Pumunta sa nilalaman

The Modern Home Physician

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
The Modern Home Physician
May-akdaVictor Robinson (patnugot)
BansaEstados Unidos
WikaIngles
PaksaMedisina
TagapaglathalaWm. H. Wise & Company
Petsa ng paglathala
1939
Uri ng midyaNakalimbag (may matigas na pabalat)
Mga pahina792 (unang labas)

Ang The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge (o "Ang Makabagong Pangtahanang Manggagamot, Isang Bagong Ensiklopedya ng Kaalamang Pangmedisina" sa pagsasalinwika) ay isang ensiklopedyang pang-medisinang unang nilathala ng Wm. H. Wise & Company sa Bagong York noong 1939. Pinatnugutan ito ni Victor Robinson, Ph.C., M.D., na isang manggagamot at propesor ng Kasaysayan ng Panggagamot sa Paaralan ng Medisina ng Pamantasan ng Temple sa Philadelphia, Pennsylvania at isa ring punong-patnugot ng mga babasahing Historia Medicinae (Kasaysayan ng Panggagamot), Medical Life (Buhay sa Medisina), at Medical Review of Reviews (Pagsusuring Panggagamot ng mga Pagsusuri). Isa itong bihirang sanggunian at edisyong pang-kolektor na may mga ipinasok na kaalaman na nasa anyong pang-ensiklopedya at nakaayos ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga titik sa alpabeto. Idinisensyo ang aklat para sa paggamit sa tahanan. Mayroon itong 792 mga pahinang naglalaman, bukod sa mga teksto, ng 232 mga litrato at halos 700 mga larawang iginuhit ng kamay.[1]

Panlabas na mga kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]


PanggagamotPanitikan Ang lathalaing ito na tungkol sa Panggagamot at Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.