Hiragana
| Hiragana ひらがな | |
|---|---|
| Uri | Silabiko |
| Mga wika | Hapones at Taga-Okinawa |
| Panahon | ~800 AD hanggang sa kasalukuyan |
| Mga magulang na sistema | |
| Mga kapatid na sistema | Katakana, Hentaigana |
| ISO 15924 | Hira, 410 |
| Direksyon | Kaliwa-kanan |
| Alyas-Unicode | Hiragana |
| Lawak ng Unicode | U+3040-U+309F, U+1B000-U+1B0FF |
| PAALALA: Maaaring naglalaman ang pahinang ito ng mga simbolong pamponetikong IPA. | |
Ang Hiragana (平仮名, ひらがな o ヒラガナ) ay isang uri ng pagsulat sa bansang Hapon, na isa rin sa pangunahing nilalaman ng Sistemang Panulat ng mga Hapon, kasama ang katakana, kanji, at ang Alpabetong Latin (rōmaji). Parehang nasa sistemang kana ang hiragana at katakana, na kung saan ang bawat panitik ay simisimbolo sa isang mora. Ang bawat kana ay maaaring maging isang patinig gaya ng "a" (あ); isang katinig na sinusundan ng isang patinig tulad ng "ka" (か); o "n" (ん), isang pang-ilong na sonoranto na kung saan, depende sa nilalaman, ay maaring maging kasing-tunog ng Tagalog na m, n, o ng ([ŋ]), o tulad ng isang pang-ilong na patinig ng mga Pranses.
Ginagamit ang Hiragana upang sumulat ng mga salitang galing sa Hapon na kung saan ay walang katumbas na kanji, kasama ang mga partikulo tulad ng から kara "mula", at mga hulapi tulad ng さん ~san "Ginoong, Ginang, o Binibini." Gayon din, ginagamit din ang hiragana sa mga malalalim o hindi gaanong kabisadong kanji, . Ang pagbabago sa tono ng pandiwa at pang-uri, tulad ng, be-ma-shi-ta (べました) sa tabemashita (食べました, "ate"), ay nakasulat sa hiragana, madalas na sinusundan ang isang pandiwa o pinagmulang pang-uri (ito, "食") na nakasulat sa kanji. Ginagamit rin ang Hiragana upang magbigay ng gabay sa pagbaybay kanji na tinatawag na furigana.
Mayroong dalawang pangunahing sistema ng pagaayos ng hiragana, ang lumang pagaayos o ang iroha, at ang kilalang pagaayos o ang gojūon.
Sistemang panulat
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kumpletong silabikong hiragana ay binubuo ng 48 na panitik:
- 39 na pinagsanib na katinig-patinig
- 5 patinig
- 1 katinig
- 1 partikulo na binabaybay bilang isang patinig sa modernong Hapones
- 2 na pinagsamang katinig-pating na binabaybay bilang isang patinig at hindi na gaanong ginagamit sa modernong Hapones
Maaaring malaman ang mga pangunahing panitik sa maraming kaparaanan. Sa pagdaragdag ng mga tandang dakuten ( ゛), isang walang boses na katinig na nagiging may salitang katinig tulad ng k na nagiging g, s na nagiging z, t na nagiging d, h na nagiging b at ch/sh na nagiging j. Maaari rin dagdagan ang hiragana nagsisimula sa h ng tandang handakuten ( ゜) na nagpapabago sa h para maging p.
Isang maliit na bersyon ng hiragana para sa ya, yu o yo (ゃ, ゅ o ょ) ang maaaring idagdag sa mga hiragana nagtatapos sa i. Maaari nitong baguhin ang patinig na i sa dumadausdos na (palatalisasyon) sa a, u o o. Tinatawag na yōon ang pagdaragdag s\ng maliit na y. Naisasama rin dito ang を wo (kahit na parehong naibabaybay ito sa お o, [o]).
Tinutukoy ng maliit na tsu っ, na tinatawag na sokuon, na ang sumusunod na katinig ay pares (doble). Halimbawa, ihambing ang さか saka "burol" sa さっか sakka "may-akda". Maaari rin itong lumabas sa hulihan ng nasambit, kapag tinutukoy nito ang isang hintong impit, tulad ng いてっ! ([iteʔ] Aray!). Subalit, hindi nito maaaring doblehin ang silabikong katinig ng na, ni, nu, ne, no. Upang madoble sila, gagamitan ito ng n (ん) sa unahan ng silabiko.
