Wikang Filipino

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Filipino
Wikang Filipino
Pagbigkas[wɪˈkɐŋ ˌfiːliˈpiːno]
Sinasalitang katutubo saPilipinas
Mga katutubong
tagapagsalita
45 milyong tagapasalitang L2 (Tagalog)  (2013)[1]
Pamilyang wika
Sistema ng pagsulatLatin (alpabetong Filipino)
Filipinong Braille
Baybayin
Opisyal na katayuan
Opisyal na wika sa Pilipinas
 ASEAN
Kinokontrol ngKomisyon sa Wikang Filipino
Mga kodigong pangwika
ISO 639-2fil
ISO 639-3fil
Linggwaspera31-CKA-aa
Tagalosphere.png
  Mga bansa na may higit sa 500,000 tagapagsalita
  Mga bansa na may 100,000–500,000 tagapasalita
  Mga bansa kung saan sinasalita ito ng mga minoryang pamayanan

Ang Filipino (Ingles na pagbigkas: /ˌfɪlɪˈpn/;[2] Wikang Filipino, [wɪˈkɐŋ ˌfiːliˈpiːno]), ay ang pambansang wika ng Pilipinas. Itinalaga ang Filipino kasama ang Ingles, bilang isang opisyal na wika ng bansa.[3] Isa itong pamantayang uri ng wikang Tagalog,[4] isang pang-rehiyong wikang Austronesyo na malawak na sinasalita sa Pilipinas. Nasa 24 milyon katao o mga nasa sangkapat ng populasyon ng Pilipinas noong 2018 ang nagsasalita ng Tagalog bilang unang wika,[5] habang nasa 45 milyong katao naman ang nagsasalita ng Tagalog bilang ikalawang wika sang-ayon noong 2013.[1] Isa ang Tagalog sa185 mga wika sa Pilipinas na tinukoy sa Ethnologue.[6] Sa pagka-opisyal, binibigyan kahulugan ang Filipino ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) bilang "ang katutubong diyalektong sinasalita at sinusulat, sa Kalakhang Maynila, ang Pambansang Rehiyong Kapital, at sa mga ibang sentrong urbano ng kapuluan."[7] Noong 2000, higit sa 90% ng populasyon ang nakakapagsasalita ng Tagalog, tinatayang nasa 80% ang nakakapagsalita ng Filipino at 60% ang nakakapagsalita ng Ingles.[8]

Ang Filipino, tulad ng ibang wikang Austronesyon, ay karaniwang ginagamit ang pagkakaayos na verb-subject-object o pandiwa-paksa-bagay subalit maari din gamitin ang pagkakaayos na paksa-pandiwa-bagay. Ang direksyon nito ay puno-muna (head-initial directionality). Isang aglutinatibong wika ito nguint maaring taglayin nito ang impleksyon. Hindi ito wikang tonal at maaring ituring ito bilang isang wikang tonong-punto (pitch-accent).

Opisyal na hinango ang Filipino upang maging isang wikang plurisentriko, habang pinagyayaman at pinapabuti pa nito ang iba pang mga wika sa Pilipinas sang-ayon sa mandato ng Konstitusyon ng 1987.[9] Naobserbahan sa Kalakhang Cebu[10] at Kalakhang Davao[11] ang paglitaw ng mga uri (varieties) ng Filipino na may katangiang pambalarila na iba sa Tagalog. Kabilang ang mga lugar na ito at ang Kalakhang Maynila sa tatlong pinakamalaking kalakhang lugar sa Pilipinas.

Pagtatalaga bilang pambansang wika

Habang tinuturing ang Kastila at Ingles bilang "mga opisyal na wika" noong panahon na kolonya pa ng Estados Unidos ang Pilipinas, walang naging "pambansang wika" sa simula. Sinasabi sa artikulo XIII, seksyon 3 ng Konstitusyon ng 1935 na itinatatag ang Komonwelt ng Pilipinas na:

The National Assembly shall take steps toward the development and adoption of a common national language based on one of the existing native languages. Until otherwise provided by law, English and Spanish shall continue as official languages.

