Pumunta sa nilalaman

Malayong Silangan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Malayong silangan)
Malayong Silangan (Dulong Silangan)
Far East
Kinaroroonan ng Malayong Silangan ayon na rin sa kahulugang heograpiko
Pangalang Tsino
Tradisyunal na Tsino遠東
Pinapayak na Tsino远东
Kahulugang literalMalayong Silangan
Pangalang Burmese
Burmesအရှေ့ဖျား ဒေသ
IPA[ʔəʃḛbjá dèθa̰]
Pangalang Biyetnames
Alpabetong BiyetnamesViễn Đông
Chữ Hán
Pangalang Thai
Thaiตะวันออกไกล
Tawan-oak klai
Pangalang Koreano
Hangul극동
Hanja極東
Pangalang Mongol
Sirilikong MongolAls Dornod
Pangalang Hapones
Kanji極東
Katakanaキョクトウ
Pangalang Malay
Malayتيمور جاوء
Timur Jauh
Pangalang Indones
IndonesTimur Jauh
Pangalang Tagalog
TagalogKasilanganan
Silanganan (poetiko)
Malayong Silangan (literal)
Pangalang Portuges
PortugesExtremo Oriente
Pangalang Ruso
RusoДальний Восток
Pagbigkas sa Ruso: ˈdalʲnʲɪj vɐˈstok
RomanisasyonDál'niy Vostók

Ang Malayong Silangan o Dulong Silangan (Ingles: Far East) ay isang salitang panheograpiya na kadalasang tumutukoy sa Silangang Asya (kasama ang Hilagang-silangang Asya), ang Malayong Silangang Rusya (bahagi ng Hilagang Asya), at Timog-silangang Asya.[1] Minsang isinasama rin ang Timog Asia para sa mga kadahilanang ekonomiko at kalinangan.[2] Unang ginamit ang salitang "Far East" sa wikang Ingles sa mga diskursong heopolitika sa Europa noong ika-12 dantaon. Tinukoy ang Malayong Silangan bilang "pinakamalayo" sa tatlong "mga silangan", sa labas ng Malapit na Silangan (Near East) at ng Gitnang Silangan (Middle East). Gayon din, noong Dinastiyang Qing ng ika-19 at unang bahagi ng ika-20 mga dantaon ang salitang "Tàixī (泰西)" – iyan ay anumang mas-kanluran sa mundong Arabe – ay ginamit upang matukoy ang mga bansang Kanluranin.

Mula noong dekada-1960, ang "Silangang Asya" ay naging pinakakaraniwang tawag sa rehiyon sa pandaigdigang mga outlet ng midyang pangmasa.[3][4]

Pagkakatanyag ng termino

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bago ang panahong kolonyal, tumutukoy ang "Malayong Silangan" sa alinman lugar sa silangan ng Gitnang Silangan. Noong ika-16 na dantaon, tinawag ni Haring Juan III ng Portugal ang India na isang "mayaman at nakapupukaw na bansa sa Malayong Silangan[5] (Extremo Oriente)." Pinatanyag ang salita noong panahon ng Imperyong Britaniko bilang pangkalahatang termino para sa mga lupain sa silangan ng Britanikong India.

Sa heopolitikang Europeo bago ang Unang Digmaang Pandaigdig, ang Malapit na Silangan (Near East) ay tumtukoy sa malalapit na mga lupain ng Imperyong Otomano, ang Gitnang Silangan (Middle East) ay nagpapahiwatig sa hilagang-kanlurang bahagi ng Timog Asya at ng Gitnang Asya, at ang Malayong Silangan (Far East) ay nagngangahulugan sa mga bansang sa kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko at silangang bahagi ng Karagatang Indiyano. Maraming mga wikang Europeo ay may magkakahawig na mga termino, tulad ng Pranses (Extrême-Orient), Kastila (Lejano Oriente), Portuges (Extremo Oriente), Aleman (Ferner Osten), Italyano (Estremo Oriente), Polako (Daleki Wschód), Noruwego (Det fjerne Østen) at Olandes (Verre Oosten).