Kadalasang binabaybay nito ang mga mahabang patinig kasama ang pagdaragdag ng ikalawnag patinig na kana.Ang chōonpu (tanda sa mahabang patinig) (ー) ay ginagamit sa katakana at hidni gaano sa hiragana, halimbawa ang salitang らーめん, rāmen, subalit ang ganitong paggamit ay kadalasang hindi tama. Sa hindi tamang pagfsulat, kadalasang ginagamit ang mga maliliit na bersyon ng limang patinig na kana upang kumatawan sa wlang bakas na salita (はぁ haa, ねぇ nee). Ang istandard at may salitang tandang iterasyon ay isinusulat sa ゝ at ゞ.
Talaan ng hiragana
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinapakita ng sumusunod na talaan ang hiragana together kasama ang kanilang Romanisasyong Hepburn at transkripsiyon mula sa IPA sa ayos na gojūon. Sinusunod ng Hiragana na may dakuten o handakuten ang gojūon kana kahit wala sila, kasama ang pagsunod sa yōon kana. Makikita naman ang mga hindi na ginagamit na kana sa abuhin. Sa lahat ng mga silabiko na katabi ng ん, tinutukoy nito na ang pagbaybay ay para sa salitang pang-unahan na silabiko, para naman sa salitang panggita, tignan na lamang sa ibaba.
| Monograpo (gojūon) | Diyagrapo (yōon) | ||||||||
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| a | i | u | e | o | ya | yu | yo | ||
| ∅ | あ a [a] |
い i [i] |
う u [u͍] |
え e [e] |
お o [o] |
||||
| K | か ka [ka] |
き ki [ki] |
く ku [ku͍] |
け ke [ke] |
こ ko [ko] |
きゃ kya [kʲa] |
きゅ kyu [kʲu͍] |
きょ kyo [kʲo] | |
| S | さ sa [sa] |
し shi [ɕi] |
す su [su͍] |
せ se [se] |
そ so [so] |
しゃ sha [ɕa] |
しゅ shu [ɕu͍] |
しょ sho [ɕo] | |
| T | た ta [ta] |
ち chi [ t͡ɕi] |
つ tsu [ t͡su͍] |
て te [te] |
と to [to] |
ちゃ cha [ t͡ɕa] |
ちゅ chu [ t͡ɕu͍] |
ちょ cho [ t͡ɕo] | |
| N | な na [na] |
に ni [nʲi] |
ぬ nu [nu͍] |
ね ne [ne] |
の no [no] |
にゃ nya [nʲa] |
にゅ nyu [nʲu͍] |
にょ nyo [nʲo] | |
| H | は ha (kapareho rin ng partikulong "wa")[ha] |
ひ hi [çi] |
ふ fu [ɸu͍] |
へ he [he] |
ほ ho [ho] |
ひゃ hya [ça] |
ひゅ hyu [çu͍] |
ひょ hyo [ço] | |
| M | ま ma [ma] |
み mi [mi] |
む mu [mu͍] |
め me [me] |
も mo [mo] |
みゃ mya [mʲa] |
みゅ myu [mʲu͍] |
みょ myo [mʲo] | |
| Y | や ya [ja] |
ゆ yu [ju͍] |
よ yo [jo] |
||||||
| R | ら ra [ɽa] |
り ri [ɽi] |
る ru [ɽu͍] |
れ re [ɽe] |
ろ ro [ɽo] |
りゃ rya [ɽʲa] |
りゅ ryu [ɽʲu͍] |
りょ ryo [ɽʲo] | |
| W | わ wa [wa] |
ゐ i/wi [i] |
ゑ e/we [e] |
を o/wo (partikulo)[o] |
|||||
| * | ん n [n] [m] [ŋ] bago tumigil ang katinig; Ang [ɴ] [ũ͍] [ĩ] ay kahit saan |
っ (tinutukoy ang dalawahang katinig) |
ゝ (inuulit at pinapawalang boses ang mga silabiko) |
ゞ (inuulit at binibigyang boses ang mga silabiko) | |||||
| Diyakritiko (gojūon kasama ang (han) dakuten) | Diyagrapo na may diyakritiko (yōon kasama ang (han) dakuten) | ||||||||
| a | i | u | e | o | ya | yu | yo | ||
| G | が ga [ɡa] |
ぎ gi [ɡi] |
ぐ gu [ɡu͍] |
げ ge [ɡe] |
ご go [ɡo] |
ぎゃ gya [ɡʲa] |
ぎゅ gyu [ɡʲu͍] |
ぎょ gyo [ɡʲo] | |
| Z | ざ za [za] |
じ ji [d͡ʑi] |
ず zu [zu͍] |
ぜ ze [ze] |
ぞ zo [zo] |
じゃ ja [d͡ʑa] |
じゅ ju [d͡ʑu͍] |
じょ jo [d͡ʑo] | |
| D | だ da [da] |
ぢ (ji) [d͡ʑi] |
づ (zu) [zu͍] |
で de [de] |
ど do [do] |
ぢゃ (ja) [d͡ʑa] |
ぢゅ (ju) [d͡ʑu͍] |
ぢょ (jo) [d͡ʑo] | |
| B | ば ba [ba] |
び bi [bi] |
ぶ bu [bu͍] |
べ be [be] |
ぼ bo [bo] |
びゃ bya [bʲa] |
びゅ byu [bʲu͍] |
びょ byo [bʲo] | |
| P | ぱ pa [pa] |
ぴ pi [pi] |
ぷ pu [pu͍] |
ぺ pe [pe] |
ぽ po [po] |
ぴゃ pya [pʲa] |
ぴゅ pyu [pʲu͍] |
ぴょ pyo [pʲo] | |
| V | ゔ vu [v(u͍)] |
||||||||