Gagawa ng mga hakbang ang Asembleang Pambansa tungo sa pagpabuti at adosyon ng isang karaniwang pambansang wika batay sa isa sa mga mayroon nang katutubong wika. Hanggang hindi pa naitatadhana ng batas, magpapatuloy ang Ingles at Kastila bilang mga opisyal na wika.

Noong Nobyembre 13, 1936, pinagtibay ng unang Kapulungang Pambansa ng Komonwelt ng Pilipinas ang Batas Komonwelt Blg. 184; na nililikha ang Institute of National Language (naging Surián ng Wikang Pambansâ o SWP sa kalaunan) at inutusan itong gumawa ng isang pag-aaral at pagsisiyasat ng bawat katutubong wikang mayroon na, na umaasang mapili ang batayan para sa isang pamantayang wika.[12] Sa kalaunan, hinirang ng noo'y Pangulong Manuel L. Quezon ang mga kinatawan para sa bawat pangunahing pang-rehiyong wika upang buuin ang NLI. Pinamunuan ni Jaime C. De Veyra, na umupo bilang tagapangulo ng Instituto at bilang kinatawan ng mga Bisayang Samar-Leyte, binubuo ang mga kasapi ng Instituto nina Santiago A. Fonacier (kinakatawan ang mga rehiyong nagsasalita ng Ilokano), Filemon Sotto (mga Bisayang Sebuwano), Casimiro Perfecto (mga Bikolano), Felix S. Sales Rodriguez (mga Bisayang taga-Panay), Hadji Butu (ang mga wika ng Pilipinong Muslim), at Cecilio Lopez (mga Tagalog).[13]

Pinagtibay ng Institute of National Language ang isang resolusyon noong Nobyembre 9, 1937 na nirerekomenda ang Tagalog bilang batayan sa wikang pambansa. Noong Disyembre 30, inilabas ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134, s. 1937, na inaprubahan ang adopsyon ng Tagalog bilang wika ng Pilipinas, at inihayag na ibabatay sa wikang Tagalog ang pambansang wika ng Pilipina. Sinabi sa kautusan na magkakaroon ng bisa ang utos dalawang taon mula ng inihayag ito.[14] Noong Disyembre 31 ng parehong taon, ipinahayag ni Quezon ang Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa na binigay ang sumusunod ng kadahilanan:[13]

  1. Malawak na sinasalita ang Tagalog at ito ang pinakanaunawaang wika sa lahat ng mga rehiyon ng Pilipinas.
  2. Hindi nahahati sa mas maliit na anak na wika, tulad ng sa Bisaya at Bikol.
  3. Pinakamayaman ang tradisyong pampanitikan nito kumpara sa lahat ng mga katutubong wika sa Pilipinas, ang pinakamaunlad at ektensibo (sinasalamin ang wikang Toscano kasama ang Italyano). Maraming aklat ang nakasulat sa Tagalog kaysa sa kahit anumang ibang autoktonong wikang Pilipino maliban sa Kastila, subalit pangunahin ayon ito sa batas.
  4. Laging Tagalog ang wika ng Maynila, ang pampolitika at ekonomikong sentro ng Pilipinas noong mga panahon ng Kastila at Amerikano.
  5. Kastila ang wika noong Rebolusyon ng 1896 at ng Katipunan, ngunit pinamunuan ang himagsikan ng mga indibiduwal na nagsalita ng Tagalog.

Noong Hunyo 7, 1940, pinasa ng Pambansang Kapulungan ng Pilipinas ang Batas Komonwelt Blg. 570 na inihahayag na ang pambansang wikang Filipino ang tinuturing bilang opisyal na wika na nagkaroon ng bisa noong Hulyo 4, 1946[15] (kasabay ng inaasahang kalayaan ng bansa mula sa Estados Unidos). Sa parehong taon, ipinakilala ng Balarílà ng Wikang Pambansâ ng dalub-balarila na si Lope K. Santos ang 20-titik na alpabetong Abakada, na naging pamantayan ng wikang pambansa.[16] Opisyal na pinagtibay ang alpabeto ng Instituto para sa Wikang Pambansa na batay sa Tagalog.

