Pumunta sa nilalaman

Ikatlong Republika ng Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Republika ng Pilipinas
Watawat ng Ikatlong Republika ng Pilipinas
Watawat
Eskudo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas
Eskudo
Awiting Pambansa: Lupang Hinirang
(Ingles: "Chosen Land")
Location of the Philippines in Southeast Asia.
Location of the Philippines in Southeast Asia.
KabiseraMaynila (bago 1948)
Quezon City (pagkatapos ng 1948)
Pinakamalaking lungsodManila
Wikang opisyalFilipino
Kastila
Ingles
Mga sinasalitang wikaTingnan ang Mga Wika ng Pilipinas
Relihiyon
Katolisismo
Protestantismo
Islam
PamahalaanUnitary presidential constitutional republic
• Pangulo
Manuel Roxas
• 
Elpidio Quirino
• 
Ramon Magsaysay
• 
Carlos P. Garcia
• 
Diosdado Macapagal
Vice President 
• 1946–1948
Elpidio Quirino
• 1949–1953
Fernando Lopez
• 1953–1957
Carlos P. Garcia
• 1957–1961
Diosdado Macapagal
• 1961–1965
Emmanuel Pelaez
LehislaturaKongreso
• Mataas na Kapulungan
Senado
• Mababang Kapulungan
Kapulungan ng mga Kinatawan
Kasaysayan 
• 
July 4,
1946
July 4, 1946
April 17, 1948
December 30, 1953
March 17, 1957
March 18, 1957
December 30, 1961
December 30,
SalapiPhilippine peso ()
Sona ng orasUTC+08:00 (PST)
Ayos ng petsa
  • mm/dd/yyyy
  • dd-mm-yyyy
Gilid ng pagmamanehoright
Pinalitan
Pumalit
Komonwelt ng Pilipinas
Ikaapat na Republika ng Pilipinas
Bahagi ngayon ngPhilippines
Bahagi ng isang serye tungkol sa
Kasaysayan ng Pilipinas
Maagang Kasaysayan (bago mag-900)
Taong Callao at Taong Tabon
Pagdating ng mga Negrito
Mga Petroglipo ng Angono
Kalinangang Liangzhu
Pagdating ng mga Austronesyo
Kulturang Hade
Panahong Klasikal (900–1565)
Bansa ng Mai (971–1339)
Bayan ng Pulilu (????–1225)
Bayan ng Cainta (????–1572)
Bayan ng Kaboloan (1406–1576)
Bayan ng Tondo (900–1589)
Kaharian ng Maynila (1258–1571)
Kaharian ng Namayan (1175–1571)
Kadatuan ng Madyaas (1080–1569)
Kadatuan ng Dapitan (????–1595)
Karahanan ng Cebu (1200–1565)
Karahanan ng Butuan (1001–1521)
Karahanan ng Sanmalan (1011–1899)
Kasultanan ng Maguindanao (1515–1888)
Kasultanan ng Buayan (1350–1905)
Mga Sultanato ng Lanao (1616–1904)
Kasultanan ng Sulu (1405–1915)
Panahong Kolonyal (1565–1946)
Panahon ng Kastila (1565–1898)
Pamumunong Britaniko (1762–1764)
Silangang Kaindiyahan ng Kastila
Himagsikang Pilipino (1896–1898)
Katipunan
Unang Republika (1899–1901)
Panahon ng Amerikano (1898–1946)
Digmaang Pilipino-Amerikano (1899–1902)
Sampamahalaan ng Pilipinas (1935–1942, 1945–1946)
Pananakop ng Hapon (1942–1945)
Ikalawang Republika (1943–1945)
Panahong Kontemporanyo (1946–kasalukuyan)
Ikatlong Republika (1946–1972)
Diktadurya ni Marcos (1965–1986)
Ikalimang Republika (1986–kasalukuyan)
Palatakdaan ng oras
Kasaysayang militar
 Portada ng Pilipinas