Gabay sa Pagbaybay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Maliban sa mga partikulong は, を, and へ (binibigkas bilang wa, o, at e), at iba pang mga tuntunin, ang Hapones ay phonemically orthographic. Hindi ganito lagi sapagkat ang isang nakaraang sistema sa pagbaybay, ngayong tinatawag na historical kana usage, ay nagkaroon ng maraming gabay; ang mga eksepsiyon sa kasalukuyang paggamit ay legasiya ng nakaraang sistema. Ang mga tuntunin sa pagbaybay ay tinatawag na kanazukai (仮名遣い).
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Nabuo ang Hiragana mula sa mga man'yōgana, Tsinong panitik na ginamit sa pagbigkas simula ng ika-5 siglo.[1] Ang pinakamatandang halimbawa ng Man'yōgana ay ang Inariyama Sword na isang espadang gawa sa bakal na nahukay sa Inariyama Kofun noong 1968. Sinasabing ginawa ang espada na ito sa taon na 辛亥年 (A.D. 471 ayon sa mga kasalukuyang teorya).[2] Ang mga porma ng hiragana ay nanggaling sa estilong cursive script ng Tsinong kaligrapiya. Pinapakita ng lawaran sa ibaba ang deribasyon ng hiragana mula sa manyōgana sa pamamagitan ng cursive script. Sa itaas na parte makikita ang mga panitik na nasa pormang regular script, ang gitnang panitik na kulay pula ang pormang cursive script ng panitik, at nasa pinakababa ang katumbas nito sa hiragana. Tandaan na ang mga pormang cursive script ay hindi lamang limitado sa mga nasa ilustrasyon.
Direksiyon at Ayos ng Hagod
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pinapakita ng sumusunod na talahanayan ang paraan ng pagsusulat ng bawat panitik ng hiragana. Nakaayos ito ayon sa tradisyonal na paraan, nagsisimula sa kanang itaas at pagbasa pababa sa mga haligi. Ang mga numero at palaso ay nagpapahiwatig ng stroke order at direksyon, ayon sa pagkakabanggit.

Isahang Kodigo (Unicode)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Idinagdag ang Hiragana sa Unicode Standard noong Oktubre 1991 sa paglalabas ng bersiyon 1.0.
Ang Unicode block ng Hiragana ay U+3040 ... U+309F. Pinapakita ng grey areas ang mga code points na walang laman.
| Hiragana[1] Unicode.org chart (PDF) | ||||||||||||||||
| 0 | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | A | B | C | D | E | F | |
| U+304x | ぁ | あ | ぃ | い | ぅ | う | ぇ | え | ぉ | お | か | が | き | ぎ | く | |
| U+305x | ぐ | け | げ | こ | ご | さ | ざ | し | じ | す | ず | せ | ぜ | そ | ぞ | た |
| U+306x | だ | ち | ぢ | っ | つ | づ | て | で | と | ど | な | に | ぬ | ね | の | は |
| U+307x | ば | ぱ | ひ | び | ぴ | ふ | ぶ | ぷ | へ | べ | ぺ | ほ | ぼ | ぽ | ま | み |
| U+308x | む | め | も | ゃ | や | ゅ | ゆ | ょ | よ | ら | り | る | れ | ろ | ゎ | わ |
| U+309x | ゐ | ゑ | を | ん | ゔ | ゕ | ゖ | ゙ | ゚ | ゛ | ゜ | ゝ | ゞ | ゟ | ||
Tandaan
| ||||||||||||||||
Nakapaloob sa Unicode hiragana block ang mga precomposed na panitik para sa lahat ng hiragana na nasa modern set, kasama ang maliliit na patinig at yōon kana para sa mga tambalang pantig, pati na rin ang mga archaic ゐ wi and ゑ we at ang bihirang ゔ vu; ang archaic 뀁 ye ay kasama sa plane 1 na nasa U+1B001 (see below). Lahat ng kombinasyon ng hiragana kasama ang dakuten at handakuten na gamit sa modernong Hapones ay magagamit bilang precomposed na panitik, at maaari rin magawa sa pamamagitan ng base hiragana na susundan ng pagsasama-sama ng mga panitik dakuten (U+3099) at handakuten (U+309A). Ang pamamaraan na ito ay ginagamit sa pagdagdag ng diacritics sa kana na hindi karaniwang ginagamit kasama nito; isang halimbawa ay ang paglalapat ng dakuten sa isang purong panitig, o ang handakuten sa kana na hindi nasa h-group.
