Daluyong-bagyo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Daluyong)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang dalúyong-bagyo (Ingles: storm surge) ay ang hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa dalampasigan habang papalapit ang bagyo sa baybayin.[1] Nakaaapekto sa tindi ng dalúyong-bagyo ang lalim at oryentasyon ng katubigan na dinaraanan ng bagyo at tiyempo ng kati. Karamihan ng mga nasasawi tuwing may bagyo ay dulot ng dalúyong-bagyo.

Mga makasaysayang dalúyong-bagyo[baguhin | baguhin ang batayan]

Tangway Bolivar sa Texas, Estados Unidos matápos ang mga meteotsunamic na dalúyong-bagyó na dalá ni Bagyong Ike noong 2008

Isa sa pinakamapaminsalang kalamidad na tumama sa Estados Unidos ay ang bagyo sa Galveston, Texas noong 1900 na isang Kategorya 4 na bagyo. Nagdala ito ng mapaminsalang dalúyong-bagyo sa mga dalampasigan—sa pagitan ng 6,000 hanggang 12,000 buhay ang nasawi, ang pinakamarami sa kasaysayan ng Estados Unidos. Pinakamaraming nasawî sa ika-21 siglo ay dulot ni Bagyong Nargis na kumitil ng mahigit sa 138,000 sa Myanmar noong Mayo 2008, sumunod dito ang Bayong Haiyan o Yolanda na kumitil ng 3,600 na buhay sa Gitnang Pilipinas.[2][3][4] na nagdulot ng pinsala na katumbas sa humigit-kumulang na US$14 bilyon.[5]

Ang pinakamataas na naitaláng dalúyong-bagyo sa kasaysayan ay dalá ng Bagyong Mahina noong 1899, na tinatayang may 43 talampakan (13 metro) sa Look ng Bathurst, Australia. Ngunit sa nailathalang pananaliksik noong 2000, tinukoy nito na malamáng ang karamihan sa mga ito ay mga wave run-up lámang dahil sa matarik na topograpiya ng baybayin.[6] Sa Estados Unidos, ang pinakamalaking naitaláng dalúyong-bagyo ay dulot ni Bagyong Katrina noong 2005 na nagdalá ng mga dalúyong-bagyo na higit sa 25 talampakan (8 metro). Sa mga pamayanan sa Mississippi, gaya ng sa Waveland umabot ito ng 41.5 talampakan, Bay St. Louis 38 talampakan, Diamondhead 30 talampakan, Pass Christian 35 talampakan.[7] Isa pang malakíng naitaláng dalúyong-bagyo ay nangyari sa Lungsod ng New York na hatid ni Bagyong Sandy noong Oktubre 2012 na may 14 talampakan (4.2 metro), habang sa Pass Christian sa kabilang panig ng Look ng St. Louis umabot itó hanggang 35 talampkan.[8] Ang pinakamtinding dalúyong-bagyo na kumitil ng napakaraming búhay ay nangyari noong 1970, dalá ni Bagyong Bhola. Kalimitang tinatamaan ng mga dalúyong-bagyo ang mga baybayin ng Look ng Bengal.[9]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Mga Paalala Ukol sa Storm Surge". 6 Nobyembre 2013. http://www.gov.ph/crisis-response/mga-paalala-ukol-sa-storm-surge/. Hinango noong 9 Hulyo 2014. 
  2. Gelineau, Todd (2013-11-16). "Typhoon-stricken Guiuan in Eastern Samar starts rebuilding" (sa Ingles). GMA News Online (Associated Press). http://www.gmanetwork.com/news/story/335758/news/nation/typhoon-stricken-guiuan-in-eastern-samar-starts-rebuilding. Hinango noong 2013-11-16. 
  3. CBS/AP (2013-11-14). "Philippines typhoon dead buried in mass grave in hard-hit Tacloban as aid begins to pour in" CBSNEWS.com. Retrieved 2013-11-14.
  4. Brummitt, Chris (2013-11-13). "After Disasters Like Typhoon Haiyan, Calculating Death Toll Often Difficult". Associated Press, Huffington Post. Retrieved 2013-11-14.
  5. Yap, Karl Lester M.; Heath, Michael (2013-11-12). "Yolanda's Economic Cost P600 billion". Bloomberg News, BusinessMirror.com.ph. Retrieved 2013-11-14.
  6. Jonathan Nott and Matthew Hayne (2000). "How high was the storm surge from Tropical Cyclone Mahina? North Queensland, 1899" (PDF). Emergency Management Australia. Sininop mula sa orihinal na pahina noong June 25, 2008. http://web.archive.org/web/20080625203948/http://www.ema.gov.au/agd/EMA/rwpattach.nsf/viewasattachmentpersonal/(C86520E41F5EA5C8AAB6E66B851038D8)~How_high_was_the_storm_surge_from_Tropical_Cyclone_Mahina.pdf/$file/How_high_was_the_storm_surge_from_Tropical_Cyclone_Mahina.pdf. Hinango noong 2008-08-11. 
  7. Knabb, Richard D; Rhome, Jamie R.; Brown, Daniel P (2005-12-20; updated 2006-08-10). "Tropical Cyclone Report: Hurricane Katrina: 23–30 August 2005" (PDF). National Hurricane Center. http://www.nhc.noaa.gov/pdf/TCR-AL122005_Katrina.pdf. Hinango noong 2008-10-11. 
  8. Simpson, 1969
  9. "Solar System Exploration: Science & Technology: Science Features: Remembering Katrina - Learning and Predicting the Future". Solarsystem.nasa.gov. http://solarsystem.nasa.gov/scitech/display.cfm?ST_ID=1350. Hinango noong 2012-03-20.