Caloocan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Caloocan
City of Caloocan
Bonifacio Monument - close-up (EDSA-Monumento, Caloocan; 2014-11-30).jpg
0317jfCaloocan City Rizal Avenue La Loma Cemetery Landmarksfvf 79.JPG
9328Complex Caloocan City Hall Landmarks 27.jpg
0404jfCaloocan City Philippine Thai To Taoist Templefvf 13.jpg
CaloocanCathedraljf0686 09.JPG
Cccaloocanjf.JPG
Paikot sa kanan mula itaas: Bantayog ni Bonifacio; kasalukuyang Gusaling Panlungsod ng Caloocan; Katedral ni San Roque; Tanawin ng Caloocan mula sa lumang Gusaling Panlungsod ng Caloocan; Templong Taoismo ng Thai To sa Pilipinas; Sementeryong La Loma
Watawat ng Caloocan
Watawat
Opisyal na sagisag ng Caloocan
Sagisag
Palayaw: 
Makasaysayang Lungsod ng Caloocan

"Sinilangan ng Katipunan"

"Motorsiklong Kabisera ng Pambansang Punong Rehiyon"
Bansag: 
Tao ang Una
Awit: "Mabuhay ang Caloocan"
Map of Kalakhang Maynila with Caloocan highlighted
Map of Kalakhang Maynila with Caloocan highlighted
Caloocan is located in Philippines
Caloocan
Caloocan
Kinaroroonan sa Pilipinas
Mga koordinado: 14°39′N 120°58′E / 14.65°N 120.97°E / 14.65; 120.97Mga koordinado: 14°39′N 120°58′E / 14.65°N 120.97°E / 14.65; 120.97
Bansa Philippines
RehiyonKalakhang MaynilaPadron:PH wikidata/region default
Lalawiganwala (Dating bahagi ng lalawigan ng Rizal hanggang 1975)
DistritoUna at Ikalawang mga Distrito
Itinatag1815
PagkalungsodPebrero 16, 1962
Naging Mataas na Urbansiadong LungsodDisyembre 22, 1979
Mga barangay)188 (tingnan ang Mga barangay)
Pamahalaan
[1]
 • AlkaldeOscar G. Malapitan (NP)
 • Vice MayorLuis Macario E. Asistio (NPC)
 • Kinatawan, Unang DistritoDale Gonzalo R. Malapitan (PDP–Laban)
 • Kinatawan, Ikalawang DistritoEdgar R. Erice (LP)
 • Manghahalal719,447 mga botante (2019)
Lawak
[2]
 • Kabuuan55.80 km2 (21.54 milya kuwadrado)
Taas
P2,044 m (Formatting error: invalid input when rounding ft)
Populasyon
 (2015 senso)
 • Kabuuan1,583,978
 • Kapal28,000/km2 (74,000/milya kuwadrado)
Ekonomiya
 • Klase ng kitaika-1 klase ng kita ng lungsod
 • Kalaganapan ng kahirapan4.44% (2015)[3]
 • Kita (₱)4,384.4 million  (2016)
 • Mga asset (₱)May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator million 
 • Pananagutan/pagkakautang (₱)May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator million 
 • Mga paggasta (₱)May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator million 
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigong postal
1400–1413, 1420–1428
PSGC
IDD:area code+63 (0)02
Uri ng klimaTropical monsoon climate
Mga katutubong wikaWikang Tagalog
Websaytcaloocancity.gov.ph

Ang Caloocan (pagbigkas: ka•lo•ó•kan), o ang Makasaysayang Lungsod ng Caloocan, ay isa sa mga lungsod na bumubo sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Kanugnog ito ng Maynila sa hilaga. Ito ang ikatlong pinakamalaking lungsod sa bansa na may populasyong umaabot sa 1,489,040, ayon sa senso ng 2010.[4]

Nahahati sa dalawang bahagi ang Caloocan mula nang ilipat mga barrio nito sa noo'y itinatatag na Lungsod Quezon.[5] Matatagpuan ang Katimogang Caloocan sa hilaga ng Maynila at napapaligiran ng lungsod ng Malabon at lungsod ng Valenzuela sa hilaga, lungsod ng Navotas sa kanluran, at Lungsod Quezon sa silangan. Pinakahilagang teritoryo ng Kalakhang Maynila ang Hilagang Caloocan na nasa silangan ng Valenzuela, hilaga ng Lungsod Quezon, at timog ng lungsod ng San Jose del Monte sa lalawigan ng Bulacan.