Patuloy na kasaysayan

Noong 1959, nakilala ang wika bilang Pilipino sa isang pagsisikap na tanggalin ang pagkaugnay nito sa pangkat-etnikong Tagalog.[17] Bagaman, hindi nagresulta ang pagpalit ng pangalan sa unibersal na pagtanggap sa mga hindi Tagaloag, lalo na sa mga Sebuwano na hindi tinanggap ang pagpili noong 1937.[18]

Noong 1987, itinalaga ng isang bagong konstitusyon ang Filipino bilang ang pambansang wika at, kasama ang Ingles, bilang isang opisyal na wika.[19] Sinama ng konstitusyon na iyon ang ilang probisyon na may kaugnayan sa wikang Filipino.[3]

Sa Artikulo XIV, Seksyon 6, tinanggal ang kahit anumang pagbanggit sa Tagalog bilang batayan para sa Filipino, at sinabi na:[3]

Samantalang nalilinang, ito [ang wikang Filipino] ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika..

At sinasabi din sa artikulo na:

Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa Sistemang pang-edukasyon.

at:

Ang mga wikang panrehyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.

Binago ng Seksyon 17(d) ng Kautusang Tagapagpaganp 117 ng Enero 30, 1987 ang pangalan ng Institute of National Language bilang Institute of Philippine Languages.[20] Nilikha ng Batas Republika Blg. 7104, na ipinagtibay noong Agosto 14, 1991, ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), na pinapalitan ang Institute of Philippine Languages. Direktang nag-uulat ang KWF sa Pangulo at inuutusan itong gumawa, makipag-ugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapabuti, pagpapalaganap ng Filipino at ibang mga wika sa Pilipinas.[21] Noong Mayo 13, 1992, nilabas ng komisyon ang Resolusyon Blg. 92-1, na tinutukoy ang Filipino bilang ang:

ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Metro Manila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.[22]

Unicode

Sakop na mga numero ng Unicode ng Tagalog: U+0000-U+007F U+1700–U+171F

Mga Kontrol na C0 at Pamantayang Latin[1]
Ang opisyal na pangkodigong talangguhit ng Unicode Consortium (PDF)
  0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 A B C D E F
U+000x  NUL   SOH   STX   ETX   EOT   ENQ   ACK   BEL    BS     HT     LF     VT     FF     CR     SO     SI  
U+001x  DLE   DC1   DC2   DC3   DC4   NAK   SYN   ETB   CAN    EM    SUB   ESC    FS     GS     RS     US  
U+002x   SP   ! " # $ % & ' ( ) * + , - . /
U+003x 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 : ; < = > ?
U+004x @ A B C D E F G H I J K L M N O
U+005x P Q R S T U V W X Y Z [ \ ] ^ _
U+006x ` a b c d e f g h i j k l m n o
U+007x p q r s t u v w x y z { | } ~  DEL 
Mga pananda
1.^ Ayon sa bersyon ng Unicode na 13.0
Tagalog[1][2]
Ang opisyal na pangkodigong talangguhit ng Unicode Consortium (PDF)
  0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 A B C D E F
U+170x
U+171x
Talababa
1.^ Pagsapit ng bersyong 13.0 ng Unicode
2.^ Ipinapahiwatig ng mga kulay-abo na puwang ang mga di-itinalagang puntos ng kodigo

Halimbawa

Ang sumusunod ay isang halimbawa na paghambing ng Tagalog at Filipino sa gawang pampanitikan. Inihahambing ang sumusunod ang bersyong Tagalog at bersyong Filipino ng Bibliya.

