Wikipedia

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Tandang pagkakakilanlan ng Wikipedia

Ang Wikipedia ay isang ensiklopedya na may basehang wiki at may malayang nilalaman. Ito ay tinatawag na malaya sa kadahilanang ito ay malayang magagamit at mapapalitan ng kung sino man. Ang Wikipedia ay nakasulat sa maraming wika at pinamamahalaan ng Wikimedia Foundation.

Ang Wikipedia ay sinimulan bilang isang proyektong nasa wikang Ingles noong Enero 15, 2001 at sumunod na lamang ang mga proyektong Wikipedia sa iba't ibang wika.

Pangunahing karakter[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang proyektong Wikipedia ay mayroong tatlong pangunahing karakter na nagbibigay ng mga katangiang ito sa World Wide Web:

  1. Ito ay ikaw, o may pangunahing layunin na maging isang ensiklopedya.
  2. Ito ay isang wiki na maaaring palitan ng kung sino man maliban sa ilang natatanging pahina.
  3. Ito ay may malayang nilalaman at gumagamit ng tinatawag na copyleft GNU Lisensiya para sa Malayang Dokyumentasyon.

Lahat ng software para sa Wikipedia ay malayang software (MediaWiki, GNU/Linux, MySQL, at Apache).

Patakaran[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang mga kalahok sa Wikipedia ay may sinusunod na pinagtibay na patakaran.

Una, dahil sa iba't ibang ideolohiya ng mga lumalahok sa Wikipedia, gagawin ng nito ang lahat ng makakaya upang manatili na walang pinapanigan ang nilalaman nito. Ang layunin ay para ipakita ang lahat ng pananaw sa mga usapin o isyu ng artikulo.

Ikalawa, maraming pamantayan sa pagngangalan ng mga artikulo; halimbawa, kung maraming ngalan ang maaaring ibigay sa isang artikulo, ang pinakakaraniwang ngalang ginagamit sa wika ang gagamitin.

Ikatlo, gumagamit ng pahinang "talk o magsalita" ang mga lumalahok sa Wikipedia upang mapag-usapan ang pagbabago ng mga artikulo, at upang maiwasan na mismo sa artikulo isulat ang pag-uusap. Kung patungkol sa maraming artikulo ang gustong pag-usapan, mas nararapat itong ilagay sa Meta-Wikipedia o sa mailing list.

Ikaapat, ang mga artikulong hindi nababagay ay hindi dapat gawing artikulo sa nasabing ensiklopedya. Ilang halimbawa’y ang mga pangtalasalitaang kahulugan at mga tekstong patungkol sa batas o mga talumpati.

Ikalima, maraming tuntunin ang iminumungkahi at nagtatamo ng suporta mula sa iba't ibang kalahok ng Wikipedia. Ang pinakasinusuportahang tuntunin ay kung ang isang minungkahing tuntunin ay nakawawala ng loob na lumahok sa Wikipedia, ito'y pabayaan at huwag na lamang pansinin. Kung ang isang minungkahing tuntunin ay nilabag, ito'y pinag-uusapan ng mga kalahok ng Wikipedia kung nararapat ba itong mas striktong ipatupad o hindi.

Mga Halimbawa ng Wikipedia na may kinalaman sa iba’t ibang wika[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga tauhan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang nilalaman ng Wikipedia ay binabago ng libu-libong tao. Ang mga taong lumalahok sa Wikipedia ay tinatawag na mga Wikipedian sa Ingles. Ang mga Wikipedian ay ang mga taong nagpapatuloy sa pagpapalago ng malayang ensiklopedyang ito. Tinatawag na mga Wikipedista (sa halip na Wikipediyano, Wikipediyano, o Wikipediano) ang mga patuloy na bumubuo sa ensiklopedyang Tagalog Wikipedia.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]