Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino

Ninoy Aquino International Airport logo.svg

Ninoy Aquino International Airport aerial view.jpg
Tanawin ng Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino mula sa himpapawid.

IATA: MNL – ICAO: RPLL
Buod
Uri ng paliparan Publiko
Tagapamahala Pangasiwaan ng Paliparang Pandaigdig ng Maynila
Naglilingkod sa Maynila
Lokasyon Lungsod ng Parañaque at Lungsod ng Pasay, Kalakhang Maynila
Taas AMSL 23 m / 75 ft
Mga coordinate 14°30′31″N 121°01′10″E / 14.50861°N 121.01944°E / 14.50861; 121.01944
Websayt www.miaa.gov.ph
Mga patakbuhan
Direksiyon Kahabaan Ibabaw
m ft
06/24 3,737 12,261 Kongkreto
13/31 2,258 7,408 Kongkreto
Estadistika (2007)
Mga pasahero 20,467,627
Kilos ng mga eroplano 188,797
Toneladang metriko ng kargamento 388,551
Statistics from the Air Transportation Office.[1]

Ang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino (IATA: MNL, ICAO: RPLL) ay ang pangunahing paliparan ng Pilipinas na nasa Kalakhang Maynila. Ito ay matatagpuan sa pagitan ng Lungsod ng Parañaque at Lungsod ng Pasay, at may pitóng kilometrong layo sa Lungsod ng Maynila. Ang mga kahalintulad nitong mga paliparan ay ang Paliparang Pandaigdig na Diosdado Macapagal sa Lungsod ng Angeles, Paliparang Pandaigdig ng Mactan–Cebu sa Lungsod ng Lapu-Lapu at ang Paliparang Pandaigdig ng Francisco Bangoy sa Lungsod ng Davao. Ang Paliparang Pandaigdig na Ninoy Aquino ay mayroong tatalong gusaling terminal na nagsisilbi sa mga sasakyang panghimpapawid. Ito ay ipinangalan kay Ninoy Aquino na pinatay rito nang siya'y bumababâ ng eroplano gáling sa Estados Unidos noong panahon ng Batas Militar.

Sa taong 2007, ang paliparan ay humawak ng mahigit 20,467,627 na mga pasahero.

Mga Terminal, Destinasyon at mga Tagapaglipad[baguhin | baguhin ang batayan]

Terminal 1[baguhin | baguhin ang batayan]

Check-in hall ng Terminal 1 noong 2005, bago ang pagpapaganda nito.
Check-in hall ng Terminal 1 noong 2015, pagkaraan ng pagpapaganda nito.

Ang pag-usbong ng Pandaigdigan Paliparan ng Maynila ay sa hulí ay inaprobahan ng Executive Order No.381 na pinayagan ang pag-usbong ng paliparan. Naghiram ng US$29.6 Milyon mula sa Asian Development Bank para sa pag-tayo ng terminal. Sinimulan ang trabaho sa paliparan noong 1978. Ang terminal ay natapos noong 1981 at may lawak na 67,000 square meters at may kapasidad ayo sa desenyo na humawak ng 4.5 milyon na mga pasahero. Sa kasalakuyang ang terminal ay nagbibigay serbisyo sa mga tagapaglipad maliban lámang sa Philippine Airlines at Cebu Pacific. Noong 1989 isang plano ang nirekumenda sa pagtayô ng dalawa pang bagong terminal pati na rin ang pagbubuti sa mga pasilidad. Simula 1991 ang terminal ay naging lumipas na sa kapasidad nito na tumaya ng 4.53 Milyon noong taon na yun at bawat taon ang terminal ay may growth rate na 11%.

Ang terminal na ito ay kasalakuyang nagbibigay serbisyo sa mga tagapaglipad maliban na sa Philippine Airlines at Cebu Pacific.

Terminal 2[baguhin | baguhin ang batayan]

Terminal 2 ng NAIA.

Ang terminal na ito ay naghawawak ng lahat ng lipad ng Philippine Airlines

North Wing[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Philippine Airlines: Abu Dhabi, Bali (Denpasar), Bangkok-Suvarnabhumi, Beijing-Capital, Brisbane, Busan, Darwin, Delhi, Dubai, Fukuoka, Guam, Ho Chi Minh City, Hong Kong, Honolulu, Jakarta, London, Los Angeles, Macau, Melbourne, Nagoya-Centrair, Osaka-Kansai, San Francisco, Seoul-Incheon, Shanghai-Pudong, Singapore, Sydney, Taipei-Taoyuan, Tokyo-Narita, Toronto, Vancouver, Xiamen

South Wing[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Philippine Airlines: Bacolod, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Cotabato, Davao, Dipolog, Dumaguete, General Santos, Iloilo, Kalibo, Laoag, Legazpi, Puerto Princesa, Roxas City, Tacloban, Tagbilaran, Zamboanga

