Bagyo
- Tungkol ang artikulong ito sa bagyong yolanda bilang tropikal na unos. Para pangkalahatang kaisipan tungkol sa unos, tingnan Unos.
- Para sa lungsod sa Pilipinas, tingnan Lungsod ng Baguio.

Ang bagyo[1] (mula sa Sanskrito: वायु [vāyu]) ay isang sistema ng klima na may nakabukas na sirkulasyon sa paligid ng isang sentro ng mababang lugar , tumatakbo sa pamamagitan ng init na inilabas kapag umaakyat at lumalapot ang basang hangin. Natutukoy sila sa mga ibang unos, katulad ng mga mababang presyon sa polar, sa pamamagitan ng mekanismo na nagpapatakbo sa kanila, na ginagawa silang "mainit na gitna" na sistema ng klima. Tinatawag din itong unos at sigwa.[1]
Ang bagyo sa Pilipinas ay naaapekto ng 20 beses kada taon. May apat na uri na bagyo depende sa bilis ng hangin niya. Ang PAGASA ang nagpapangalan ng bagyo sa Pilipinas at mauulit kada 4 taon. Ang World Meteorological Organization (Pandaigdigang Organisasyong Meteorolohikal) ang nagpapangalan sa internasyunal na pangalan ng isang bagyo.
Sa Pilipinas, ang pagbabantay ng mga bagyo ay nakatalaga sa Pangasiwaan ng Palingkurang Atmosperiko, Heopisikal at Astronomiko ng Pilipinas o PAGASA.
Bagaman may mga nakatakda nang mga internasyonal na pangalan ang mga bagyong mamumuo sa Kanlurang Pasipiko, may sariling nakatakdang pangalan ng mga bagyo ang PAGASA. May apat na listahan ang PAGASA na nagsasalit-salitan kada taon, na bumabalik sa unang listahan makaraan ang apat na taon. Ang bawat listahan ay may dalawampu't limang pangalan na naaayon sa makabagong Alpabetong Pilipino maliban sa Ñ, NG at X, at may ekstra pang sampung nakalaan kung bakasakaling lumagpas sa 25 ang mga bagyong naitala sa taong iyon. Kapag labis na mapinsala ang isang bagyo, ang pangalan noon ay iniaalis sa listahang iyon at pinapalitan ng bago. Binibigyan lang ng PAGASA ng pangalan ang bagyo kapag ito ay nakapasok na sa Lugar na Responsibilidad ng Pilipinas.
Babala ng Bagyo sa Pilipinas[baguhin | baguhin ang batayan]
Noong una ay nahahati sa apat ang mga Babala ng Bagyo (Public Storm Warning Signal), mula Babala Blg 1 hanggang 4. Ngunit dahil sa mga mapaminsalang bagyo na kamakailan ay tumama sa Pilipinas, tulad ng bagyong Yolanda noong 2013, napag-alamang hindi sapat ang sistemang pinaiiral sa mga panahong iyon.[2] Kaya noong taong 2015, dinagdag ang bagong antas ng babala, ang Babala Blg 5. Ginawa ang pagbabagong ito dahil sa inaasahang mas malakas pa ang darating na bagyo bunsod ng daigdigang pag-iinit (global warming) at ng pagbabago sa klima (climate change).
PSWS | Hangin (KPH) | Kalagayan ng Dagat | Pinsala sa istraktura | Pinsala sa taniman |
---|---|---|---|---|
#1 | Cosme (Halong) 30 - 60 kph Inaasahan sa loob ng 36 oras ng unang paglathala |
Taas ng alon: 1.25 - 4.0 metro |
|
|
#2 | Ondoy (Ketsana) 61 - 120 kph Inaasahan sa loob ng 24 oras mula sa unang paglathala |
Taas ng alon: 4.1 - 14.0 m Posible ang daluyong sa baybayin |
|
|
#3 | Santi (Nari) 121 - 170 kph Inaasaahan sa loob ng 18 oras mula sa unang paglathala |
Taas ng alon: > 14.0 metro Posible ang mga daluyong sa mga baybayin |
|
|
#4 | Lando (Koppu) 171 - 220kph Inaasahan sa loob ng 12 oras mula sa unang paglathala |
Taas ng alon: > 14.0 m Posible ang daluyong na may taas na 2-3m sa mga baybayin |
|
|
#5 | Yolanda (Haiyan) 220kph Inaasahan sa loob ng 12 oras mula sa unang paglathala |
Taas ng alon: > 14m Posible ang daluyong na may taas na higit sa 3 metro sa mga baybayin |
|
|
Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]
- ↑ 1.0 1.1 "Bagyo, unos, sigwa". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). 1990.
- ↑ PAGASA Modifies Public Storm Warning System. Websayt ng PAGASA. Binuksan 9 Hunyo 2015.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Panahon at Meteorolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.