Ang Ikatlong Republika ng Pilipinas ay tumutukoy sa kasaysayan at pamahalaan ng Pilipinas mula Hulyo 4, 1946 hanggang Setyembre 21, 1972. Ito ay ang pinakamatagal na republika sa kasulukuyan, na tumagal ng 26 na taon, tagal na hindi pa narating ng kasalukuyang republika – ang ikalimang republika na 20 taon pa lamang ngayon. Nagsimula ito sa isang masayang seremonya sa Luneta at natapos sa isang malungkot na pangyayari, na ang patagong pagdedeklara ng Batas Militar. Sa lahat ng naging republika noon, ito lamang ay masasabing malaya sapagkat ito ay opisyal na kinilala ng maraming bansa. Bagamat ang unang republika ni Emilio Aguinaldo ay masasabing malaya sa ibang aspeto, ito'y hindi kinilala ng ibang bansa at gaya na rin ng kay Jose P. Laurel (ang ikalawang republika) na binuo at kinilala lamang ng alyansang Axis (Hapon, Alemanya, at Italy) habang hindi kinilala ng mga ibang bansa.

Ang Ikatlong Republika ng Pilipinas ay batay sa Saligang Batas ng 1935 (isinulat noong 1934) at pinagtibay ng Komonwelt ng Pilipinas (1935–1946). Ito'y inspirasyon ng mapanlinlang na "benevolent assimilation" na patakaran ng Amerika bilang transisyon ng Pilipinas mula direktang kolonya patungong kasarinlan. Itinadhana ang orihinal na Saligang Batas ng 1935 para sa isang Kongreso na may isang Kapulungan ng mga Kinatawan at nirebisa ito noong 1940 para bigyang-daan ang kongresong may dalawang kapulungan: Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan (Kamara de Representantes) at para baguhin din ang termino ng pangulo. Sa saligang batas na ito, may hangganan ang Pangulo sa terminong apat na taon at maaari lamang maupo ng dalawang termino, ngunit isang Pagpupulong ng Saligang Batas (Constitutional Convention) ang ginanap noong 1971 upang baguhin ang Saligang Batas ng 1935. Nabahiran ang pagpupulong ng mga pagsuhol at korupsiyon. Marahil ang pinakakontrobersiyal ang usapin ng pagtanggal sa hangganan ng termino ng isang pangulo dahil sa gayon maaaring tumakbo si Ferdinand Marcos sa ikatlong taning. Sa anumang usapin, sinuspinde ng pagpapahayag ng batas militar ang Saligang Batas ng 1935, na gaya nang nasabi, siyang naging katapusan ng Ikatlong Republika. Sa kabilang banda naman, isa pa sa pinakamalaking bagay na nagpabago sa Saligang Batas ng 1935 ay ang pasasalaksak ng tinatawag na "American Parity Rights" na nagbigay sa mga Amerikano ng mga karapatang laan lamang sa mga Pilipino, lalo na sa pagnenegosyo at paglilinang ng yamang-likas ng bansa. Ito raw ang pagtulong ng mga Amerikano sa Pilipino, ngunit ginawang monopolyo ng mga banyagang ito ang lahat ng negosyo sa Pilipinas, at sa mahabang panahon ay mga Amerikano (at Tsino) ang nagkontrol ng ekonomiya ng Pilipinas. Puro sila ang nag-may-ari ng karamihang kompanya gaya ng sa kuryente, sa telekomunikasyon, kompanya ng pagmimina and marami pang iba, kaya ang Pilipino na ang mga may-ari ng bansa ay sila ring nagtrabaho para sa mga banyagang nagnenegosyo.

Ang Mga Pangulo ng Ikatlong Republika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Manuel Roxas (1946–1948)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bago pa man din siyang maging unang pangulo ng Ikatlong Republika, si Manuel Roxas ang naging huling pangulo ng Commonwealth. Isang estadista ng Capiz (sa lungsod na ipinangalan sa kanya nang siya ay mamatay, ang Lungsod ng Roxas), si Roxas ang nagsimulang magtayo ng ekonomiya ng isang bansang winasak ng digmaan. Kaniyang ipinatupad ang ibang pangunahing mga prayoridad ng kaniyang administrasyon gaya ng: ang industrialisasyon ng Pilipinas, ang pagpapatagal ng malapit na kooperasyon at ispesyal na relasyon sa Estados Unidos (dahilan kung bakit sa panahon niya'y isang pampublikong kaalaman na siya'y isang "Pro-American"), ang pagpapanatili ng batas at kaayusan at ang pagpasa sa kongreso ng batas na magbibigay sa magsasaka ng 70% ng kabuuang kinitang ani (30% lamang sa panginoong maylupa). Ngunit noong gabi ng Abril 16, 1948, si Roxas ay namatay sa isang atake sa puso sa Clark Field, Pampanga matapos magbigay ng talumpati sa mga sundalong Amerikano at tagasuportang Pilipino.

