Wikang Hapones
Wikang Hapon | |
---|---|
日本語 Nihongo Nippongo | |
![]() | |
Pagbigkas | /nihoŋɡo/, /nippoŋɡo/ |
Sinasalitang katutubo sa | Lahat: Hapon |
Mga katutubong tagapagsalita | 130 milyon[1] (nawawalang petsa) |
Pamilyang wika | |
Sistema ng pagsulat | Kanji, Hiragana, Katakana, Rōmaji, Panitik na Siddhaṃ (okasyunal sa mga templong Budista.) |
Opisyal na katayuan | |
Opisyal na wika sa | ![]() ![]() |
Pinangangasiwaan (regulado) ng | Wala May pangunahing gampanin ang Pamahalaang Hapones |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-1 | ja |
ISO 639-2 | jpn |
ISO 639-3 | jpn |
Ang wikang Hapones[2] o wikang Hapon[2] o wikang Niponggo o wikang Nihonggo ay isang wikang sinasalita ng mahigit sa 130 milyong katao, karamihan sa bansang Hapon at sa mga komunidad ng mga Hapones sa buong mundo.
Ang Hapones ay sinusulat sa magkahalong tatlong magkakaibang uri ng sulat: ang Kanji, at ang dalawang baybaying sulat, ang Hiragana at Katakana. Ang alpabetong Latino, o Rōmaji, ay kadalasang ginagamit ng mga makabagong Hapones, lalung-lalo na sa mga pangalan ng kompanya at mga logo, patalastas, at kung ipapasok ang mga salitang Hapon sa kompyuter.
Ang talasalitaan ng Hapones ay labis na naimpluwensiyahan ng mga hiram na salita galing sa ibang wika. Malaking bilang ng mga salita ay hiniram sa wikang Tsino, o hinango sa wikang Tsino. Simula noong huling bahagi ng ika-19 siglo, ang Hapones ay humiram ng mga salitang galing sa Wikang Indo-Europeo, lalo na ang Ingles.
Dahil din sa espesyal relasyong kalakalan sa pagitan ng Hapon at Olandes noong ika-17 siglo, Ang wikang Olandes din ay naging impluwensiyal, tulad ng mga salitang bīru (galing sa bier; "serbesa o beer") at kōhī (galing sa koffie; "kape") na nagmula sa wikang Olandes.
Mas nauna ang mga Portuges at malimit sila sa Hapon noong ika-16 siglo at ika-17 siglo. Ang impluwensiya nila sa Hapon ay mga salitang katulad ng tempura at tabako.
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]
Talababa[baguhin | baguhin ang batayan]
- ↑ "Japanese". Languages of the World. Hinango noong 2008-02-29.
- ↑ 2.0 2.1 "Wikang Hapón, Wikang Haponés, Nippongo". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). 1990.
Bibliyograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Hapon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.