Lungsod ng Cavite

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Lungsod ng Cavite
Lungsod
Opisyal na sagisag ng Lungsod ng Cavite
Sagisag
Mapa ng Cavite na nagpapakita ng lokasyon ng Lungsod ng Cavite
Mapa ng Cavite na nagpapakita ng lokasyon ng Lungsod ng Cavite
Lungsod ng Cavite is located in Pilipinas
Lungsod ng Cavite
Lungsod ng Cavite
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinato: 14°29′N 120°54′E / 14.483°N 120.900°E / 14.483; 120.900Coordinates: 14°29′N 120°54′E / 14.483°N 120.900°E / 14.483; 120.900
Bansa Pilipinas
Rehiyon CALABARZON (Rehiyon IV-A)
Lalawigan Cavite
Distrito — — Lungsod ng Cavite
Mga barangay 84
Pagkatatag Mayo 6, 1571
Ganap na Lungsod Setyembre 7, 1940
Pamahalaan
 • Punong Lungsod Bernardo Paredes
Lawak
 • Kabuuan — — Lungsod ng Cavite km2 (Formatting error: invalid input when rounding sq mi)
Populasyon (2010)
 • Kabuuan — — Lungsod ng Cavite
Sona ng oras PST (UTC+8)
Kodigo Postal — — Lungsod ng Cavite
Kodigong pantawag — — Lungsod ng Cavite
Kaurian ng kita — — Lungsod ng Cavite
PSGC — Lungsod ng Cavite
Websayt http://www.cavitecity.gov.ph
Population census of Cavite City
Senso Populasyon +/-
190316,337
191822,1692.1%
193938,2542.6%
194835,052-1.0%
196054,8913.8%
197075,7393.3%
197582,4561.7%
198087,6661.2%
199091,6410.4%
199592,6410.2%
200099,3671.52%
2007104,5810.71%
2010101,120-0.46%
2015102,8060.23%
Source: Philippine Statistics Authority[1][2][3][4]

Ang Lungsod ng Cavite ay isa sa tatlong lungsod sa lalawigan ng Cavite. Ang Lungsod Cavite ay ang kabisera ng Lalawigan ng Cavite bago ito ilipat sa Lungsod ng Trece Martires noong 1954. Ang makasaysayang isla ng Corregidor at ang ibang batuhan at pulo sa bunganga ng Look Maynila ay napasasailalim sa pamumunong lokal ng Lungsod.

Matatagpuan ang lungsod 35 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Maynila. Ang bayan ng Noveleta ay nasa timog ng lungsod. Nasa isang hugis-kawit na tangway sa bandang hilaga ng lalawigan, pinaliligiran ang lungsod ng tatlong look, ang Look Maynila sa kanluran, ang Look ng Bacoor sa timog-silangan at ang Look Cañacao sa hilagang-silangan. Ang lungsod ay nahahati sa limang distrito: Dalahican, Santa Cruz, Caridad, San Antonio, and San Roque. Ang mga distritong ito ay nahahati pa sa walong (8) sona na may kabuuang walumpu't apat (84) na barangay. Ang Base Militar ng Sangley Point ay nasa lungsod at makikita sa pinakahilagang bahagi ng tangway. Nagsilbi itong base militar ng Hukbong Dagat ng Estados Unidos, at ngayon ito ay ginagamit ng Hukbong Dagat ng Pilipinas at ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas.

Ayon sa talaang bayan noong taong 2010, ang Lungsod ng Cavite ay may bilang ng 101,120

.

Lungsod ng Cavite



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.


Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  1. Census of Population (2015): Total Population by Province, City, Municipality and Barangay (Report). PSA. 
  2. Census of Population and Housing (2010): Total Population by Province, City, Municipality and Barangay (Report). NSO. 
  3. Census of Population (1995, 2000 and 2007): Total Population by Province, City and Municipality (Report). NSO. Sininop mula sa orihinal na pahina noong 24 Hunyo 2011. https://web.archive.org/web/20110624035846/http://www.census.gov.ph/data/census2007/h040000.pd%66. 
  4. "Province of Cavite". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. http://122.54.214.222/population/MunPop.asp?prov=CAV&province=Cavite. Hinango noong 17 December 2016.