Mga estadistika ng Pilipinas noong panahon ni Roxas
  • Populasyon: 19.23 milyon (1948)
  • GDP: ₱85,269 milyon (1947)
  • Reyt ng paglaki ng GDP: 39.5 % (1946–47 karaniwan)
  • Kita sa bawat tao: ₱4,434 (1947)
  • Kabuoang mga eksport: ₱24,824 milyon (1947)
  • Palitan ng piso ng Pilipinas laban sa dolyar ng Estados Unidos: ₱2.00 = $1

Elpidio Quirino (1948–1953)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pangalawang pangulo ng Pilipinas sa administrasyon ni Roxas na si Elpidio Quirino ang siyang pumalit matapos ang kaniyang pagpanaw. Siya ang unang Ilokanong pangulo na nagtapos sa 4 na taong termino ni Roxas at nanalo sa halalan noong 1949. Sa kaniyang administrasyon, pinakamalaki niyang pinagtuunan ng pansin ang pagpapatuloy ng pagbabago at rehabilitasyon ng ekonomiya & ang pagpapanumbalik ng tiwala at kooperasyon ng marami sa pamahalaan. Kinaharap ng kaniyang administrasyon ang isang malubhang banta ng kilusang komunistang Hukbalahap (Hukbo ng Bayan laban sa Hapon), isang pulang komunista. Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk, at bilang pangulo, nagawa niya ang mga sumusunod na karaniwang ipinapatungkol sa kaniya. Una, ang paglikha ng PACSA (President's Action Committee on Social Amelioration), na layuning tulungan ang masa mula sa pagbagsak ng ekonomiya. Pangalawa, ang paglikha ng ACCFA (Agricultural Credit Cooperative Financing Administration) para tulungan ang magsasaka na magamit ng pautang na may mababang interes mula sa pamahalaan. At panghuli, ang pagtayo ng mga bangkong rural at Labor Management Advisory Board, isang pampangulong lupong tagapayo. Ang administrasyon niya ay nagtagumpay sa pakikipagugnayan sa ibang bansa. Kasama nang kaniyang pagka-estadista, kaniyang napahanga ang ilang mga pinuno ng estado at banyagang mga diplomatic corp at sa kaniyang opisyal na biyahe sa labas ng bansa, siya ang sugo ng mabuting pakikisama at pakikipagkaibigan. Namatay siya sa atake sa puso noong Pebrero 29, 1956 sa gulang na 66.

Mga estadistika ng Pilipinas noong panahon ni Quirino
  • Populasyon: 19.23 milyon (1948)
  • GDP: ₱99,628 milyon (1948), ₱146,070 million (1953)
  • Reyt ng paglaki ng GDP: 9.43 % (1948–53 karaniwan)
  • Kita sa bawat tao: ₱5,180 (1948), ₱7,596 (1953)
  • Kabuoang mga eksport: ₱35,821 milyon (1948); ₱34,432 milyon (1953)
  • Palitan ng piso ng Pilipinas laban sa dolyar ng Estados Unidos: ₱2.00 = $1.