Kahulugang pangkalinangan at pangheograpiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kapuna-punang pumupukaw ang termino sa pangkalinangan at pangheograpiya na paghihiwalay; hindi lamang malayo ang "Malayong Silangan" ayon sa heograpiya, kung hindi eksotiko ito ayon sa kalinangan. Bilang halimbawa, hindi nito tinutukoy ang makakanluraning bansa ng Australya at New Zealand na mas malayo pa sa Silangang Asya sa silangan ng Europa. Malinaw na inilarawan ni Robert Menzies, isang Punong Ministro ng Australya, ang pinaghalong pangkuktura at pangheograpiyang subdyektibidad na ito. Habang pinagmumuni-muni ang mga kapakanang pangheopolitika ng kaniyang bansa kalakip ng pagsisimula ng digmaan, nagkomento siya na (isinalin sa Tagalog/Filipino):

Iba ang mga suliranin sa Pasipiko. Kung anong tinatawag na Malayong Silangan ng Gran Britanya ay Malapit na Hilaga para sa amin.[6]

Sa pangkaraniwang kahulugan maihahambing ang Malayong Silangan sa mga termino tulad ng "ang Oryente" ("the Orient"), na nagngangahulugang Silangan; ang "Mundong silanganan;" o sa payak "Silangan." Sa papaano man maaaring isama sa Malayong Silangan ang Timog-silangang Asya, ang Malayong Silangan ng Rusya, at kung minsan ang Subkontienteng Indiyano.

Tungkol naman sa termino, sinulat nina John K. Fairbank at Edwin O. Reischauer, mga propesor ng East Asian Studies sa Unibersidad ng Harvard, sa aklat na East Asia: The Great Tradition na (sa Tagalog/Filipino):

Nang lumakbay ang mga Europeo sa dakong silangan upang maabot ang Cathay, Hapon at Kaindiyahan, likas nilang binigyan ng pangkalahatang pangalan na 'Far East' ang mga malalayong rehiyon na iyon. Maari sanang tinawag ng mga Amerikanong lumayang patungong Tsina, Hapon at Timog-silangang Asya sa pamamagitan ng Pasipiko ang lugar na iyon na 'Malayong Kanluran,' dahil na rin sa magkatulad na lohika. Ngunit para sa mamamayang nakatira sa bahaging iyon ng mundo, hindi ito 'Silangan' o 'Kanluran' at siguradong hindi 'Malayo.' Ang pangkalahatang mas katanggap-tanggap na termino para sa lugar ay 'Silangang Asya,' na tiyak ayon sa heograpiya at hindi ipinahihiwatig ang lipás nang ideya na ang Europa ay ang sentro ng sibilisadong mundo."[4][7]

Sa kasalukuyan, nananatili ang termino sa mga pangalan ng matagal nang mga institusyon, tulad ng Unibersidad Pederal ng Malayong Silangan [en] sa Vladivostok, Pamantasan ng Dulong Silangan sa Maynila, at ang Unibersidad ng Malayong Silangan (Korea) [en] sa Timog Korea. Bilang karagdagan, dating ginamit ng Nagkakaisang Kaharian at ng Estados Unidos ang Malayong Silangan para sa ilang mga yunit at hukbong militar sa rehiyon, tulad ng Far East Fleet ng Maharlikang Hukbong Dagat [en].

