Gapan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Gapan

Lungsod ng Gapan
01480JfSan Vicente Highway Gapan Cityfvf 13.JPG
Mapa ng Nueva Ecija na nagpapakita ng lokasyon ng Lungsod ng Gapan.
Mapa ng Nueva Ecija na nagpapakita ng lokasyon ng Lungsod ng Gapan.
Gapan is located in Pilipinas
Gapan
Gapan
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 15°18′27″N 120°56′43″E / 15.3075°N 120.94528°E / 15.3075; 120.94528Mga koordinado: 15°18′27″N 120°56′43″E / 15.3075°N 120.94528°E / 15.3075; 120.94528
BansaPilipinas
RehiyonGitnang Luzon (Rehiyong III)
LalawiganNueva Ecija
DistritoPang-apat na Distrito ng Nueva Ecija
Mga barangay23
Pagkatatag1595
Ganap na Lungsod25 Agosto 2001
Pamahalaan
 • Punong LungsodChristian Tinio
Lawak
[1]
 • Kabuuan118.00 km2 (45.56 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2015)
 • Kabuuan110,303
 • Kapal930/km2 (2,400/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
24,586
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigong Pangsulat
3105
PSGC
034908000
Kodigong pantawag44
Kaurian ng kitaika-4 na klase ng kita ng lungsod
WebsaytOpisyal na Websayt ng Lungsod ng Gapan

Ang Gapan (pagbigkas: ga•pán) ay isang ika-4 na klase na lungsod sa probinsiya ng Nueva Ecija. Ang Gapan ay pinamagatang "Kabisera ng Sapin sa Paa ng Hilaga" at ito ay isang mahalagang bahagi ng Granaryo ng Kanin ng Pilipinas. Ayon sa 2015 senso, ito ay may populasyon na 110,303 sa may 24,586 na kabahayan. Ito ay may laki na 185.68 km².

Ang lungsod ay nasa katimugang bahagi ng probinsiya. Katabi nito ang Peñaranda at San Leonardo sa hilaga, Gen. Tinio sa silangan, ang bayan ng San Miguel naman sa timog na nasa katabing probinsiya ng Bulacan at sa kanluran naman ang San Isidro.

Mga Barangay[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang lungsod ng Gapan ay may 23 na mga barangay.

  • Balante
  • Bayanihan
  • Bulak
  • Bungo
  • Kapalangan
  • Mabuga
  • Maburak
  • Macabaklay
  • Mahipon
  • Malimba
  • Mangino
  • Marelo
  • Pambuan
  • Parcutela
  • Puting Tubig
  • San Lorenzo (Poblacion)
  • San Vicente (Poblacion)
  • San Nicholas
  • San Roque/Baluarte
  • Sta Cruz
  • Sto. Cristo
  • Sto. Carne Norte
  • Sto. Nino
  • Mangahan

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ayon sa mga lumang tala, ang dating tawag sa Gapan ay Ibon. Kung paano ito naging Gapan ay isang interesanteng alamat: Noong mga panahon na ang lugar ay kahuyan pa, ang mga Kastila ay dumating sa isang misyon nang may nakita silang mga taga-roon at gumagapang. Pinahinto sila at dahil hindi alam kung paano magsalita ng lokal na dayalekto ay tinanong sila sa wikang Kastila. Ang mga taga-roon ay walang alam sa wikang Kastila at sa pag-aakalang tinatanong kung ano ang ginagawa nila, sumagot sila sa Tagalog, "Gumagapang gapang kami." Kinuha itong pangalan ng mga Kastila at sa paglipas ng panahon, nawala ang "g" at nanatili ang pangalan na Gapan hanggang ngayon. Ayon sa isa pang alamat, ang pangalan ay nanggaling sa umaakyat at gumagapang na mga halaman na sagana sa lugar.

Ang Gapan ay itinatag ng mga curato at opisyales na mga Kastila, na sa simula pa lang, ay may malawak na kapangyarihan sa mga tao at sa mga gawain nila. Ang kasaysayan ay naglagay Gapan bilang isa sa mga unang bayan ng Pampanga na itinatag noong kalagitnaan ng ika-16 na dantaon. Ang mga unang tala tungkol sa unang misyong Katoliko sa malayong silangan ay nagsasaad na noong 1595, sina Padre Contres Tendilla, Caballo at Salazar ay ang mga responsable sa pagtatanggal ng kakahuyan na kinalaunang naging pueblo. Sa pueblong ito, ang simbahan, presendencia at ang mga kabahayan na gawa sa mga limo at bloke ay itinayo na ngayon ay mga ilang daang taon na ang edad.

Nang dahil sa itinatag ang Gapan noong 1595, ang Gapan ang naging pinakamatandang bayan sa Nueva Ecija at isa sa mga pinakamamatanda sa Pilipinas. Ito ay isang malaking pueblo na ang sakop ay napakalaki, sapat upang isaklaw ang lungsod ng Cabanatuan sa hilaga. Noong 1942, sinakop ng mga Hapon sa Gapan, Nueva Ecija. Noong 1945, ang mga papasok na mga hukbong Pilipino kasama ng mga gerilya ay binawi ang Gapan.

Sa pamamagitan ng Republic Act 9022 at ang ratipikasyon nito sa isang plebisito na isinagawa noong ika-25 ng Agosto 2001 ang bayan ng Gapan ay naging isang bahaging lungsod ng Nueva Ecija. Si Ernesto L. Natividad ang naging unang alkalde ng lungsod ng Gapan.

Ekonomiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang mga pangunahing pinagkukunan ng kita ng lungsod ay ang pagsasaka, paggawa ng tsinelas, palaisdaan, manukan at babuyan at mga establisimentong pangkalakalan (commercial).

Ang lungsod ng Gapan ay may pangako hindi lamang sa mga likas na yamat nito kundi pati sa mga potensiyal nito sa mga agrikulturang industriya at ang mga industriyang tsinelas na nakakatulong na panatilihin ang papel nito sa agrikultural at industriyal na produksiyon. Ang mga pangkalakalan (commercial) at mga kalakalan sa lungsod ay napapabilis pa lalo dahil sa pagdating ng mga bangko at mga bagong negosyo.[kailangang linawin]

Demograpiko[baguhin | baguhin ang batayan]

Senso ng populasyon ng
Gapan
TaonPop.±% p.a.
1903 11,278—    
1918 13,617+1.26%
1939 23,324+2.60%
1948 25,719+1.09%
1960 32,514+1.97%
1970 45,426+3.40%
1975 50,506+2.15%
1980 60,014+3.51%
1990 70,489+1.62%
1995 77,735+1.85%
2000 89,199+2.99%
2007 98,795+1.42%
2010 101,488+0.98%
2015 110,303+1.60%
Sanggunian: PSA[2][3][4][5]


Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Province: Nueva Ecija". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
  2. Census of Population (2015). "Region III (Central Luzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
  3. Census of Population and Housing (2010). "Region III (Central Luzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
  4. Censuses of Population (1903–2007). "Region III (Central Luzon)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.
  5. "Province of Nueva Ecija". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.

Mga Kawing Panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]