Ang mga patinik U+3095 and U+3096 ay ang maliit na か (ka) at maliit na け (ke), ayon sa pagkakabanggit. U+309F ay isang digraph ng より (yori) na minsang ginagamit sa patayong pagsusulat. Ang U+309B at U+309C ay mga spacing (non-combining) na katumbas sa pagsasama-sama ng mga patinik dakuten at handakuten, ayon sa pagkakabanggit.
Mga makasaysayan at iba't ibang anyo ng mga patinik ng Japanese kana ay naidagdag sa Unicode Standard noong Oktubre 2010 sa paglabas ng bersiyon 6.0.
Ang Unicode block ng Kana Supplement ay U+1B000 ... U+1B0FF. Pinapakita ng grey areas ang mga code points na walang laman:
| Karagdagang Kana[1] Unicode.org chart (PDF) | ||||||||||||||||
| 0 | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | A | B | C | D | E | F | |
| U+1B00x | 𛀀 | 𛀁 | ||||||||||||||
| U+1B01x | ||||||||||||||||
| U+1B02x | ||||||||||||||||
| U+1B03x | ||||||||||||||||
| U+1B04x | ||||||||||||||||
| U+1B05x | ||||||||||||||||
| U+1B06x | ||||||||||||||||
| U+1B07x | ||||||||||||||||
| U+1B08x | ||||||||||||||||
| U+1B09x | ||||||||||||||||
| U+1B0Ax | ||||||||||||||||
| U+1B0Bx | ||||||||||||||||
| U+1B0Cx | ||||||||||||||||
| U+1B0Dx | ||||||||||||||||
| U+1B0Ex | ||||||||||||||||
| U+1B0Fx | ||||||||||||||||
Notes
| ||||||||||||||||
Tignan Din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Shodo, isang kaligrapiyang Hapones.
- Ang Tandang iterasyon ang nagpapaliwanag sa tandang iterasyon na ginagamit sa hiragana.
- Ang mga Simbolong tipograpikong Hapones ay nagbibigay ng ibang hindi simbulong kana at kanji.
- Ang Ponolohiyang Hapones ang nagpapaliwanag sa baybay ng mga Hapones na may malawak na pagtatalakay.
- Nü Shu, isang silabikong sistemang panulat na ginagamit ng mga kababaihan sa lalawigan ng Hunan sa Republikang Popular ng Tsina
- Katakana
Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ang "The Art of Japanese Calligraphy", Yujiro Nakata, ISBN 0-8348-1013-1, ay nagbibigay ng mga kaalaman sa pagunlad ng onode at onnade.
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Tsart ng mga isang kodigo ng Hiragana
- Pinagugatan ng mga diyagramo ng Hiragana
- Ugnay sa Wikang Hapones, kasama ang "pagsasanay sa kana", sa Proyektong Bukas na Direktoryo
- Pagpapakita ng pinagugat ng Hiragana gamit ang Flash movie
- Real Kana Pagsasanay ng hiragana gamit ang iba't-ibang pamamaraan.
- Ang Kantang Hiragana - isang kantang pop na nagpapakita ng pangunahing kaaalaman sa hiragana para sa mga manunuod na Ingles ang sinasalita.
- Pagsusulit gamit ang pakikinig sa Hiragana Naka-arkibo 2010-01-05 sa Wayback Machine.
- KanaTeacher Magsanay at matuto ng hiragana.
- Japanese Identifont Naka-arkibo 2010-08-16 sa Wayback Machine. Pagtukoy sa estilo ng sulat mula sa panitik na hiragana.
- Naka-arkibo 2011-12-30 sa Wayback Machine. Tamang ayos ng mga hagod ng Hiragana na ginagamit ang animasyon kasama ang tunog at tulong pang-mnemoniko.