Ramon Magsaysay (1953–1957)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Ramon Magsaysay ang kalihim ng Tanggulang Pambansa sa ilalim ng administrasyong Quirino. Kaniyang iniligtas ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kaniyang pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Sumuko sa kaniya si Luis Taruc, ang Supremo ng Huk o ang pinakamataas na lider ng komunista. Kaya si Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya" na naging sanhi ng kaniyang pagiging tanyag. Ilan sa kaniyang mga nakamit ay ang mga sumusunod: Ang pagpapabuti ng pamantayan ng pamumuhay sa pamamagitan ng paggawa ng mga sistemang patubig, tulay, balon at kalsada; pagsasakatuparan ng paggamit ng Barong Tagalog sa mga opisyal at sosyal na gawain na dati ay itinuturing na damit ng mahirap, pagtatatag ng SEATO (Southeast Asia Treaty Organization), isang panrehiyon na politiko-militar na agregasyon, noong Setyembre 18, 1954; negosasyon sa Hapon ukol sa kasunduan ng bayad-pinsala sa digmaan kung saan ay huling nilagdaan sa Maynila (ang bansang Hapon ay magbabayad ng bayad-pinsala sa digmaan nagkakahalaga ng $300,000,000 sa loob ng 25 taon) at ang Kasunduang San Francisco, kung saan opisyal na nagpawakas sa bansang Hapon at Pilipinas mula sa estado ng digmaan. Siya ang "pinakamamahal" na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng marami sa pamahalaan. Subalit nagwakas ito nang mamatay siya dahil sa isang pagbagsak ng eroplano na bumangga sa Bundok Manunggal malapit sa Balamban, Cebu noong Marso 17, 1957.

Pagbagsak ng eroplano sa Bundok Manunggal, na ikinamatay ni Magsaysay
Mga estadistika ng Pilipinas noong panahon ni Magsaysay
  • Populasyon 21.4 milyon (1954)
  • GDP: ₱157,054 milyon (1954), ₱179,739 milyon (1956)
  • Reyt ng paglaki ng GDP: 7.13 % (1954–56 karaniwan)
  • Kita sa bawat tao: ₱7,339 (1954), ₱8,073 (1956)
  • Kabuoang mga eksport: ₱36,462 milyon (1954), ₱34,727 milyon (1956)
  • Reyt ng bilang ng mga taong walang trabaho: 11.2 % (1956)
  • Palitan ng piso ng Pilipinas laban sa dolyar ng Estados Unidos: ₱2.00 = $1.

Carlos Garcia (1957–1961)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang araw matapos ang malungkot na pagpanaw ni Magsaysay, ang pangalawang pangulong si Carlos P. Garcia ang siyang umupo bilang ikaapat na pangulo ng Ikatlong Republika. Tinapos niya ang huling termino ni Magsaysay at nanalo bilang pangulo pagkatapos. Ang pangalawang pangulo niyang si Diosdado Macapagal ng Partido Liberal at siyang naging unang pagkakataon na may magkaibang partidong pangulo at pangalawang pangulo. Gayunpaman, nakamit niya ang mga sumusunod: ang pagpapatupad ng patakarang "Pilipino Muna" (Filipino First Policy) para mataguyod at maprotektahan ang produktong Pilipino; ang pagpapalaganap ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng mabuting pakikisama ng Bayanihan Dance Troupe sa ibang bansa; pagrespeto sa karapatang pantao at pagpapanatili ng malayang halalan; ang paggawa ng Komisyong Sentenaryo ng Dr. Jose P. Rizal at ang pagtataguyod ng pandaigdigang kapayapaan at pagkakasundo sa pamamagitan ng opisyal na mga pagbisita. Habang nasa kapangyarihan, ang pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa mga pinuno ng bansang Amerika upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang hindi na ginagamit na mga base militar ng Amerika. Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni Garcia at ang pagsira sa kanya ay pinasimulan sa mga pahayagan, sa himpapawid sa tulong ng CIA samantalang pinaboran naman ng mga Amerikano si Diosdado Macapagal upang manalo sa halalan noong 1961. Bukod sa kaniyang mga nagawa bilang makabansang politiko, si Garcia ay kilala rin na makata sa kaniyang diyalektong Bisaya. Namatay siya sa atake sa puso noong Hulyo 14, 1971 sa edad na 75.

