Antique
Antique | |||
---|---|---|---|
Lalawigan ng Antique | |||
| |||
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Antique | |||
Mga koordinado: 11°10'0.01"N, 122°4'59.99"E | |||
Bansa | Pilipinas | ||
Rehiyon | Kanlurang Kabisayaan | ||
Kabisera | San Jose de Buenavista | ||
Pagkakatatag | 1780 | ||
Pamahalaan | |||
• Uri | Sangguniang Panlalawigan | ||
• Gobernador | Rhodora Cadiao | ||
• Manghalalal | 371,244 na botante (2019) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 2,729.17 km2 (1,053.74 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (senso ng 2020) | |||
• Kabuuan | 612,974 | ||
• Kapal | 220/km2 (580/milya kuwadrado) | ||
• Kabahayan | 128,753 | ||
Ekonomiya | |||
• Kaurian ng kita | ika-2 klase ng kita ng lalawigan | ||
• Antas ng kahirapan | 18.20% (2021)[2] | ||
• Kita | (2020) | ||
• Aset | (2020) | ||
• Pananagutan | (2020) | ||
• Paggasta | (2020) | ||
Pagkakahating administratibo | |||
• Mataas na urbanisadong lungsod | 0 | ||
• Lungsod | 0 | ||
• Bayan | 18 | ||
• Barangay | 590 | ||
• Mga distrito | 1 | ||
Sona ng oras | UTC+8 (PST) | ||
Kodigo postal | 5700–5717 | ||
PSGC | 060600000 | ||
Kodigong pantawag | 36 | ||
Kodigo ng ISO 3166 | PH-ANT | ||
Klima | tropikal na klima | ||
Mga wika | wikang Karay·a | ||
Websayt | https://antique.gov.ph/ |
Ang Antique ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa Rehiyon ng Kanlurang Visayas. San Jose de Buenavista ang kabisera nito. Matatagpuan ang lalawigan sa kanlurang bahagi ng pulo ng Panay. Umaabot sa mga lalawigan ng Aklan, Capiz, at Iloilo ang hangganan nito sa silangan. Nakaharap ang Antique sa Dagat Sulu sa kanluran.
Ang Antique ay isa sa tatlong dating mga sakup (mga distrito) ng Panay bago dumating sa isla ang mga mananakop na Kastila. Ang Antique ay kilala noon sa katawagang Hantik, na ipinangalan sa malalaki at maiitim na mga langgam na matatagpuan sa isla, na ang tawag ay hantik-hantik. (Tingnan ang Seksiyon ng Kasaysayan sa ibaba.)
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pinaniniwalaan ng mga mananalaysay na ang mga unang tao na nanirahan sa pulo ng Panay ay mga pangkat ng Negrito o Atis. Ayon sa mga pinasapasang alamat gaya ng "Alamat ng Maragtas", na binanggit na noong 1212, sampung Datung Malay ang tumakas sa pag-uusig mula sa Imperyong Sri-Vishaya sa Borneo at Sumatra. Ang sampung datu, na pinamumunuan ni Datu Puti, ay naglakbay pahilaga kasama ang kanilang mga pamilya at pamayanan, at dumaong sa pulo ng Panay pagkatapos umalis ng Borneo.[3]
Mga Tao at kultura
[baguhin | baguhin ang wikitext]Karay-a ang tawag sa mga katutubo (tomanduk) ng Antique, bagaman kilala ang rin ang mga taga rito bilang Antiqueno. Ang salitang Kinaray-a ay hango sa salitang katutubong raya o iraya na ang ibig sabihin ay bundok. Ang wikang panlalawigan nito ay ginagamit ding wika sa kanlurang kalahati ng Iloilo, bulubunduking bahagi ng Capiz, ilang bayan sa Aklan at Guimaras, Isla ng Ilin sa Occidental Mindoro at maging sa ilang bahagi ng Timog Mindanao kung saan nagpunta at permanenteng nanirahan ang maraming Karay-a. Ayon sa mga kasalukuyang pananaliksik sa aghamtao, nagmula sa rehiyon ng Timog Tsina ang mga ninuno ng mga Karay-a at mga kayumangging taga-Panay.
Ekonomiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pangingisda at pagsasaka ang pangunahing kabuhayan ng Antique. Palay ang pangunahing produktong agrikultural ng lalawigan. Nagmumula ito sa mga malalaking bayang may sapat na patubig at matabang lupa kagaya ng Sibalom, Hamtic, Tibiao, Bugasong at Culasi. Sumusunod dito ang niyog na sagana din sa buong lalawigan. Kung kaya marami din ang ibang produkto kagaya ng tuba o alak ng niyog, suka mula sa niyog at kopra. Kilala naman ang muskubadong asukal na mula sa bayan ng Patnongon.
Samantala, pangingisda naman ang pangunahing kabuhayan sa halos lahat ng bayang humaharap sa saganang Dagat Sulu maliban sa Valderama at San Remigio na pawang landlocked. Pagpapastol at paghahayupan naman ang kabuhayan sa dalawang bayang ito kung saan maraming damuhan sa mga mababato nitong bulubundukin.
Sinusubukan ding palaguin ang lokal na ekonomiya sa pamamagitan ng turismo lalung lao na sa mga bayan ng Tibiao, Pandan, Sibalom, Caluya at Anini-y.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Antique ay isang makitid na lalawigang hugis kabayong-dagat. Sakop nito ang buong babayin ng kanlurang Panay, gayundin ang iilang mga pulo sa pagitan ng Panay at Mindoro na siyang bumubuo sa bayan ng Caluya at iilang mga pulo ng Culasi at Anini-y. Kilala ang Antique bilang 'ang lugar kung saan nagkikita ang bundok at dagat' dahil sa kakaibang heograpiya nito. Ang kanluran ng lalawigan ay ang baybaying humaharap sa Dagat Sulu, habang ang silangan nito ay binubuo ng mga burol, talampas at bulubundukin. Ang mga bulubundukin sa silangan ng lalawigan ang siyang humihiwalay sa Antique sa Aklan, Capiz at Iloilo na naghahati-hati sa Kapatagan ng Panay. Ang pinakamataas na bahagi ng lalawigan ay ang Nangtud sa bayan ng Barbaza na 2049m ang taas. Karamihan sa lupa ng Antique ay mabato at mabuhangin kung kaya hindi ito gaanong sagana.
Politika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Antique nahahati sa 18 mga bayan.
Mga Bayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pisikal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sinasabing ang simula ng lahing Karay-a ay ang Maragtas. Kung saan sa pamumuno ni Datu Puti, naglayag ang sampung datu na galing Bornay (Borneo). Sa sampung datu si Datu Sumakwel ang siyang nanirahan at nagtayo ng pamayanan sa lupaing ngayong sakop ng Antique.
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Official Website of the Provincial Government of Antique Naka-arkibo 2011-01-01 sa Wayback Machine. (sa wikang Ingles)
- Pandan.gov.ph - Official Website of the Municipality of Pandan, Antique, Philippines Naka-arkibo 2013-01-02 sa Wayback Machine. (sa wikang Ingles)
- PANDAN.PH - Pandan Antique Philippines (sa wikang Ingles)
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑
"Province: Antique". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "2021 Full Year Official Poverty Statistics of the Philippines" (PDF). Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 15 Agosto 2022. Nakuha noong 28 Abril 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-04. Nakuha noong 2013-08-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
- Vanzi, Sol Jose. “The Many Facets of Antique.” Philippine Headline News Online. [1] Naka-arkibo 2006-01-08 sa Wayback Machine.
- Website of the Provincial Government of Antique (old) [2]
- The Antique Circle USA. [3]