Pumunta sa nilalaman

Siluriyano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Silurian)
Siluriyano
443.8 ± 1.5 – 419.2 ± 3.2 milyong taon ang nakakalipas
Mapa ng mundo noong Siluriyano
Kronolohiya
Etimolohiya
PormalFormal
KasingkahuluganGotlandian
Impormasyon sa paggamit
Celestial bodyEarth
Paggamit panrehiyonGlobal (ICS)
Ginamit na iskala ng panahonICS Time Scale
Kahulugan
Yunit kronolohikalPeriod
Yunit stratigrapikoSystem
Unang minungkahiRoderick Murchison, 1835
Pormal na time spanFormal
Kahulugan ng mababang hanggananFAD of the Graptolite Akidograptus ascensus
Lower boundary GSSPDob's Linn, Moffat, UK
55°26′24″N 3°16′12″W / 55.4400°N 3.2700°W / 55.4400; -3.2700
GSSP ratified1984[4][5]
Upper boundary definitionFAD of the Graptolite Monograptus uniformis
Upper boundary GSSPKlonk, Czech Republic
49°51′18″N 13°47′31″E / 49.8550°N 13.7920°E / 49.8550; 13.7920
GSSP ratified1972[6]
Atmospheric at climatic data
Taas ng dagat kesa kasalukuyanAround 180m, with short-term negative excursions[7]


Ang Siluriyano (Ingles: Silurian) ay isang panahong heolohiko na sumasakop mula 443.8 milyong taon ang nakalilipas hanggang 419.2 milyong taon ang nakalilipas. Gaya sa ibang mga panahong heolohiko, ang mga kama ng bato na naglalarawan ng simula at huli ng panahong ito ay mahusay na natukoy ngunit ang mga eksaktong petsa ay hindi matiyak ng ilang mga milyong taon. Ang base ng Silurian ay inilagay sa isang pangunahing pangyayaring ekstinksiyon nang ang 60% ng mga espesyeng pang-dagat ay nalipol. Ang isang malaking pangyayari sa ebolusyon sa panahong Silurian ang paglitaw ng mga may panga at mabutong mga isda. Ang buhay ay nagsimula ring lumitaw sa lupain sa anyo ng maliit, tulad ng lumot na mga halamang baskular na lumago sa tabi ng mga lawa, batis, at mga baybayin. Gayunpaman, ang buhay pang-lupain ay hindi pa labis na sumasailalim sa dibersipikasyon at umaapekto sa lupain hanggang sa panahong Deboniyano.

Mga subdibisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang epoch na Llandovery ay tumagal nang 443.8 milyong taon ang nakalilipas hanggang 433.4 milyong taon ang nakalilipas at hinahati sa tatlong mga yugto: ang Rhuddanian,[8] na tumagal hanggang 440.8 milyong taon ang nakalilipas, the Aeronian na tumagal hanggang 438.5 milyong taon ang nakalilipas, at ang Telychian. Ang epoch na ito ay pinangalan sa bayan ng Llandovery sa Carmarthenshire, Wales.

Ang Wenlock na tumagal mula 433.4 milyong taon ang nakalilipas hanggang 427.4 milyong taon ang nakalilipas mya, ay nahahati sa mga panahong Sheinwoodian (to 430.5 milyong taon ang nakalilipas) at Homerian. Ito ay ipinangalan sa Gilid na Wenlock sa Shropshire, England. Sa panahong Wenlock, ang pinakamatandang alam na mga tracheophyte ng henus na Cooksonia ay lumitaw. Ang pagiging komplikado ng medyo mas batang mga halamang Gondwana tulad ng Baragwanathia ay nagpapakita ng isang mas mahabang kasaysayan para sa mga halamang baskular at marahil ay lumalawig hanggang sa simula ng Silurian o kahit sa Ordovician.

Ang Ludlow na tumagal mula 427.4 milyong taon ang nakalilipas hanggang 423 milyong taon ang nakalilipas mya ay binbuo ng yugtong Gorstian na tumagal hanggang 425.6 milyong taon ang nakalilipas, at ang yugtong Ludfordian. Ito ay ipinangalan sa bayan ng Ludlow sa Shropshire, England.

