro ng pangangalakal at paghahanapbuhay sa Kalakhang Maynila. Ang Baclaran, kung saan matatagpuan ang malalaking mga bahagi ng mga kagamitang tuyo, ay isa sa pinakamapilang pamilihan sa bansa. Ang mga nayon ng mga maliliit na mangingisda na tinatawag na "fisherman's wharves" ay matatagpuan din sa malapit sa barangay La Huerta, kung saan matatagpuan ang merkado na mayroong bilang ng mga restawrante na naghahain ng mga pagkaing pangkaragatang sariwa na DAMPA. Mayroon ding itong sariling pambansang paliparang pandaigdigan at ang Duty Free Philippines para sa mga kagamitang naangkat na.[3] at ang Ang Bagong Nayong Pilipino Entertainment City kung saan ang tatlong pinagsamang mga resort ay nakalisensya ng PAGCOR - Philippine Amusement & Gaming Corporation, ay matatagpuan. Noong 9 Oktubre 2018, ang Parañaque Integrated Terminal Exchange ay binuksan sa lungsod na ito at siya rin ang kauna-unahang daungang-lupa sa Pilipinas.

Noong Mayo 2001, pormal na napasinayaan ang SM City Sucat (dating SM Supercenter Sucat); at noong Nobyembre 2002, ang ikalawang SM City mall sa lungsod ng Parañaque ay naitayo, ang SM City Bicutan, na naging isa sa pinakakilalang mall sa lungsod ng Parañaque sumunod sa Uniwide Coastal Mall, Uniwide Sucat sa Dr. A. Santos Ave. Noong Hulyo 2007, naitayo ang unang strip mall na matatagpuan sa San Antonio ang "Santana Grove". Matatagpuan dito ang Shopwise, Jollibee, Chowking, Starbucks, Icebergs, Behrouz, Guernicas, Pan De Manila, Wi-Tribe, Bacolod Chk-n-Bbq, Serye Restaurant, Mongkok, Tapa King, RCBC, MLM Dental Nook, Greenhills Christian Fellowship, Human Heart Natures, South Support Printing at ang Teleperformance. Noong Abril 2008, pormal na binuksan at pinasinayaan ang Pergola Lifestyle Mall sa BF Homes at noong Agosto ng kaparehong taon, binuksan ang dakilang Mall of Asia sa Diosdado Macapagal Blvd. Noong Nobyembre 2014, binuksan at pinasinayaan ang SM City BF Parañaque sa BF Homes.


Alkalde Panunungkulan

Ramon Pascual 1954–1963
Eleuterio de Leon 1963–1972
Florencio Bernabe, Sr. 1972–1986
Rodolfo G. Buenavista 1986–1988
Walfredo Ferrer 1988–1992
Pablo R. Olivarez 1992–1995
Joey P. Marquez 1995–2004
Florencio M. Bernabe, Jr. 2004–2013
Edwin DL. Olivarez      2013–2022
Eric L. Olivarez      2022–kasalukuyan

Distrito at mga Barangay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Parañaque ay binubuo ng dalawang distritong pambatas na nahahati pa sa 16 na Barangay. Ang Unang distrito ay mayroong walong barangay sa kanlurang bahagi ng lungsod, samantalang ang ikalawang distrito ay binubuo rin ng walong barangay sa silangang bahagi ng lungsod.

Habang ang mga barangay ang mga paghahating administratibo ng lungsod, at ang legal na bahagi ng panirahan at kinatatayuan ng mga Establisyemento at bahay, maraming mamamayan ang gumagamit ng kanilang mga subdibisyon (village) sa halip na kanilang mga barangay.

Mapang politikal ng Parañaque

Ang Parañaque ay hinati sa 16 barangay, kung saan ang bawat 8 barangay nito ay bumubuo sa isang distrito.

