Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas
Ang Pananakop ng mga Hapones ang panahon sa Kasaysayan ng Pilipinas mula 1942 hanggang 1945, noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung kailan nilusob ng Imperyo ng Hapon ang Pilipinas na dating pinangangasiwaan ng Estados Unidos.
Habang nagaganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pinasabog ng hukbo ng sundalong Hapones ang Pilipinas noong Disyembre 7, 1941. Naganap ito isang araw matapos pasabugin ng mga Hapones ang Pearl Harbor, Hawaii, at Estados Unidos. Pagkaraan ng ilang linggo, umatras sina Heneral Douglas McArthur na kasama ang pamahalaan ni Manuel L. Quezon na noon ay nanunungkulan bilang Pangulo ng Pilipinas. Pinasok ng militar ng Hapon ang Maynila noong Enero 2, 1942. Sumuko ang Bataan sa hukbo ng mga Hapones noong Abril 9, 1942. Ang mga bilanggo ng digmaan ay pinaglakad ng mga Hapones (ang tinatawag na Martsa ng Kamatayan) patungo sa isang moog ng konsentrasyon sa Capas sa lalawigan ng Tarlac.[1]
Pagkaraan ng pagbagsak ng Bataan sa kamay ng Hapon, nagtungo si MacArthur sa Australia. Pinalitan sya sa Corregidor ni Heneral Jonathan Wainwright, upang ipagpatuloy ang pakikipaglaban, hanggang sa mapilitang sumuko ang mga Pilipino at Amerikano pagkalipas ng 27 mga araw. Nagtagal nang tatlong mga taon ang pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Nagtatag ang mga Hapones ng isang pamahalaang tau-tauhan lamang nila, na ang nagsisilbing pangulo ay si Jose P. Laurel.[1]
Noong Oktubre 1944, nagsimula ang digmaan ng pagpapalaya sa Pilipinas mula sa mga Hapones nang lumapag ang mga hukbo ni Douglas MacArthur sa Leyte. Natatag bilang bagong pangulo ng Pilipinas si Sergio Osmeña nang mamatay si Manuel Quezon. Malakas na napasabog ng mga sundalo ng Estados Unidos ang Maynila noong Pebrero 1945. Nasukol ng mga Amerikano ang mga kilusang militar ni Heneral Homma[kailangang linawin] sa Lalawigang Bulubundukin (Mountain Province), na napilitang sumuko noong mabigo ang mga ito sa tinatangka nilang pagtakas.[1]
Pagtatapos ng pananakop
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Nang bumalik si Heneral MacArthur sa Pilipinas kasama ang kanyang hukbo noong 1944, marami na syang alam; sinabi na nang bumalik si MacArthur na batid nya na kung ano ang kinakain sa umagahan ng bawat Hapones na lieutenant at kung saan sila nagpapagupit. Ngunit ang pagbalik nya ay hindi naging madali. Nagpasya ang Japanese Imperial General Staff na gawing ang Pilipinas ang huling hanay ng panangga, at upang mapigilan ang paggalaw ng mga Amerikano patungo sa Hapon. Pinadala nila ang bawat isang bakanteng sundalo, salimpapaw, at sasakyang pandagat sa pagsangga sa Pilipinas. Ang kamikaze corps ay nabuo tuwiran upang sanggahan ang pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Nagtapos ang Labanan sa Golpo ng Leyte sa isang sakuna para sa mga Hapones at naging ang pinakamalawakang labanang pandagat noong Pangalawang Pandaigdigang Digmaan. Naging pinakamadugong adhikain sa Digmaan sa Pasipiko ang adhikaing bigyan ng kasarinlan ang Pilipinas. Binuking ng mga pagpapabatid ang balak ng Hapones na Heneral na si Yamashita na ipatibong ang hukbo ni MacArthur, na humantong sa pagpapalaya ng mga sundalo patungo sa mga moog ng Hapones.
Dumaong ang alyadong lakas ni MacArthur sa pulo ng Leyte noong 20 Oktubre 1944, kasama sina Osmeña, na sumunod sa pagkalagak sa pagkapangulo ng Komonwelt sa pagpanaw ni Quezon noong 1 Agosto 1944. Sumunod naman ang mga pagdaong sa pulo ng Mindoro at sa palibot ng Golpo ng Lingayen sa kanlurang bahagi ng Luzon, at binunsod ang paggalaw patungo sa Maynila. Nabalik ang Komonwelt ng Pilipinas. Matindi ang labanan, lalo na sa bundok ng hilagang Luzon, kung saan lumikas ang mga hukbong Hapones, at sa Maynila, kung saan gumawa ang mga Hapones ng huling paglaban. Lumaban ang hukbo ng Komonwelt ng Pilipinas at ang mga kinilalang gerilyang lumalaban sa lahat ng pook para sa huling buga.[2] May malaking silbi ang mga Pilipinong gerilya sa pagpapalaya.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 Peplow, Evelyn. "The Coming of the Spaniards," THE PHILIPPINES Tropical Paradise, Passport Books, 1991, pp. 17.
- ↑ Chambers, John Whiteclay; Fred Anderson (1999). The Oxford companion to American military history. New York City: Oxford University Press US. p. 547. ISBN 978-0-19-507198-6. Nakuha noong 7 Mayo 2011.
guerrilla Philippine liberation fighting Japanese.