Ang Pridoli na tumagal mula 423 milyong taon ang nakalilipas hanggang 419.2 milyong taon ang nakalilipas ang huli at pinakamaikling epoch ng Silurian. Ito ay ipinangalan sa reserbang natural na Homolka a Přídolí malapit sa Prague suburb Slivenec saCzech Republic.[9]

Mga yugtong pang-rehiyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Hilagang Amerika, ang isang ibang suite ng mga yugtong pang-rehiyon ay minsang ginagamit:

Ang hangganang Ordovician-Silurian na nalantad sa Hovedøya, Norway na nagpapakita ng labis na namarkhang pagkakaiba sa pagitan ng maputlang gray na Ordovicianng kalkareyosong batong buhangin at kayumangging Silurianng batong putik. Ang mga patong ay itinaob ng oreheniyang Kaledoniyano.

Sa superkontinenteng Gondwana na tumatakip sa ekwador at karamihan ng katimugang hemispero, ang isang malaking karagatan ay sumakop ng halos hilagaang kalahati ng globo.[10] Ang mga matataas na lebel ng dagat ng Silurian at ang relatibong patag na lupain(na may ilang mga mahahalagang sinturon ng bundok) ay nagresulta sa isang bilang mga kadenang isla at kaya ay isang mayamang dibersidad ng mga kalagayang pang kapaligiran.[10] Sa panahong Silurian, ang Gondwana ay nagpatuloy ng isang mabagal na paglipat papatimog sa mataas na katimugang mga latitudo ngunit may ebidensiya na ang mga kap ng yelong Silurian ay ay kaunting ekstensibo kesa sa glasiasyon ng Huling Ordovician. Ang katimugang mga kontinente ay nananatiling nagkakaisa sa panahong ito. Ang pagkatunaw ng mga kap ng yelo at mga glasyer ay nag-ambag sa isang pagtaas ng lebel ng dagat na makikilala mula sa katotohanang ang mga sedimentong Silurian ay nasa ibabaw ng gumuhong mga sedimentong Ordovician na bumuo ng hindi konpormidad. Ang mga kontinenteng Avalonia, Baltica, at Laurentia ay lumipat ng magkakasama malapit sa ekwador na nagpasimula ng pagkakabuo ng isang ikalawang superkontinenteng Euramerika.

Fossiladong mababaw na sahig ng dagat ng Huling Silurian, naka tanghal sa Bristol City Museum, Bristol, England. Mula sa epoch na Wenlock sa Wenlock limestone, Dudley, West Midlands, England.

Nang ang proto-Europa ay bumangga sa Hilagang Amerika, ang pagbabanggan ay tumiklop ng mga sedimentong pang baybayin na natitipon simula Cambrian sa baybaying silangan ng Hilagang AMerika at baybaying kanluran ng Euripa. Ang pangyayaring ito ang oroheniyang Kaledoniyano na isang biglaang ng pagtatayo ng bundok na sumasaklaw mula New York hanggang sa pinagdikit na Europa at Greenland hanggang Norway. Sa huli nang Silurian, ang mga lebel ng dagat ay muling bumagsak na nag-iiwan ng mga tanda ng mga ebaporita sa isang basin na sumasaklaw mula Michigan hanggang Kanlurang Virginia at ang mga bagong saklaw ng bundok ay mabilis na gumuho. Ang Ilog Teays na dumadaloy sa mababaw ng dagat gitnang kontinental ay nagpaguho ng stratang Ordovician na nag-iiwan ng mga bakas ng stratang Silurian ng hilagaang Ohio at Indiana. Ang malawak na karagatang Panthalassa ay tumakip sa halos hilagaang hemispero. Ang ibang mga maliliit na karagatan ay kinabibilangan ng dalawang mga yugto ng Tethys— ang Proto-Tethys at Paleo-Tethys— ang Karagatang Rheic na isang daanang dagat ng Karagatang Iapetus(na ngayon sa pagitan ng Avalonia at Laurentia), at ang bagong nabuong Karagatang Ural.

