Pumunta sa nilalaman

Langgam

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Langgam
Temporal na saklaw: 100–0 Ma[kailangan ng sanggunian]
Late Albian – Present
Fire ants
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Arthropoda
Hati: Insecta
Orden: Hymenoptera
Suborden: Apocrita
Superpamilya: Formicoidea
Pamilya: Formicidae
Latreille, 1809
Tipo ng espesye
Formica rufa
Subfamilies
Cladogram of
subfamilies

A phylogeny of the extant ant subfamilies.[1][2]
*Cerapachyinae is paraphyletic
‡ The previous dorylomorph subfamilies were synonymized under Dorylinae by Brady et al. in 2014[3]

Langgam na galing sa Mt. Isarog
Isang kolonya ng mga langgam sa mga dahon.
isang spy na langgam
Mga masisipag na langgam sa dapit hapon

Ang mga langgam o guyam[4] ay mga eusocial na insekto ng pamilyang Formicidae at, kasama ng mga magkakaugnay na putakti at bubuyog, ay nabibilang sa orden na Hymenoptera. Lumilitaw sa fossil record ang mga langgam sa iba't-ibang mga panig ng mundo nang may dibersidad na konsiderable noong pinakahuling Early Cretaceous at noong pinakamaagang Late Cretaceous, na nagpapahiwatig na maaaring may mas maaga pang pinagmulan. Nag-ebolb ang mga langgam mula sa mga ninuno na mga vespoid na putakti noong panahong Cretaceous, at mas lalong nagdiversify pagkatapos ng paglago ng mga halamang namumulaklak. Naiklasipika na ang higit pa sa 13,800 ng tinatayang kabuoan na 22,000 mga espesye. Madali silang matukoy sa kanilang mga geniculate (elbowed) na antena at ang natatanging estruktura na parang node na bumubuo sa kanilang mga baywang na baling-kinitan.

Dulot ng asidong pormiko, na tinuturok o ini-iniksiyon ng langgam kapag nangangagat, ang hapding sanhi ng kagat ng langgam. Sa Latin, formica ang katawagan para sa langgam.[5]

  • Sila ay mga artropodang may anim na paa, dalawang mata at dalawang antena sa ulo.


Mga Pagkakahati ng uri sa loob Kolonya ng Langgam

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga lipunan ng langgam ay mayroong paghahati ng gawain, komunikasyon sa pagitan ng mga indibidwal, at kakayahang lutasin ang mga komplikadong problema. Ang mga pagkakatulad na ito sa lipunang pantao ay matagal nang naging inspirasyon at paksa ng pag-aaral. Maraming kulturang pantao ang gumagamit ng mga langgam sa pagkain, gamot, at mga ritwal. Ang ilang uri ay pinahahalagahan dahil sa kanilang papel bilang likas na tagapuksa ng peste. Gayunpaman, ang kanilang kakayahang samantalahin ang mga yaman ay maaaring magdala ng tunggalian sa tao, dahil maaari nilang sirain ang mga pananim at pasukin ang mga gusali. Ang ilang uri, gaya ng red imported fire ant (Solenopsis invicta) mula sa Timog Amerika, ay itinuturing na mapaminsalang uri sa ibang bahagi ng mundo, kung saan sila ay nakapagpaparami matapos mailipat nang hindi sinasadya. Ang mga kolonya ng langgam ay nakaayos sa iba’t ibang kasta, bawat isa ay may espesyalisadong biyolohikal at panlipunang gampanin. Ang tatlong pangunahing kasta ay ang reyna, drones, at manggagawa.[6]

Reynang langgam

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang reyna ang reproduktibong babae ng kolonya. Ang kanyang pangunahing tungkulin ay mangitlog, at sa maraming uri, maaari siyang mabuhay nang maraming taon o kahit dekada. Ang mga kolonya ay maaaring magkaroon ng isang reyna (monogyny) o higit pa (polygyny). Karaniwan, ang mga reyna ay hindi nanghuhuli ng pagkain o nakikilahok sa pangangalaga ng kolonya kapag ito ay naitatag na.[6][7]

Lambinong Langgam

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga lambinong langgam o drones sa ingles ay ang mga lalaking langgam ng kolonya. Ang kanilang pangunahing tungkulin ay ang reproduksyon, partikular na makipag-asawa sa mga birheng reyna sa panahon ng nuptial flights o pagtatalik habang lumilipad. Pagkatapos ng pakikipagtalik, karaniwang namamatay ang mga drones makalipas ang kaunting panahon. Hindi sila nakikilahok sa mga gawain gaya ng pag-aalaga ng supling, paghahanap ng pagkain, o depensa.[6][8]

Manggagawang Langgam

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga manggagawa ay mga babaeng hindi reproduktibo na gumaganap ng mga gawain na mahalaga para sa kaligtasan ng kolonya. Kabilang sa kanilang mga tungkulin ang paghahanap ng pagkain, pag-aalaga sa mga uod, paggawa ng pugad, at pagtatanggol. Sa maraming uri, ang mga manggagawa ay hinahati pa sa mga morpolohikal na subkasta gaya ng maliit na manggagawa at malalaking manggagawa (o sundalo) na may kanya-kanyang tungkulin.[6][9][10]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Ward PS (2007). "Phylogeny, classification, and species-level taxonomy of ants (Hymenoptera: Formicidae)" (PDF). Zootaxa. 1668: 549–563. doi:10.11646/zootaxa.1668.1.26.
  2. Rabeling C, Brown JM, Verhaagh M (September 2008). "Newly discovered sister lineage sheds light on early ant evolution". Proceedings of the National Academy of Sciences of the United States of America. 105 (39): 14913–7. Bibcode:2008PNAS..10514913R. doi:10.1073/pnas.0806187105. PMC 2567467. PMID 18794530.
  3. Brady SG, Fisher BL, Schultz TR, Ward PS (May 2014). "The rise of army ants and their relatives: diversification of specialized predatory doryline ants". BMC Evolutionary Biology. 14: 93. doi:10.1186/1471-2148-14-93. PMC 4021219. PMID 24886136.
  4. English, Leo James, Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X
  5. Robinson, Victor, pat. (1939). "Ant bite". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 38.
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 Hölldobler, B.; Wilson, E. O. (1990). The Ants. Cambridge, Massachusetts: Belknap Press of Harvard University Press. ISBN 978-0-674-04075-5.
  7. Peeters, C. (1997). "Morphologically 'primitive' ants: Comparative review of social characters, and the importance of queen–worker dimorphism". In Choe, J. C.; Crespi, B. J. (eds.). The Evolution of Social Behavior in Insects and Arachnids. Cambridge: Cambridge University Press. pp. 372–391. ISBN 978-0-521-57615-8.
  8. Bolton, B. (1994). Identification Guide to the Ant Genera of the World. Cambridge, Massachusetts: Harvard University Press. ISBN 978-0-674-44280-1.
  9. Wilson, E. O. (1971). The Insect Societies. Cambridge, Massachusetts: Harvard University Press. ISBN 978-0-674-45490-3.
  10. Anderson, C.; McShea, D. W. (2001). "Individual versus social complexity, with particular reference to ant colonies". Biological Reviews. 76 (2): 211–237. doi:10.1017/S1464793101005656. PMID 11396846.

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]