Mga estadistika ng Pilipinas noong panahon ni Garcia
  • Populasyon: 22.68 milyon (1957)
  • GDP: ₱189,457 milyon (1957), ₱224,430 milyon (1961)
  • Reyt ng paglaki ng GDP: 4.54 % (1957–61 karaniwan)
  • Kita sa bawat tao: ₱8,353 (1957), ₱7,927 (1961)
  • Kabuoang mga eksport: ₱35,980 milyon (1957), ₱39,845 milyon (1961)
  • Reyt ng bilang ng mga taong walang trabaho: 3.8 % (1957), 7.5 % (1961)
  • Palitan ng piso ng Pilipinas laban sa dolyar ng Estados Unidos: ₱2.00 hanggang $1 (1957), ₱2.64 hanggang $1 (1961)

Diosdado Macapagal (1961–1965)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kahit siya ay kilala bilang "batang dukha" mula sa Lubao, si Diosdado Macapagal ay isang bar topnotcher, isang respetadong abogado at manunulat at epektibong manunulat. Kaniyang pinangako ang "Bagong Panahon" ("New Era") sa bansang Pilipinas sa pamamagitan ng mga sumusunod: paggamit ng pambansang wika (Filipino) sa mga pasaporte, selyo, palatandaang trapiko, pangalan ng mga bagyo, diplomang pampaaralan at iba pang mga katibayang diplomatiko; paglipat ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa Hunyo 12 mula Hulyo 4; paghahain ng opisyal na pag-aari ng Pilipinas sa Sabah noong Hulyo 22, 1962; ang pagkakalikha ng samahang Mapilindo (Malaysia, Pilipinas, Indonesya) na isang pagkakaisang pang-ekonomiya at ang pagpasa sa kongreso ng Agricultural Land Reform Code noong 1963. Humalili rin siya bilang pangulo ng Kumbensiyong Konstitusyonal noong 1971 para sa pagpapabago ng saligang batas. Namatay siya sa atake sa puso, pulmonya at sakit sa bato sa Ospital ng Makati noong Abril 21, 1997 makaraan ang isang taon, ang kaniyang anak na si Gloria Macapagal-Arroyo ay ipinroklamang ikaapat na pangulo ng Ikalimang Republika ng Pilipinas dahil sa EDSA II.

Mga estadistika ng Pilipinas noong panahon ni Macapagal
  • Populasyon: 29.2 milyon (1962)
  • GDP: ₱234,828 milyon (1962), ₱273,769 milyon (1965)
  • Reyt ng paglaki ng GDP: 5.15 % (1962–65 karaniwan)
  • Kita sa bawat tao: ₱8,042 (1962), ₱8,617 (1965)
  • Kabuoang mga eksport: ₱46,177 milyon (1962), ₱66,216 milyon (1965)
  • Reyt ng bilang ng mga taong walang trabaho: 8.00 % (1962), 7.2 % (1965)
  • Palitan ng piso ng Pilipinas laban sa dolyar ng Estados Unidos: ₱3.80 hanggang $1 (1962), ₱3.90 hanggang $1 (1965)

