Davao de Oro

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Davao de Oro
Lalawigan ng Davao de Oro
Davao de Oro Provincial Capitol Building.jpg
Watawat ng Davao de Oro
Watawat
Opisyal na sagisag ng Davao de Oro
Sagisag
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Davao de Oro
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Davao de Oro
Mga koordinado: 7°36'N, 125°57'E
Bansa Pilipinas
RehiyonRehiyon ng Davao
KabiseraNabunturan
Pagkakatatag8 Marso 1998
Pamahalaan
 • UriSangguniang Panlalawigan
 • GobernadorJayvee Tyron L. Uy
 • Manghalalal462,942 na botante (2019)
Lawak
[1]
 • Kabuuan4,479.77 km2 (1,729.65 milya kuwadrado)
Populasyon
 (senso ng 2020)
 • Kabuuan767,547
 • Kapal170/km2 (440/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
167,532
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng lalawigan
 • Antas ng kahirapan25.16% (2018)[2]
Pagkakahating administratibo
 • Mataas na urbanisadong lungsod0
 • Lungsod0
 • Bayan11
 • Barangay235
 • Mga distrito2
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigo postal
8800–8810
PSGC
118200000
Kodigong pantawag87
Kodigo ng ISO 3166PH-COM
Klimatropikal na kagubatang klima
Mga wikaAta Manobo
Wikang Mansaka
Agusan Manobo
Dibabawon Manobo
Kalagan
Websaythttp://www.davaodeoro.gov.ph/

Ang Davao de Oro o sa dating Compostela Valley ay ikatlong pinakabagong lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan sa Rehiyon ng Davao sa Mindanao. Nabunturan ang kapital nito at napapaligiran ng Davao del Norte sa kanluran, Agusan del Sur sa hilaga, at Davao Oriental sa silangan. Sa timog-kanluran naroon ang Golpo ng Davao. Dating kasapi ang lalawigan ng Davao del Norte hanggang naging malayang lalawigan noong 1998.

Dating kilala ang lalawigan bilang Compostela Valley (literal na "Lambak ng Compostela, "ComVal" kapag pinaikli, Sebwano: Kawalogang Kompostela). Binago ang pangalan sa bisa ng Batas Republika Blg. 11297 na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 17 Abril 2019 at isinapubliko noong 22 Mayo sa parehong taon. Ipinagtibay ito sa isang plebisito noong 7 Disyembre sa parehong taon, kung saang sa 179,958 katao na bumoto, 174,442 ang sumang-ayon habang 5,020 ang tumutol.[3][4]

Heograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

May kabuuang 4,479.77 square kilometre (1,729.65 mi kuw)[5] ang lalawigan ng Davao de Oro na sumasakop sa hilagang silangang bahagi ng Rehiyon ng Davao. Naghahanggan ang lalawigan sa Davao del Norte sa kanluran, Agusan del Sur sa hilaga, at Davao Oriental sa silangan. Matatagpuan ang Golpo ng Dabaw sa timog kanluran ng lalawigan.

Pampolitika[baguhin | baguhin ang batayan]

Mapang politikal ng Davao de Oro

Nahahati ang lalawigan ng Davao de Oro sa 2 distrito na binubuo ng 11 bayan

Mga Bayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Pagpalit ng Pangalan[baguhin | baguhin ang batayan]

Naipasa sa senado ang isang panukalang batas noong 2019 na opisyal na nagpapalit sa pangalan ng lalawigan mula sa "Compostella Valley" patungong "Davao de Oro". Nakita ng mga opisyales ng pamahalaang panlalawigan na pinangungunahan ni Gobernador Jayvee Tyron Uy ang pagkakataon na ito upang linawin ang mga kalituhan sa pangalan ng lalawigan, na minsan ay naiuugnay sa Lambak ng Cagayan at sa bayan ng Compostela sa Cebu, at naiuugnay din sa mga karatig lalawigan sa Rehiyon ng Davao. Nakita nila ang pagpapalit ng pangalan bilang pagkakataon upang maipakilala nang higit ang lalawigan sa mga mamumuhunan sa hinaharap. [6] Ginanap ang plebisito noong ika-7 ng Disyembre 2019, na ang nakararami ay bumoto ng sang-ayon sa pagpapalit ng pangalan.


Demograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Bilang ng populasyon ng Davao de Oro
TaonPop.±% p.a.
1918 13,060—    
1939 21,048+2.30%
1948 26,883+2.76%
1960 102,830+11.83%
1970 184,831+6.03%
1975 235,293+4.96%
1980 319,490+6.31%
1990 466,286+3.85%
1995 520,110+2.07%
2000 580,244+2.37%
2007 637,366+1.30%
2010 687,195+2.78%
2015 736,107+1.32%
2020 767,547+0.83%
Source: Philippine Statistics Authority[7][8][8]

Ang populasyon ng Davao de Oro sa senso ng 2020 ay 767,547 katao, na may densidad na 170 inhabitants per square kilometre or 440 inhabitants per square mile.

Karamihan ng mga naninirahan sa lalawigan ay mula sa mga lalawigan ng Cebu, Samar, Bohol at iba pang lalawigan sa Kabisayaan. Kinabibilangan ng mga Kalagan, Mansaka, Mandaya, Dibabawon, Mangguangan at mga pangkat Manobo gaya ng mga Atta, Talaingod, Langilan, at Matigsalug Manobo ang mga pangkat katutubong bumubuo sa minoriya.

Mga wika[baguhin | baguhin ang batayan]

Wikang Cebuano ang pangunahing wikang sinasalita sa lalawigan. Sinusudan ito ng mga wika ng Kalagan, Wikang Mansaka|Mansaka]], Mandaya, Dibabawnon, at Ingles.

Relihiyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Pangunahing relihiyon sa lalawigan ang Katolisismo na bumubuo sa 74% ng kabuuang populasyon. [9] Ang iba pang mga mahahalagang paniniwala ay kinabibilangan ng Protestante, Iglesia ni Cristo, Islam at Animismo. [10][11]



Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Province: Compostela Valley". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
  2. https://psa.gov.ph/sites/default/files/Table%202.%20%20Updated%20Annual%20Per%20Capita%20Poverty%20Threshold%2C%20Poverty%20Incidence%20and%20Magnitude%20of%20Poor%20Population%20with%20Measures%20of%20Precision%2C%20by%20Region%20and%20Province_2015%20and%202018.xlsx; petsa ng paglalathala: 4 Hunyo 2020; tagapaglathala: Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas.
  3. "Comelec: ComVal now Davao de Oro". Manila Standard. 9 Disyembre 2019. Nakuha noong 12 Disyembre 2019.
  4. Fenequito Jr., Armando (9 Disyembre 2019). "Compostela Valley is now Davao de Oro". Manila Bulletin. Nakuha noong 12 Disyembre 2019.
  5. "Province: Davao de Oro". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 8 Enero 2016.
  6. "Proposal to change name of ComVal to Davao de Oro nears Senate approval". Manila Bulletin News.
  7. Census of Population (2015). "Region XI (Davao Region)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
  8. 8.0 8.1 Census of Population and Housing (2010). "Region XI (Davao Region)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
  9. Bueza, Michael. "MAP: Catholicism in the Philippines". Rappler.
  10. "Philippine Church National Summary". philchal.org. Tinago mula sa orihinal noong 2019-10-26. Nakuha noong 2021-09-22.
  11. Bueza, Michael. "MAP: Iglesia ni Cristo in the Philippines". Rappler.



Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.