Bulebar Roxas

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

AH26 (N120) sign.svgN61 (Philippines).svg
Roxas Boulevard

Bulebar Roxas
Daang Radyal Blg. 1
Tanawing panghimpapawid ng Bulebar Roxas sa Maynila, kasama ang Look ng Maynila.
Impormasyon sa ruta
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH)[1][2]
Haba: 7.6 km (4.7 mi)
mula sa Google Earth
Pangunahing daanan
Dulo sa Hilaga: Abenida Claro M. Recto (Paseo de Azcárraga) sa San Nicolas[3][4]
  Abenida T.M. Kalaw (Kalye San Luis) sa Ermita
Abenida ng United Nations (Kalye Isaac Peral) sa Ermita
Kalye Padre Faura (Camino del Observatorio) sa Ermita
Kalye Pedro Gil (Paseo de La Herrán) sa Malate
Kalye Remedios sa Malate
Abenida Quirino (Abenida Harrison) sa Malate
Kalye Pablo Ocampo (Kalye Vito Cruz) sa Malate
Abenida Gil Puyat (Abenida Buendia) sa Lungsod ng Pasay
Abenida Arnaiz (Kalye Libertad) sa Lungsod ng Pasay
Abenida Epifanio de los Santos sa Lungsod ng Pasay
Dulo sa Timog Daang NAIA (Daan ng Paliparang Pandaigdig ng Maynila) at Manila–Cavite Expressway sa Lungsod ng Parañaque
Lokasyon
(Mga) Pangunahing lungsod: Maynila, Lungsod ng Pasay, Lungsod ng Parañaque
Sistema ng mga daan

Mga lansangan | Mga mabilisang daanan

Bulebar Roxas paggabi.

Ang Bulebar Roxas[5], o higit na kilala bilang Roxas Boulevard (dating tinagurian bilang Bulebar Dewey o Dewey Boulevard), ay isang kilalang pasyalan (promenade) sa Maynila, ang kabisera ng Pilipinas. Dumadaan ito sa mga dalampasigan ng Look ng Maynila. Kilala ito sa mga paglubog ng araw (sunsets) nito at hanay ng mga punong niyog. Naging tatak ng turismong Pilipino ang bulebar na kilala rin sa mga lugar tulad ng Manila Yatch Club, mga otel, restoran, gusaling pangkomersyo, at liwasan.

Ang bulebar ay isa ring mahalagang daang arteryal sa Kalakhang Maynila na may walong linya at itinakdang bahagi ng Radial Road 1 na nag-uugnay ng pusod ng Maynila sa mga lungsod ng Pasay at Parañaque. Dumadaan ang paarkong daan sa direksyong hilaga-patimog mula Luneta sa Maynila hanggang Parañaque sa sangandaan nito sa Daang NAIA at NAIA Expressway.[6] Paglampas ng katimugang dulo nito, tutuloy ang Bulebar Roxas patungong Las Piñas at Kabite bilang Manila–Cavite Expressway, na kilala rin bilang Coastal Road o CAVITEX. Tinaguriang isa sa mga pinakamahalagang lansangan sa Kalakhang Maynila ang Bulebar Roxas.

Dati itong tinawag na Cavite Boulevard,[7] at lumaon ay pinangalanang Dewey Boulevard bilang pagkilala sa Amerikanong Admiral na si George Dewey, na sa ilalim ng kanyang utos ay natalo ang Hubkong Dagat ng mga Kastila sa Labanan sa Look ng Maynila noong 1898. Ang bulebar ay muling pinangalang "Heiwa Boulevard" noong huling bahagi ng 1941 sa ilalim ng panahon ng pananakop ng mga Hapon, at Roxas Boulevard noong dekada-60 bilang pagkilala kay Pangulong Manuel Roxas, ang ikalimang pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Bulebar Roxas noong itinatayo pa ito noong 1912.

City Beautiful movement (Kilusang Pagpapaganda ng Lungsod)[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Cavite Boulevard ay bahagi ng plano ni Arkitekto Daniel Burnham na pagandahin ang lungsod ng Maynila.[8] Sa kahilingan ni Commissioner William Cameron Forbes, dinalaw ni Burnham ang bansa noong 1905 sa kasagsagan ng City Beautiful movement, isang pagkahilig noong unang bahagi ng 1900 sa Amerika na pagandahin ang mga lungsod, upang pagandahin ang at isaayos ang pagpaplanong urban ng Maynila at Lungsod ng Baguio.[9]

Mga imahe[baguhin | baguhin ang batayan]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga ugnay panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]