Mga teritoryo at rehiyon na kagawianing sinasama sa terminong Malayong Silangan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pangalan ng rehiyon[8] at
teritoryo, kasama ang watawat
Lawak
(km²)
Populasyon
Kapal ng populasyon
(per km²)
Kabisera Mga uri ng pamahalaan Pananalapi Mga kinikilalang wika
Hilagang Asya
 Rusya[9] 6,952,600[10] 8,371,257[10] 1.2 Mosku Pederal na republikang kalahi-pampanguluhan Rublo Ruso at
27 ibang mga co-opisyal na wika
Timog-silangang Asya
 Brunei 5,765 417,200 72.11 Bandar Seri Begawan Ganap na Sultanatong Islamiko Dolyar ng Brunei Malay at Ingles
 Cambodia 181,035 16,245,729 81.8 Phnom Penh Monarkiyang konstitusyonal Riel Khmer
 Pulo ng Christmas[11] 135 1,843 10.39 Flying Fish Cove Teritoryong panlabas ng Australya Dolyar ng Australya Wala[12]
 Kapuluang Cocos (Keeling)[13] 14 544 43.0 West Island Teritoryong panlabas ng Australya Dolyar ng Australya Wala[14]
 Indonesya 1,904,569 261,115,456 138.0 Jakarta Republikang pampanguluhan Rupiah Indones
 Laos 237,955 6,758,353 26.7 Vientiane Socialist Republic Kip Lao
 Malaysia 330,803 32,049,700 92.0 Kuala Lumpur Pederal na monarkiyang konstitusyonal,
Demokrasyang parlamentaryo
Ringgit Malay
 Myanmar (Burma) 676,578 53,582,855 76.0 Naypyidaw Pinag-isang pampanguluhang
republikang konstitusyonal
Kyat Birmano
 Pilipinas 300,000 100,981,437 336.0 Maynila Pinag-isang pampanguluhang
republikang konstitusyonal
Piso Filipino at Ingles
 Singapore 722.5 5,638,700 7,804.0 Singapore Republikang parlamentaryo Dolyar ng Singapore Malay, Ingles,
Mandarin, at Tamil
 Thailand 513,120 68,863,514 132.1 Bangkok Monarkiyang konstitusyonal,
Demokrasyang parlamentaryo sa ilalim ng military junta
Baht Thai
 Silangang Timor (Timor-Leste) 15,410 1,167,242 78.0 Dili Republikang parlamemtaryo Dolyar ng Estados Unidos / Mga baryang sentimo Tetum at Portuges
 Vietnam 331,212 94,569,072 276.03 Hanoi Isang-partidong estado,
Republikang sosyalista
đồng Biyetnames
Silangang Asya
 Tsina[15] 9,598,094[16]
1,371,821,094[17] 145.0 Beijing Isang-partidong republikang sosyalista Yuan (Renminbi) Wikang Mandarin[18]
 Hong Kong[19] 1,108 7,448,900 6,777.0 Hong Kong Natatanging rehiyong pampangasiwaan
ng Republikang Bayan ng Tsina.
Dolyar ng Hong Kong Tsino,[20]
Ingles
 Hapon 377,973 126,440,000 334.0 Tokyo Demokrasyang parlamentaryo,
Monarkiyang konstitusyonal
Yen Wala
(Hindi pa nakakapagpasa ng batas ang Pambansang Diet (lehislatura) ng Hapon na kumikilala sa Hapones bilang opisyal na wika ng bansa.)
 Macau[21] 115.3 653,100 21,340.0 Macau Natatanging rehiyong pampangasiwaan
ng Republikang Bayan ng Tsina
Pataca Tsino,[22]
Portuges
 Mongolia 1,566,000 3,081,677 1.97 Ulaanbaatar Republikang parlamentaryo Tögrög Monggol
 Hilagang Korea 120,540 25,368,620 212.0 Pyongyang Pinag-isang diktadurang Juche
Republikang sosyalista
Won ng Hilagang Korea Koreano
 Timog Korea 100,363 51,446,201 507.0 Seoul Republikang pampanguluhan Won ng Timog Korea Koreano
 Taiwan[23] 36,197 23,577,271 650.0 Taipei Sistemang kalahi-pampanguluhan Dolyar ng Bagong Taiwan Mandarin
  1. "Oxford Dictionaries - Dictionary, Thesaurus, & Grammar". askoxford.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-09-29. Nakuha noong 2019-07-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "The 'Far Eastern Economic Review' for example covers news from India and Sri Lanka". Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-07-20. Nakuha noong 2019-07-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "A menagerie of monikers". The Economist. 7 Enero 2010. Nakuha noong 9 Hulyo 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Reischauer, Edwin and John K Fairbank, East Asia: The Great Tradition, 1960.
  5. Robert Sewell (1901). A Forgotten Empire: Vijayanagar; A Contribution to the History of India.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Historical documents". Department of Foreign Affairs and Trade. Orihinal na Ingles:

    "The problems of the Pacific are different. What Great Britain calls the Far East is to us the Near North."

