Heograpiya ng Hapon
Kontinente | Asya |
---|---|
Rehiyon | Silangang Asya |
Koordinado | 36°N 138°E / 36°N 138°E |
Lawak | Ranggo ika-62 |
• Kabuuan | 377,923.14 km2 (145,916.94 mi kuw) |
• Lupa | 99.18% |
• Tubig | 0.82% |
Baybayin | 29,751 km (18,486 mi) |
Pinakamataas na lugar | Bundok Fuji 3,776 m |
Pinakamababang lugar | Hachirō-gata -4 m |
Pinakamahabang ilog | Ilog Shinano 367 km |
Pinakamalaking lawa | Lawa ng Biwa 670 km² |
Ang Hapon ay isang bansang pulo sa Silangang Asya na naglalaman ng isang istratobulkanikong mga kapuluan sa haba ng Pasipiko sa dalampasigan ng Asya. Sa pagsukat sa heograpikong koordinata nito, ang Hapon ay 36 36° hilaga ng ekwador at 138° silangan ng Punong Meridyano. Ang bansa ay nasa hilagang-silangan ng Tsina at Taiwan (na ipinaghihiwalay ng Dagat Silangang Tsina) at babahagyang silangan ng Timog at Korea (na ipinaghihiwalay ng Dagat ng Hapon). Ang bansa ay nasa timog ng Kaduluhang Silangan ng Rusya.
Ang mga pangunahing (pulo) na kadalasan na tinatawag na "Pulong Bahay" ay ang mga pulo ng (mula hilaga patimog) Hokkaidō, Honshū (ang "mainland" ng Hapon), Shikoku at Kyūshū. May mga mahigit pa sa 3,000 mas maliliit na pulo gaya ng Okinawa at mga maliliit na pulo na ang iba at tinitirhan at may mga hindi tinitirhan. Sa kabuuan, sa taong 2006, ang teritoryo ng Hapon ay 377,923.1 km², na ang 374,834 km² ay lupa at ang 3,091 km² ay tubig. Dahil dito ang kabuuang laki ng Hapon ay bahagyang mas maliit sa estado ng Estados Unidos ng Montana at bahagayang mas malaki kaysa sa Alemanya.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.