Abra
Lalawigan ng Abra Probinsiya ti Abra Abra | |||
---|---|---|---|
Province of Abra | |||
| |||
![]() Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Abra | |||
Mga koordinado: 17°35′N 120°45′E / 17.58°N 120.75°EMga koordinado: 17°35′N 120°45′E / 17.58°N 120.75°E | |||
Bansa | ![]() | ||
Rehiyon | Cordillera Administrative Region (CAR) | ||
Naitatag | 10 Marso 1917 | ||
Kabisera | Bangued | ||
Pamahalaan | |||
• Uri | Lalawigan | ||
• Gobernador | Eustaquio Bersamin (LP) | ||
• Bise-Gobernador | Chari Bersamin (LP) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 4,198.2 km2 (1,620.9 milya kuwadrado) | ||
Ranggo sa lawak | Ika-32 sa 90 | ||
Populasyon (2011) | |||
• Kabuuan | 240,141[1] | ||
• Ranggo | Ika-67 sa 80 | ||
• Ranggo sa densidad | Ika-77 sa 80 | ||
Pagkakahating Administratibo | |||
• Malayang Lungsod | 0 | ||
• Component cities | 0 | ||
• Bayan | 27 | ||
• Mga Barangay | 304 | ||
• Mga Distrito | Nag-iisang Distrito ng Abra | ||
Sona ng oras | UTC+8 (PHT) | ||
Wika | Ilocano, Tinguian, Isneg, Tagalog, Ingles |
Ang Abra (Ilokano:Probinsiya ti Abra) ay isang lalawigan ng Pilipinas na matagpuan sa Cordillera Administrative Region sa Luzon. Ang kabisera nito ay Bangued, at naghahanggan sa mga lalawigan ng Ilocos Norte at Apayao sa hilaga, sa Ilocos Sur at Mountain Province sa timog, sa Ilocos Norte at Ilocos Sur sa kanluran, at sa Kalinga at Apayao sa silangan.
Demograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]
Dating tinatawag na El Abra de Vigan ang lalawigan ng Abra. Karamihan sa mga mamamayan ng Abra ay mula sa inanak ng mga Ilokano na dumayo sa lalawigan at sa mga kasapi ng tribong Tingguian. Noong 2011, nasa 240,141 ang populasyon ng lalawigan.
Katutubong sinasalita ang wikang Ilokano[2] at wikang Itneg.[3] Batay sa senso noong 2000, karamihan sa populasyon ng lalawigan ay mga Ilokano na may 71.9%. Ang iba pang pangkat etnikong naninirahan sa lalawigan ay ang mga Tinguian 18.7%, Ibanag 4.5%, Isneg 3.2% at mga Tagalog 0.4%.[4]
Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang mga unang nanirahan sa Abra ay mga ninuno ng mga lahing Bontoc at Ifugao. Lumaon ay umalis din sila upang manirahan sa sinaunang lalawigang Bulubundukin ok Mountain Province. Ang iba pang mga naunang mga mananahan sa lalawigan ay ang mga Tingguian, o mga Itneg
Noong 1598, isang kampamyentong Kastila ang itinatag sa Bangued upang ipagtanggol ang mga Ilokanong Kristiyano mula sa mga paglusob ng mga Tingguian. Dati itong tinawag na El Abra de Vigan o ang Bukana ng Vigan. Noong pananakop ng mga Ingles sa Pilipinas, nagtungo si Gabriela Silang sa Abra kasama ang mga kawal nito galing Ilokos at itinuloy ang pag-aaklas na sinimulan ng napaslang niyang asawang si Diego Silang. Nahuli siya at binitay ng mga Kastila noong 1763.
Heograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]
Pampolitika[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang Abra ay nahahati sa 27 mga bayan.
Bayan | Bilang ng mga Barangay |
Sukat | Populasyon (2010) |
(per km²) |
---|---|---|---|---|
Bangued | 31 | 105.70 | 51,865 | 415.7 |
Boliney | 8 | 216.92 | 4,063 | 18.7 |
Bucay | 21 | 107.17 | 17,127 | 167.7 |
Bucloc | 4 | 63.77 | 2,176 | 34.1 |
Daguioman | 4 | 114.37 | 1,715 | 15.0 |
Danglas | 7 | 156.02 | 4,734 | 30.3 |
Dolores | 15 | 47.45 | 11,499 | 242.3 |
La Paz | 12 | 51.41 | 14,882 | 289.5 |
Lacub | 6 | 295.30 | 2,977 | 10.1 |
Lagangilang | 17 | 101.44 | 13,824 | 136.3 |
Lagayan | 6 | 215.97 | 4,477 | 20.7 |
Langiden | 6 | 116.29 | 3,170 | 27.3 |
Licuan-Baay (Licuan) | 11 | 256.42 | 4,864 | 19.0 |
Luba | 8 | 148.27 | 6,391 | 43.1 |
Malibcong | 12 | 283.17 | 3,807 | 13.4 |
Manabo | 11 | 110.95 | 10,756 | 96.9 |
Peñarrubia | 9 | 38.29 | 6,544 | 170.9 |
Pidigan | 15 | 49.15 | 11,528 | 234.5 |
Pilar | 19 | 66.10 | 9,908 | 149.9 |
Sallapadan | 9 | 128.62 | 5,985 | 46.5 |
San Isidro | 9 | 48.07 | 4,888 | 101.7 |
San Juan | 19 | 64.08 | 10,546 | 164.6 |
San Quintin | 6 | 66.59 | 5,233 | 78.6 |
Tayum | 11 | 61.14 | 13,940 | 228.0 |
Tineg | 10 | 744.80 | 4,668 | 6.3 |
Tubo | 10 | 409.87 | 5,719 | 14.0 |
Villaviciosa | 8 | 102.93 | 5,377 | 52.2 |
Tignan din[baguhin | baguhin ang batayan]
Mga Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]
- ↑ Local Governance Performance Management System
- ↑ Dalby, Andrew (2004-02-18). Dictionary of Languages: The Definitive Reference to More Than 400 Languages. Columbia University Press. pa. 264. ISBN 978-0-231-11569-8.
- ↑ Tryon, Darrell T. (1994). Comparative Austronesian Dictionary: An Introduction to Austronesian Studies. Ratzlow-Druck. pa. 171. ISBN 3-11-012729-6.
- ↑ http://www.census.gov.ph/data/pressrelease/2002/pr0234tx.html
Kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.