Terminal 3[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Terminal 3 (NAIA-3) ng Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino
  • ANA All Nippon Airlines: Tokyo-Narita
  • Cebu Pacific: Bacolod, Bangkok-Suvarnabhumi, Busuanga, Butuan, Cagayan de Oro, Calbayog, Catarman, Cauayan, Cebu, Cotabato, Davao, Dipolog, Dumaguete, General Santos, Guangzhou, Hanoi, Ho Chi Minh City, Hong Kong, Iloilo, Jakarta, Kalibo, Kota Kinabalu, Kuala Lumpur, Laoag, Legazpi, Macau, Naga, Osaka-Kansai, Ozamiz, Pagadian, Puerto Princesa, Roxas City, San Jose (Mindoro), Seoul-Incheon, Shanghai-Pudong, Siem Reap, Singapore, Surigao, Tacloban, Tagbilaran, Taipei-Taoyuan, Tuguegarao, Virac, Zamboanga
  • Air Phil Express: Busuanga, Calbayog, Catarman, Caticlan, Ormoc, Naga, San Jose (Mindoro), Surigao, Tuguegarao, Virac

Pampasaherong Domestik Terminal ng Maynila[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Interisland Airlines: Vigan
  • South East Asian Airlines: Baler [panapanahon], Basco, Borongan, Caticlan, Daet, El Nido [panapanahon], Marinduque, Tablas
  • Zest Airways: Bacolod, Busuanga, Calbayog, Catarman, Cebu, Clark [tatapos Enero 3], Davao, Iloilo, Kalibo, Legazpi, Marinduque, Naga, Puerto Princesa, San Jose (Mindoro), Siargao [magsisimula sa Enero 16], Surigao [magsisimula sa Enero 17], Tablas , Tacloban, Tagbilaran, Virac

Mga kargadong mga tagapaglipad[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang mga sumusunod na mga kargadong tagapaglipad ay nagseserbisyo para sa NAIA

  • Air Hong Kong
  • China Airlines Cargo
  • DHL Express
  • FedEx Express
  • JAL Cargo
  • Korean Air Cargo
  • Lufthansa Cargo
  • NWA Cargo
  • Transmile

Transportasyong panlupa[baguhin | baguhin ang batayan]

Transportasyon sa pagitan ng mga terminal[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Pangasiwaan ng Paliparang Pandaigdig ng Maynila ay nagpapatakbo ng isang sistemang shuttle bus na kumokonekta sa lahat ng apat na mga terminal para sa mga pasahero na may mga pasulong na koneksyon sa mga lipad na paalis mula sa ibang terminal.[2] Tumatakbo ang mga shuttle bus sa bawat labinlimang minuto tuwing mga oras ng araw, subalit kinakailangan munang makapasa sa immigration at adwana ang mga pasahero upang makagamit ng nasabing sistema.

Ang Philippine Airlines ay nagpapatakbo ng isang serbisyong airside shuttle sa pagitan ng mga Terminal 2 at 3 para sa mga pasahero na kumokonekta sa mga pasulong na lipad ng PAL Express at vice versa.

Panlabas na mga koneksyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Bus[baguhin | baguhin ang batayan]

Nagsisilbi sa paliparan ang siyam na mga ruta ng bus mula sa ibang bahagi ng Kalakhang Maynila, walo ay dumadaan sa Abenida Epifanio de los Santos (EDSA), at isa ay sa Daang Palibot Blg. 5 (C-5).

Dyipni[baguhin | baguhin ang batayan]

Lahat ng apat na mga terminal ay pinagsisilbihan ng mga lokal na mga ruta ng dyipni na nagsisilbi sa mga lungsod ng Parañaque at Pasay.

Daangbakal[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Estasyong daangbakal ng Nichols kasama ang mga nakaangat na mga daan sa ibabaw na papunta sa paliparan.

Konektado ang paliparan sa pamamagitan ng daangbakal, bagaman hindi tuwiran. Kapuwa naglilingkod ang Estasyong Baclaran ng Unang Linya ng LRT at Estasyong Nichols ng Philippine National Railways sa komplex ng paliparan. Isang shuttle bus na pinapatakbo ng MIAA ay kumokonekta rin ng Terminal 3 sa Estasyong Taft Avenue ng MRT.

Sa hinaharap, isang bagong estasyon, ang Estasyong Manila International Airport ng karugtong ng Unang Linya ng LRT, ay magkokonekta ng paliparan sa LRT-1, bagaman hindi tuwiran. Ipinapanukala rin ang isang linyang sangay na karugtong ng Unang Linya ng LRT na tuwirang magkokonekta ng Terminal 3 sa Baclaran.

Daan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang NAIA Expressway o NAIA Skyway ay kauna-unahang pampaliparang mabilisang daanan (airport expressway) sa Pilipinas, at ito rin ang ikalawang nakaangat na mabilisang daanan sa bansa. Nagsisimula ito sa Palitan ng Sales ng Metro Manila Skyway sa hangganan ng mga Lungsod ng Pasay at Taguig at nagtatapos ito sa Bulebar Jose Diokno sa Entertainment City sa Parañaque. Ang mga rampang papasok ng mabilisang daanan ay kumokonekta sa mga Terminal 1, 2 at 3 ng paliparan at kumokonekta sa Bulebar Macapagal para sa mga motorista at mananakay na papunta/galing sa Maynila at Manila–Cavite Expressway (CAVITEx) para sa mga motorista at mananakay na papunta/galing sa lalawigan ng Kabite.

Maliban sa NAIA Expressway, ilan pa sa mga pangunahing lansangan na nagsisilbi sa paliparan ay Abenida Andrews, Domestic Road, Daang NAIA, at Abenida Ninoy Aquino.[3] Dumadaan ang NAIA Expressway sa ibabaw ng Abenida Andrews.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]