Tagalog Filipino
Magandang Balita Biblia (Tagalog Popular Version) Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Juan 3:16
Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.[23] Sapagkat ganoon inibig ng Diyos ang sanlibutan, kaya ipinagkaloob niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.[24]

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 Filipino sa Ethnologue (ika-18 ed., 2015)
  2. "English pronunciation of Filipino" (sa wikang Ingles).
  3. 3.0 3.1 3.2 Constitution of the Philippines 1987, Article XIV, Sections 6 and 7 (sa Ingles)
  4. Nolasco, Ricardo Ma. (Agosto 24, 2007). "Filipino and Tagalog, Not So Simple". svillafania.philippinepen.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong Enero 16, 2019.
  5. Tagalog sa Ethnologue (ika-22 ed., 2019)
  6. "Philippines". Ethnologue (sa wikang Ingles).
  7. Pineda, Ponciano B.P.; Cubar, Ernesto H.; Buenaobra, Nita P.; Gonzalez, Andrew B.; Hornedo, Florentino H.; Sarile, Angela P.; Sibayan, Bonifacio P. (Mayo 13, 1992). "Resolusyon Blg 92-1" [Resolution No. 92-1]. Commission on the Filipino Language. Nakuha noong Mayo 22, 2014. Ito ay ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Metro Manila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang.
  8. "Special Release No. 153: Educational Characteristics of the Filipinos" (sa wikang Ingles). National Statistics Office. Marso 18, 2005. (tingnan ang Pigura 6 at 7)
  9. Commission on the Filipino Language Act 1991, Section 2 (sa Ingles)
  10. Constantino, Pamela C. (Agosto 22, 2000). "Tagalog / Pilipino / Filipino: Do they differ?" (sa wikang Ingles). translated by Antonio Senga. Darwin, NT, Australia: Northern Territory University. Nakuha noong Mayo 22, 2014.
  11. Rubrico, Jessie Grace U. (2012). "Indigenization of Filipino: The Case of the Davao City Variety" (sa wikang Ingles). Language Links Foundation, Incorporated – sa pamamagitan ng/ni academia.edu. Cite journal requires |journal= (tulong)
  12. Batas Komenwelt Blg. 184 (Nobyembre 13, 1936), AN ACT TO ESTABLISH A NATIONAL LANGUAGE INSTITUTE AND DEFINE ITS POWERS AND DUTIES (sa wikang Ingles)
  13. 13.0 13.1 Aspillera, P. (1981). Basic Tagalog (sa wikang Ingles). Manila: M. and Licudine Ent.
  14. Kautusang Tagapagpaganap Blg.. 134 (Disyembre 30, 1937), PROCLAMING THE NATIONAL LANGUAGE OF THE PHILIPPINES BASED ON THE "TAGALOG" LANGUAGE (sa wikang Ingles)
  15. "- Presidential Proclamations". elibrary.judiciary.gov.ph (sa wikang Ingles).
  16. "Ebolusyon ng Alpabetong Filipino" (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 22, 2010.
  17. Andrew Gonzalez (1998). "The Language Planning Situation in the Philippines" (PDF). Journal of Multilingual and Multicultural Development (sa wikang Ingles). 19 (5, 6): 487. doi:10.1080/01434639808666365. Tinago mula sa orihinal (PDF) noong Hunyo 16, 2007. Nakuha noong Marso 24, 2007.
  18. Andrew Gonzalez (1998), "The Language Planning Situation in the Philippines" (PDF), Journal of Multilingual and Multicultural Development (sa wikang Ingles), 19 (5, 6): 487–488, doi:10.1080/01434639808666365, nakuha noong Marso 24, 2007.
  19. Constitution of the Philippines 1987 (sa Ingles)
  20. "- Executive Orders". elibrary.judiciary.gov.ph (sa wikang Ingles).
  21. Batas Republika Blg. 7104 (Agosto 14, 1991), Commission on the Filipino Language Act (sa wikang Ingles), nakuha noong Nobyembre 5, 2014
  22. "Resolusyon Blg. 92-1" (sa wikang Filipino). Komisyon ng Wikang Filipino. 13 Mayo 1992. Nakuha noong 2007-03-24.
  23. "Bible Gateway passage: Juan 3 - Magandang Balita Biblia". Bible Gateway (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-08-17.
  24. "Bible Gateway passage: Juan 3 - Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version". Bible Gateway (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-08-17.

Mga panlabas na link