  7. Orihinal na Ingles:

    "When Europeans traveled far to the east to reach Cathay, Japan and the Indies, they naturally gave those distant regions the general name 'Far East.' Americans who reached China, Japan and Southeast Asia by sail and steam across the Pacific could, with equal logic, have called that area the 'Far West.' For the people who live in that part of the world, however, it is neither 'East' nor 'West' and certainly not 'Far.' A more generally acceptable term for the area is 'East Asia,' which is geographically more precise and does not imply the outdated notion that Europe is the center of the civilized world."

  8.   Mga rehiyon ng kontinente alinsunod sa mapang ito ng pag-uuri ng UN, maliban sa 12. Depende sa mga depinisiyon, maraming mga teritoryo na nakasipi sa baba (mga talababang 6, 11-13, 15, 17-19, 21-23) ay maaaring nasa isa o kapuwang mga kontinente ng Asya at Europa, Aprika, o Oceania.
  9.   Pangkalahatang itinuturing na bansang transkontinental ang Rusya, sa Silangang Europa (rehiyon ng UN) at Hilagang Asya; ang mga bilang ng populasyon at lawak ay para lamang sa bahaging Asyano.
  10. 10.0 10.1 Kasama lamang ang lugar ng Malayong Silangang Pederal na Distrito.
  11.   Ang Pulo ng Christmas ay isang Teritoryong Panlabas ng Australya.
  12. Walang katayuang de jure ang Ingles sa Pulo ng Christmas at sa Australya, ngunit ito ang wikang de facto sa komunikasyon sa pamahalaan.
  13.   Ang Kapuluang Cocos (Keeling) ay isang Teritoryong Panlabas ng Australya.
  14. Walang katayuang de jure ang Ingles sa Kapuluang Cocos (Keeling) at sa Australya, ngunit ito ang wikang de facto sa komunikasyon sa pamahalaan.
  15.   Karaniwang kilala nang payak ang estado bilang "China", na sinama ng kapangalang entidad at kabihasnan (Tsina). Ang mga binigay na bilang ay para lamang sa Kalupaang Tsina at hindi kasama ang Hong Kong, Macau, at Taiwan.
  16. Kasama ang mga lugar na pinamumunuan ng PRC (Aksai Chin at Trans-Karakoram Tract, kapuwa mga teritoryong inaangkin ng India).
  17. Nakatakang impormasyon ay para lamang sa Kalupaang Tsina. Hindi kasama ang natatanging rehiyong pang-administratibo (iyan ay Hong Kong at Macau) at ang mga teritoryong pulo sa ilalim pamumuno ng Republika ng Tsina (na kinabibilangan ng mga pulo ng Taiwan, Quemoy, at Matsu).
  18. "Law of the People's Republic of China on the Standard Spoken and Written Chinese Language (Order of the President No.37)". Chinese Government. 31 Oktubre 2000. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Hulyo 2013. Nakuha noong 21 Hunyo 2013. For purposes of this Law, the standard spoken and written Chinese language means Putonghua (a common speech with pronunciation based on the Beijing dialect) and the standardized Chinese characters.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19.   Ang Hong Kong ay isang Natatanging Rehiyong Pampangasiwaan ng Republikang Bayan ng Tsina
  20. Walang tiyak na kaurian ng Tsino ay opisyal sa teritoryo. Karaniwang nagsasalita ang mga residente ng Kantones, ang de facto na pamantayang panrehiyon.
  21.   Ang Macau ay isang Natatanging Rehiyong Pampangasiwaan ng Republikang Bayan ng Tsina.
  22. Walang tiyak na kaurian ng Tsino ay opisyal sa teritoryo. Karaniwang nagsasalita ang mga residente ng Kantones, ang de facto na pamantayang panrehiyon.
  23.   Ang mga bilang ay para sa lugar na nasa ilalim ng de facto na pamumuno ng pamahalaang Republika ng Tsina (ROC), kadalasang tinatawag na Taiwan. Buong inaangkin ito ng PRC; pakitingnan ang estadong politikal ng Taiwan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]