Pangalan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Caloocan bilang isang pangalang pampook ay mula sa salitang ugat na "lo-ok;" "kalook-lookan" (o "kaloob-looban") na nagngangahulugang "pinakaloob na lugar." Kolomyal na binabaybay ang pangalan ng lungsod bilang Kalookan.

May magkakaibang kagustuhan ukol sa nais na baybay ng pangalan ng lungsod. Ang kaibhan at ang tilang kalituhan sa pagbaybay ay nagsimula noong unang bahagi ng dekada-1970, nang ipinasa ng lupong munisipal ang isang resolusyon na nag-uutos sa mga kagawarang panlungsod na gumamit ng pangalang "Kalookan." Ngunit naantala ang pagpapatupad ng resolusyon nang isinailalim ang bansa sa batas militar noong Setyembre 1972. Pagkaraang ibinalik ang mga sangguniang panlungsod at pambayan, inihain ni noo'y Konsehal na si Aurora Asistio-Henson ang Resolusyon Blg. 006 na nagbabago sa naunang resolusyon at itinataguyod ang nasyonalismong Filipino sa pamamagitan ng pag-uutos sa lahat ng mga residente at mga tanggapan at establisimiyento ng lungsod - "pampubliko man o pampribado" - na ibaybay ang pangalan ng lungsod bilang "Kalookan." Ayon kay Henson, ang "naka-Filipinong baybay" ay nagbibigay ng diwa at kahulugan sa kasaysayan ng lungsod. Dagdag niya, dapat itong gamitin "sa gusaling panlungsod, sa mga gusaling pambarangay, mga palengke, at ibang mga lugar para sa kabatiran at paggabay sa lahat na sangkot." Gayunpaman, mariing kinondena ito ng mga residente, may-ari ng mga negosyo, at opisyal. Tinuring na iligal ni Virgilio Robles, dating mambabatas at alkalde ng lungsod, ang hakbang dahil wala itong pagsang-ayon ng Kongreso. Dagdag niya na binaybay ang pangalan ng lungsod bilang "Caloocan" tulad ng ipinakikita ng karta ng lungsod (city charter). Ang pagkalahatang kagustuhan sa pagbaybay ng pangalan sa mismong lungsod ay "Caloocan" at hindi "Kalookan," sa kabila ng umiiral na ordinansang panlungsod, bagamat humantong ang kalituhan sa iba't-ibang mga pagbaybay ng pangalan sa maraming mga negosyo sa lungsod. Nakabaybay na "Caloocan" ang pangalan ng lungsod sa opisyal na sagisag, at pabor ang gayong pagbaybay sa maraming mga barangays at mga paaralang pampubliko at pampribado sa lungsod. Ang "Kalookan" ay nais na baybay ng Directories of the Philippines Corporation (DPC) na nakahimpil sa Makati, habang pabor naman sa baybay na "Caloocan" ang maraming mga pahayagang pambansa at magasin, pati mga gumagawa ng mapa tulad ng HYDN Publishing na nakahimpil sa Mandaluyong.[6][7]

Mga barangay[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Caloocan ay nahahati sa 188 mga barangay:

Demograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Tala ng populasyon ng
Caloocan
TaonPop.±% p.a.
1903 7,847—    
1918 19,551+6.27%
1939 38,320+3.26%
1948 58,208+4.75%
1960 145,523+7.93%
1970 274,453+6.54%
1975 397,201+7.70%
1980 467,816+3.33%
1990 763,415+5.02%
1995 1,023,159+5.64%
2000 1,177,604+3.06%
2007 1,378,856+2.20%
2010 1,489,040+2.84%
2015 1,583,978+1.18%
Source: Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas[24][25][26][27]

Pamahalaan[baguhin | baguhin ang batayan]

Alkalde[baguhin | baguhin ang batayan]


