Pumunta sa nilalaman

Super Bagyong Yolanda

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Super Bagyong Yolanda (Haiyan)
Matinding bagyo (JMA)
Kategorya 5 (Saffir–Simpson)
Nabuo3 Nobyembre 2013 (2013-11-03)
Nalusaw11 Nobyembre 2013 (2013-11-11)
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 230 km/h (145 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 315 km/h (195 mph)
Pinakamababang presyur885 (pinakamalakas sa buong mundo noong 2013) hPa (mbar)
(Tinataya)
Namatay6,300 kumpirmado (Ika-9 na pinakanakakamatay sa Kanluran Pasipiko)
Napinsala$3.93 bilyon (2023 USD)
(Paunang kabuuan)
Apektado
Bahagi ng
Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2013

Ang Super Bagyong Yolanda (Pagtatalagang pandaigdig: Super Bagyong Haiyan), ay ang pinakamalakas na bagyo sa Pilipinas na nanalasa sa Kabisayaan noong ika 8, Nobyembre 2013, na naitala sa kasaysayan ng mundo, ng mag landfall sa kalupaan. Ang Haiyan, na nangangahulugan na petrel sa Wikang Intsik (海燕) ay isa sa pinakamalakas na bagyong naitala sa daigdig.[1][2] at ang ikalawang pinakamalakas na bagyong naitalang tumama sa Pilipinas, na kumitil ng 6,300. [3]

Si Bagyong Yolanda habang lumalapit sa Pilipinas noong 7 Nobyembre 2013

Nagdulot ng malawakang pagkawasak ang bagyo sa Pilipinas, lalo na sa Pulo ng Samar at Leyte, kung saan tinaya ng gobernador na hindi bababa 10,000 katao ang nasawi sa lungsod pa lamang ng Tacloban.[4]

Ang naging daan ng bagyo.

Nagtalaga ang mga kinauukulan ng mga pulis sa Kabikulan bilang paghahanda sa bagyo.[5] Sa mga lalawigan ng Samar at Leyte, kinansela ang mga klase, at ang mga mamamayan na naninirahan malapit sa mga mabababang lugar at sa mga lugar na maaaring gumuho ang lupa ay sapilitang inilikas.[6] Ang ilang pook na nilindol sa Bohol ay dadaanan din ng bagyo.[7] Iminungkahi ng Pangulo ng Pilipinas na magpadala ng mga eroplano at helikopter sa mga rehiyong inaasahang maapektuhan ng bagyo.[8] Dahil sa mabilis na pagkilos ng bagyong Yolanda, nagtaas ng babala ang PAGASA sa iba't ibang lalawigan sa bansa. Tinatayang nasa 60 na lalawigan kabilang na ang Kalakhang Maynila sa mga binigyan ng babala.[9]

Ang Super Bagyong Yolanda (Haiyan) noong Nobyembre 8, 2013

Noong Nobyembre 8, itinaas ni Punong Ministro ng Vietnam Nguyen Tan Dung ang pinakamataas na estado ng paghahanda sa bansa.[10] Tinatayang 600,000 katao sa kalakhang katimugan at gitnang mga lalawigan ang inilikas habang 200,000 naman sa hilagang mga lalawigan. Nagpadala ng mga babala sa 85,328 mga sasakyang pandagat, na may kabuuang bilang ng mga tripulanteng nasa 385,372 katao, na maglayag sa mga ligtas na daan palayo mula sa bagyo. Nagpadala din ng kahilingan sa Tsina, Malaysia, Indonesia at Pilipinas, tulungan ang mga mangingisdang mangangailangan ng sisilungan mula sa bagyo.[11] Humigit-kumulang 460,000 mga sundalo at iba pang kinauukulan ang ipinakalat upang gabayan at tumulong sa pagpapalikas.[11] Daan-daang mga byaheng panghimpapawid ang kinansela sa buong bansa samantalang isinara ang mga paaralan noong Nobyembre 11. Pinuri ni Pratibha Mehta, ang lokal na tagapangasiwa ng UN ang paghahandang ginawa ng pamahalaan ng Vietnam.[10] Subalit, may mga reklamo ang karamihan ng mga residente na ang babala ay huli nang naipabatid.[12]

Palaw at Micronesia

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Kayangel sa Palau, napinsala ng mataas na alon ang ilang mga kabahayan,[13] samantalang ang mga malalakas na hangin naman ang nagpatumba sa mga puno.[14] Sa kabila nang pagtanggi ng mga residente na lumikas, walang naiulat na nasawi o labis na nasugatan sa pulo. Nagpalipad ng mga helikopter sa pulo upang suriin ang pinsala at makapagbigay ng mga tulong. Balak ng pamahalaan na ilikas ang mga mamamayan nitong nawalan ng mga tirahan.[15] Ang Koror, Babeldaob at Kayangel ay nawalan ng suplay ng tubig at kuryente. Hindi gaano napinsala ang Koror dahil ang sentro ng bagyo ay dumaan sa hilaga nito,[14] subalit may pagbahang naganap sa mga daan doon. Sa dulong hilaga ng Babeldaob, napinsala ng bagyo ang mga gusali at mga paaralan[13]