Klima at lebel ng dagat

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang panahong Silurianng ay nakaranas ng relatibong matatag at mga maiinit na temperatura na salungat sa sukdulang mga pagyeyelo ng Ordovicianng nauna rito at ang sukdulang init ng sumunod na Deboniyano.[10] Ang mga lebel ng dagat ay tumaas mula sa mababang Hirnansiyano sa buong unang kalahati ng Silurian. Ang mga ito ay kalaunang bumagsak sa buong natitira ng Silurian bagaman ang mga mas maliit na mga paternong iskala ay umibabaw sa pangkalahatang kagawian. Ang labin limang mga mataas na tayo ay maaaring matukoy ang pinakamataas na lebel ng dagat sa Silurian ay malamang mga 140 m na mas mataas kesa sa pinakamababang lebel na naabot.[10] Sa panahong ito, ang mundo ay pumasok sa isang mahabang mainit na yugtong greenhouse at ang mainit na mababaw na mga dagat ay tumakipsa halos na mga masa ng lupain na pang-ekwador. Sa simula ng Silurian, ang mga glasyer ay umurong papabalik sa Timog Polo hanggang ang mga ito ay halos naglaho sa gitna ng Silurian. Ang panahong ito ay nakasaksi ng isang relatibong pagtatag ng pangkalahatang klima ng mundo na nagwakas sa nakaraang paterno ng paiba ibang mga klima. ANg mga patong ng mga nasirang shell(na tinatawag na coquina) ay nagbigay ng malakas na ebidensiya ng isang klimang pinanaigan ng isang marahas na mga bagyong na nilikha sa panahong ito. Kalaunan sa Silurian, ang klima at katamtamang lumamig ngunit sa hangganang Silurian Deboniyano, ang klima ay naging mas mainit.

Mga perturbasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang klima at siklong karbon ay lumilitaw na medyo hindi bumababa sa panahong Silurian na may mas mataas na konsentrasyon ng mga ekskursiyong istopiko kesa sa anumang mga panahon.[10] Ang pangyayaring Ireviken, pangyayaring Mulde at pangyayaring Lau ay bawat kumakatawan ng mga ekskursiyong isotopiko kasunod ng isang maliit na ekstinksiyong pang masa[11] at ang nauugnay na mabilis na pagbabago ng lebel ng dagat sa karagdagan pa sa mas malaking ekstinksiyong Lau sa huli ng Silurian.[10] Ang bawat isa ay nag-iiwan ng parehong lagda sa rekord na heolohikal na parehong heokemiko at biolohiko. Ang mga pelahiko(malayang lumalangyo) na mga organismo ay partikular na matinding tinaas gayundin ang mga brachiopod, mga koral at mga trilobita at ang mga ekstinksiyon ay bihirang nangyayari sa isang mabilis na sunod sunod na mabilis na pagputok.[10]

Flora at fauna

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Cooksonia, ang pinakaunang halamang baskular , gitnang Silurian