Alkalde Panunungkulan

Pedro Sevilla 1902–1905
Silverio Baltazar 1904–1906
Tomas Susano 1906–1908
Leon Nadurata 1908–1910
Emilio Sanchez 1910–1913
Godofredo Herrera 1913–1915
Jose Sanchez 1915–1921
Dominador Aquino 1922–1925
Pablo Pablo 1926–1928
Dominador Aquino 1928–1931
Pablo Pablo 1932–1940
Cornelio Cordero 1941–1944
Oscar Baello 1945–1946
Jesus Basa 1946–1951
Macario Asistio, Sr. 1952–1971
Marcial Samson 1972–1976
Alejandro Fider 1976–1978
Virgilio Robles 1978–1980
Macario Asistio, Jr. 1980–1986
Virgilio Robles      1986
Antonio Martinez 1986–1988
Macario B. Asistio, Jr. 1988–1995
Reynaldo Malonzo 1995–2004
Enrico Echiverri 2004–2013
Oscar Malapitan      2013–

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Province: NCR, THIRD DISTRICT (Not a Province)". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
  2. "PSA releases the 2015 Municipal and City Level Poverty Estimates". Quezon City, Philippines. Nakuha noong 1 January 2020.
  3. "Population of Caloocan City Went Up to 1.5 Million (Results from the 2010 Census of Population and Housing)" (sa Ingles). Pambansang Tanggapan ng Estadistika. Hulyo 26, 2013. Nakuha noong Oktubre 4, 2015.
  4. "About Us" (sa Ingles). Lungsod ng Caloocan. Nakuha noong Oktubre 4, 2015.
  5. "Confusion over spelling: Caloocan or Kalookan?". The Manila Times. Oktubre 19, 2004. Nakuha noong Abril 2, 2020.
  6. Samonte, Severino (Disyembre 6, 2018). "Which is which, Caloocan or Kalookan?". Philippine News Agency. Nakuha noong Abril 2, 2020.
  7. Caloocan City Barangay Directory Zone 1 Naka-arkibo 2009-10-07 sa Wayback Machine. Retrieved July 8, 2009
  8. Caloocan City Barangay Directory Zone 2[patay na link] Retrieved July 8, 2009
  9. Caloocan City Barangay Directory Zone 3[patay na link] Retrieved July 8, 2009
  10. Caloocan City Barangay Directory Zone 4[patay na link] Retrieved July 8, 2009
  11. Caloocan City Barangay Directory Zone 5[patay na link] Retrieved July 8, 2009
  12. Caloocan City Barangay Directory Zone 6 Naka-arkibo 2010-10-11 sa Wayback Machine. Retrieved July 8, 2009
  13. Caloocan City Barangay Directory Zone 7[patay na link] Retrieved July 8, 2009
  14. Caloocan City Barangay Directory Zone 8[patay na link] Retrieved July 8, 2009
  15. Caloocan City Barangay Directory Zone 9[patay na link] Retrieved July 8, 2009
  16. Caloocan City Barangay Directory Zone 10[patay na link] Retrieved July 8, 2009
  17. Caloocan City Barangay Directory Zone 11[patay na link] Retrieved July 8, 2009
  18. Caloocan City Barangay Directory Zone 12[patay na link] Retrieved July 8, 2009
  19. Caloocan City Barangay Directory Zone 13[patay na link] Retrieved July 8, 2009
  20. Caloocan City Barangay Directory Zone 14[patay na link] Retrieved July 8, 2009
  21. Caloocan City Barangay Directory Zone 15[patay na link] Retrieved July 8, 2009
  22. Caloocan City Barangay Directory Zone 16[patay na link] Retrieved July 8, 2009
  23. "NATIONAL CAPITAL REGION (NCR)". Census of Population (2015): Total Population by Province, City, Municipality and Barangay (Ulat). PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
  24. "NATIONAL CAPITAL REGION (NCR)". Census of Population and Housing (2010): Total Population by Province, City, Municipality and Barangay (Ulat). NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
  25. "NATIONAL CAPITAL REGION (NCR)". Census of Population (1995, 2000 and 2007): Total Population by Province, City and Municipality (Ulat). NSO. Sininop mula sa ang orihinal noong 24 Hunyo 2011.
  26. "Province of Metro Manila, 3rd (Not a Province)". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.