Ferdinand Marcos (1965–1972)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Ferdinand Marcos ay isang Pangulo ng Senado mula pa noong 1963 at matagal na panahon siyang naging kasapi ng Partido Liberal. Hiningi niya ang nominasyon ng partido bilang kandidato sa pagkapangulo noong 1965, ngunit ang kasalukuyang pangulo na si Diosdado Macapagal ang pinili ng partido. Tumiwalag si Marcos sa Partido Liberal at lumipat siya sa Partido Nacionalista, kung saan nakuha niya ang kanilang nominasyon. Nanalo siya at si Fernando Lopez, ang kandidato ng Partido Nacionalista sa pagka-pangalawang pangulo, laban kay Macapagal at Gerardo Roxas sa isang landslide victory na dala-dala ang islogan na "This nation can be great again." Sa kaniyang paglilingkod bilang pangulo sa unang termino, siya ang pinakamaraming nagawang kalsada, tulay, paaralan, gusali ng pamahalaan, sistemang patubig (kasabay ng pagpapakilala ng "Miracle Rice"), at marami sa mga ito ay nananatiling nakatayo pa gaya ng Tulay ng San Juanico sa pagitan ng Samar at Leyte; ang Pan-Philippine Highway mula Laoag hanggang Lungsod ng Zamboanga; ang Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, Sentrong Pangkumbensiyong Pandaigdig ng Pilipinas, Tanghalan ng Katutubong Sining at ang Sentrong Pampelikula ng Maynila; at pati na rin ang pag-aayos ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas (PNR). Dagdag pa rito ang pinansyal at teknikal na pagtulong sa mga magsasaka, ang epektibong pangongolekta ng buwis, ang malawakang pagpapataboy sa mga mamumuslit, organisadong krimen at ang komunistang Bagong Hukbong Bayan at ang matagumpay na pagdaos ng Manila Summit Conference noong Oktubre 24–25 na dinaluhan ng maraming mga pinuno ng estado. Kaakibat dito at dahil na rin sa dami ng kaniyang mga nakamit noong unang termino niya, siya'y naging pangulo muli sa ikalawang pagkakataon, iyon ang unang pagkakataon sa Pilipinas na mahalal muli ang isang pangulo, at dahil doon, siya'y natala bilang pangulo na may pinakamahabang taon na pinaglingkuran. Ngunit, sa kabila ng kaniyang magandang unang termino, dumanas ng malubhang krisis na pang-ekonomiya ang Pilipinas dahil sa na rin pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan. Ang pagtaas ng presyo ng langis ang naging sanhi upang tumaas ang presyo ng pangunahing bilihin at maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho. Ang floating peso ay patuloy na bumababa laban sa dolyar. Ang kaniyang pangalawang termino ay napuno ng graft at korupsiyon sa pamahalaan; ang paglayo pa lalo ng mahirap at mayaman na naging dahilan ng paglaganap ng maraming krimen, kaguluhan at pagbabanta ng komunista. Sa kaniyang konsensiya, ang mga pagbabantang ito sa seguridad at katatagan ng bansa ay namataan ni Marcos na ito'y mapagtuunan ng isang hakbang na makakapagpabago ng lahat. Para kay Marcos, ang tanging paraan para mapanumbalik ang tiwala ng marami sa pamahalaan ay ang pagdedeklara ng batas militar. Katulong nito, sinabing ang pagligtas ng estado ay ang kaniyang dahilan, si Marcos ay nagpahayag ng Proklamasyon Blg. 1081 noong Setyembre 21, 1972, at nalagay ang buong Pilipinas sa ilalim ng batas militar, na siyang pumatay sa demokrasya at sa Ikatlong Republika ng Pilipinas.

Mga estadistika ng Pilipinas noong panahon ni Marcos
  • Populasyon: 37.68 milyon (1970), 37.90 milyon (1972)
  • GDP: ₱285,886 milyon (1966), ₱361,791 milyon (1971)
  • Reyt ng paglaki ng GDP: 4.75 % (1966–71 karaniwan)
  • Kita sa bawat tao: ₱8,932 (1967), ₱9,546, (1971), ₱9,802 (1972)
  • Kabuoang mga eksport: ₱70,254 milyon (1966), ₱63,626 milyon (1971), ₱71,572 milyon (1972)
  • Reyt ng bilang ng mga taong walang trabaho: 7.10 %, (1966), 5.20 % (1971), 6.30 % (1972)
  • Palitan ng piso ng Pilipinas laban sa dolyar ng Estados Unidos: ₱3.9 hanggang $1(1966), ₱6.44 hanggang $1 (1971), Php 6.3 hanggang $1 (1972)

Bago matapos, hindi naging madali para sa mga naging pangulo ng panahong ito na magbigay ng serbisyo, gaya ng naunang si Roxas at ng nahuling si Marcos na kapuwa sumalubong sa matinding krisis ng bansa. Si Roxas na naglingkod matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig mula sa kalupitan ng Hapon at si Marcos (sa kaniyang ikalawang termino ng panunungkulan) na bumulaga sa malubhang pagbagsak ng ekonomiya dahil sa pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan. Gayunpaman, ang bawat naging presidente ng Ikatlong Republika ay mayroong maganda at di-magandang nagawa, na siyang naisulat sa pahina ng kasaysayan.