Ang Silurian ang unang panahon na nakakita ng mga makrofossil ng malawak na panlupaing biota sa anyo ng mga kagubatang moss sa kahabaan ng mga ilog at batis. Gayunpaman, ang faunang pang-lupain ay walang malaking pagapekto sa mundo hanggang ito ay nagdibersipika sa Deboniyano.[10] Ang unang mga rekord ng fossil ng mga halamang baskular na mga halamang pang lupain na may mga tisyung nagdadala ng pagkain ay lumitaw sa ikalawang kalahati ng panahong Silurian. Ang pinaka unang alam na mga representatibo ng pangkat na ito ang Cooksonia (na ang karamihan ay mula sa hilagaang hemispero) at Baragwanathia (mula Australia). Ang isang primitibong halamang pang lupain sa Silurian na may xylem at phloem ngunit walang diperensiyasyon sa ugat, tangkay at dahon, ang labis na sumangang Psilophyton na lumilikha ng mga spore at humihinga sa pamamagitan ng stomata sa bawat surpasiyo na malamang ay sa pamamagitan photosynthesis sa bawat tisyung nalantad sa liwanag. Ang Rhyniophyta at ang primitibong mga lycopod ang ibang mga halamang panglupain na unang lumitaw sa panahong ito. Ang mga moss o ang mga sinaunang halamang pang lupain ay walang mga malalalim na ugat. Ang mga batong Silurian ay kadalasang may tintang kayumanggi na posibleng resulta ng ekstensibong erosyon sa mga sinaunang lupa. Ang unang mabutong isa na Osteichthyes ay lumitaw na kinakatawan ng mga Acanthodian na nababalutan ng mga mabutong mga kaliskis. Ang isda ay umabot sa malaking dibersidad at nagpaunlad ng magagalaw na mga pangat na inangkop mula sa mga suporta ng harapang dalawang o tatlong mga hasang. Ang isang dibersong fauna ng mga Eurypterid(mga alakdang dagat) na ang ilan sa mga ito ay ilang mga metro ang haba ay gumala gala sa mga mababaw na dagat ng Silurian ng Hilagang Amerika. Ang marami sa mga fossil nito ay natagpuan sa New York. Ang mga linta ay lumitaw rin sa panahong Silurian. Ang mga Brachiopod, bryozoa, mollusca, mga hederelloid at mga trilobita ay masagana at diberso. Ang kasaganaan ng reef ay hindi pantay. Minsan ang mga ito ay nasa lahat ng lugar ngunit sa ibang mga punto ang mga ito halos hindi umiiral sa fossil rekord.[10] Ang ilang ebidensiya ay nagmumungkahi ng presensiya ng mga maninilang trigonotarbid arachnoid at myriapod sa mga tae sa Huling Silurian. Ang mga maninilang inbertebrata ay nagpapakita na ang mga simpleng sapot ng pagkain ay nasa lugar na kinabibilangan ng mga hindi maninilang mga hayop na sinisila. Ang paghihinuha pabalik sa biota ng Simulang Deboniyano, sina Andrew Jeram et al. noong 1990[12] ay nagmungkahi ang isang sapot ng pagkain batay sa hindi pa natutuklasan mga s detritivore at mga manginginain sa mga mikro organismo.[13]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Jeppsson, L.; Calner, M. (2007). "The Silurian Mulde Event and a scenario for secundo—secundo events". Earth and Environmental Science Transactions of the Royal Society of Edinburgh. 93 (02): 135–154. doi:10.1017/S0263593300000377.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Munnecke, A.; Samtleben, C.; Bickert, T. (2003). "The Ireviken Event in the lower Silurian of Gotland, Sweden-relation to similar Palaeozoic and Proterozoic events". Palaeogeography, Palaeoclimatology, Palaeoecology. 195 (1): 99–124. doi:10.1016/S0031-0182(03)00304-3.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Chart/Time Scale". www.stratigraphy.org. International Commission on Stratigraphy.
  4. Lucas, Sepncer (6 Nobyembre 2018). "The GSSP Method of Chronostratigraphy: A Critical Review". Frontiers in Earth Science. 6: 191. Bibcode:2018FrEaS...6..191L. doi:10.3389/feart.2018.00191.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Holland, C. (Hunyo 1985). "Series and Stages of the Silurian System" (PDF). Episodes. 8 (2): 101–103. doi:10.18814/epiiugs/1985/v8i2/005. Nakuha noong 11 Disyembre 2020.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Chlupáč, Ivo; Hladil, Jindrich (Enero 2000). "The global stratotype section and point of the Silurian-Devonian boundary". CFS Courier Forschungsinstitut Senckenberg. Nakuha noong 7 Disyembre 2020.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Haq, B. U.; Schutter, SR (2008). "A Chronology of Paleozoic Sea-Level Changes". Science. 322 (5898): 64–68. Bibcode:2008Sci...322...64H. doi:10.1126/science.1161648. PMID 18832639. S2CID 206514545.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Named for the Cefn-Rhuddan Farm in the Llandovery area; confusingly, Rhuddlan lies on Silurian strata as well.
  9. Štěpán Manda, Jiří Frýda: Silurian-Devonian boundary events and their influence on cephalopod evolution: evolutionary significance of cephalopod egg size during mass extinctions. In: Bulletin of Geoscience. Vol. 85 (2010) Heft 3, S. 513-540
  10. 10.0 10.1 10.2 10.3 10.4 10.5 10.6 10.7 10.8 Munnecke, Axel; Calner, Mikael; Harper, David A.T.; Servais, Thomas (2010). "Ordovician and Silurian sea–water chemistry, sea level, and climate: A synopsis". Palaeogeography, Palaeoclimatology, Palaeoecology. 296 (3–4): 389–413. doi:10.1016/j.palaeo.2010.08.001. ISSN 0031-0182.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Samtleben, Christian; Munnecke, Axel; Bickert, Torsten (2000). "Development of facies and C/O-isotopes in transects through the Ludlow of Gotland: Evidence for global and local influences on a shallow-marine environment". Facies. 43 (1): 1–38. doi:10.1007/BF02536983. ISSN 0172-9179.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Andrew J. Jeram, Paul A. Selden and Dianne Edwards, "Land Animals in the Silurian: Arachnids and Myriapods from Shropshire, England", Science 2 November 1990:658-61.
  13. Anna K. Behrensmeyer, John D. Damuth, et al. Terrestrial Ecosystems Through Time "Paleozoic Terrestrial Ecosystems" (University of Chicago Press), 1992:209.