Barangay Distrito Populasyon

[4]
(2020)

Laki
(km2)
Densidad
(/km2)
Kodigong
postal
Baclaran una 33,850 0.6372 33477.72 1702
BF Homes ikalawa 92,752 7.695 10846.26 1720/1718
Don Bosco ikalawa 54,188 3.8475 12377.13 1711
Don Galo una 10,550 0.2322 46627.91 1700
La Huerta una 8,592 0.5372 16358.90
Marcelo Green ikalawa 37,574 3.0619 9396.78
Merville ikalawa 26,615 3.044 6698.75 1709
Moonwalk ikalawa 72,520 3.7728 15801.00 1709
San Antonio ikalawa 70,134 2.8719 20838.82 1707/1715
San Dionisio una 72,522 6.6256 9199.32
San Isidro una 79,372 3.6522 18902.31
San Martin de Porres ikalawa 20,283 1.5565 13451.98
Santo Niño una 28,925 2.4597 11479.04 1704
Sun Valley ikalawa 50,087 1.7775 21145.43
Tambo una 26,928 3.0969 8462.98 1701
Vitalez una 5,100 0.572 7898.60

Kasalukuyang mga Opisyal (2022-2025)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Posisyon Pangalan
Punong-Lungsod Eric Olivarez
Pangalawang Punong-Lungsod Joan Villafuerte
Unang Distrito
Kinatawan Edwin Olivarez
Mga Konsehal Rufino M. Allanigue
Jaime N. de los Santos
Joan V. Densing
Raquel Gabriel
Alma Moreno
Eric Baes
Florante C. Romey, Jr.
Jason P. Webb
Ikalawang Distrito
Kinatawan Joy Myra S. Tambunting
Mga Konsehal Florencia N. Amurao
Carlito D. Antipuesto
Edwin R. Benzon
Norberto A. Bonsol
Conchita S. Bustamante
Giovanni E. Esplana
Jose Enrico T. Golez
Valmar C. Sotto
ABC President Teodoro Virata, Jr.
SK Federation President Marinelle Formentera

Ang Lungsod ng Parañaque ay mayroong magkakaibang sistema ng edukasyon na mayroong espesyalisasyon sa iba't-ibang larangang akademiko at teknikal at mayroong maraming paaralan at kolehiyo.

Paaralan ng Pamahalaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino
  • Berma Mall (Baclaran)
  • Casino Filipino (beside NAIA)
  • Asia World City (the HIStory World Tour concert of Michael Jackson was held in this venue)
  • Dampa (Ninoy Aquino Ave.)
  • SM City Bicutan
  • SM City Sucat
  • Jaka Plaza (Sucat)
  • Elorde Boxing Sports Center (Sucat)
  • Uniwide Coastal Mall (Roxas Blvd.)
  • Uniwide Sucat / Super 8 (Dr.A. Santos Avenue)
  • First restaurant of Max's of Manila
  • Wild Card Boxing Gym (BF Homes), the practice home of boxing champ Manny Pacquiao and other boxing icons.
  • Santana Grove (Sucat)
  • The Pergola Lifestyle Mall (Aguirre Ave., BF Homes)
  • Shopwise Sucat (Dr. A. Santos Ave.)
  • Simbahan ng Baclaran, officially the National Shrine of Our Mother of Perpetual Help, one of the biggest and most active churches in the country where devotees flock to hear mass every Wednesday
  • Olivarez Coliseum (Dr. A. Santos Avenue)
  • Olivarez College (Dr. A. Santos Avenue)
  • Don Galo Motor Works (Quirino Ave. Don Galo)
  • Duty Free Philippines

Transportasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Abenida Dr. Arcadio Santos

Ang Parañaque ay pinagsisilbihan ng LRT (sa pamamagitan ng estasyon ng Baclaran, na matatagpuan sa Lungsod ng Pasay) at ng PNR (sa pamamagitan ng estasyon ng Bicutan). Sa lungsod matatagpuan din ang Terminal 1 ng Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino, na nasa Abenida Ninoy Aquino.

Ang lungsod ay pinagsisilbihan ng ilang mga mahahalagang lansangan, tulad ng South Luzon Expressway at Metro Manila Skyway sa silangan, at Manila–Cavite Expressway at Abenida Elpidio Quirino sa kanluran. Ang Abenida Dr. Arcadio Santos ang nagsisilbing pangunahing daang arteryal ng lungsod.

Mga kapatid na Lungsod

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Padron:Mga bayan at lungsod sa Pilipinas Padron:Largest cities of the Philippines

  1. "Province:". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Duty Free adds more Pinoy products in stores". The Philippine Star (sa wikang Ingles).
  4. https://psa.gov.ph/sites/default/files/attachments/ird/pressrelease/NCR.xlsx Padron:Bare URL spreadsheet