Onsen
Sa Hapon, ang onsen (温泉) ay mga init-bukal at paliguan at tradisyonal na bahay-tuluyan sa paligid nito. Humigit-kumulang 25,000 ang bukal sa buong Hapon, at ginagamit ng halos 3,000 establisyimentong onsen ang natural na mainit na tubig mula sa mga bukal na ito na pinainit sa heotermal na paraan.[1]
Maaaring nasa labas (露天風呂 o 野天風呂 roten-buro / noten-buro) o nasa loob (内湯 uchiyu) ang onsen. Kinaugaliang itinayo ang mga onsen sa labas, ngunit marami nang paliguan sa loob ng mga bahay-tuluyan. Sa ngayon, dahil mayroong paliguan ang karamihan ng mga sambahayan, kumonti ang tradisyonal na pampublikong paliguan,[2] ngunit sumikat din ang pagbibiyahe sa mga bayan na may mainit na bukal.[3] Maaaring pampublikong pinamamahalaan ang mga paliguan ng isang munisipalidad o pinapatakbo nang pribado, kadalasan ng establisyimentong paninirahan kagaya ng otel, ryokan, o minshuku.
Kadalasang ipinapahiwatig ang presensiya ng onsen sa mga tanda at mapa sa pamamagitan ng simbolong ♨, ng kanjing 湯 (yu, "mainit na tubig"), o ng mas simpleng hiragana, isang uri ng ponetikang karakter, na ゆ (yu).
Kahulugan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa Hapones na Batas ng Init-bukal (温泉法 Onsen Hō), binigyang-katuturan ang onsen bilang "mainit na tubig, mineral na tubig, at tubig-singaw o ibang gas (maliban sa likas na gas na may hidrokarburo bilang pangunahing sangkap) na bumubulwak mula sa ilalim ng lupa.[4] Nakasaad sa batas na dapat 24 °C (75 °F) o higit pa ang mineralisadong tubig-bukal ng onsen, nagmumula sa lalim na 1.5 kilometro (0.93 mi) o mas malalim pa, at naglalaman ng tiyak na halaga ng mga mineral kagaya ng asupre, sodyo, bakal, o magnisyo.[1]
Kung katangi-tangi ang mga mineral o kemikal sa tubig ng onsen, karaniwang ipinapakita ng mga establisyimento kung anong uri ng tubig ang mayroon doon,[5] at isang dahilan nito ang paniniwala sa mga benepisyong pangkalusugan ng mga tiyak na mineral sa tubig.[6] Kabilang sa mga uri ng onseng asupre (硫黄泉 iō-sen), onseng sodyo kloruro (ナトリウム泉 natoriumu-sen), onseng idroheno karbonato (炭酸泉 tansan-sen), at onseng bakal (鉄泉 tetsu-sen).
Pagsisiligo ng lalaki't babae
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noon, nagsiligo ang mga lalaki't babae sa mga onsen at sentō, ngunit ipinatupad ang paghihiwalay ng kasarian sa karamihan ng mga institusyon mula noong pagbubukas ng Hapon sa Kanluran noong Pagpapanumbalik ng Meiji. Umiiral pa rin ang pagsisiligo ng lalaki't babae (混浴 kon'yoku) sa ilang kanayunan sa Hapon,[7] na nagbibigay rin ng opsiyon ng hiwalay na paliguan para sa "babae lamang" o magkaibang oras para sa dalawang kasarian. Karaniwang hindi nalilimitahan ang mga bata ng mga panuntunang ito.
Sa ilang prepektura ng Hapon, kabilang ang Tokyo, kung saan pinagbabawalang magsiligo nang hubad ang mga lalaki't babae, kailangang magsuot ng damit-langoy o yugi (湯着), na idinisenyo para sa pagliligo.[8]
Etiketa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagtitiyak ng kalinisan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Katulad ng sa isang sentō sa isang onsen, inaasahan na lahat ng mga bisita ay maghuhugas at magbabanlaw nang mabuti bago pumasok sa mainit na tubig. Nasasangkapan ang pinagliliguan ng mga tuntungan, gripo, baldeng kahoy, at mga gamit-banyo tulad ng sabon at siyampu; matatanggal rin ang dutsa sa karamihan ng mga onsen para mas madaling maligo. Hindi katanggap-tanggap ang pagpasok sa onsen habang marumi pa o habang may sabon pa sa katawan.[a]
Pananamit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Karaniwang hindi pinapayagan ang pagsusuot ng mga damit-langoy sa paliguan. Pero ang ilang modernong onsen ay nagpapasuot ng damit-langoy sa mga bisita sa magkasamang paliguan.[8]
Tuwalya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Karaniwang nagdadala ang mga bisita ng onsen ng bimpo na ipinampupunas. Maaari ring gamitin ito bilang pantakip para may kaunting kahinhinan habang naglalakad sa pagitan ng hugasan at paliguan. Pinapagayan ng ilang onsen ang pagsusuot ng tuwalya sa paliguan, habang nagpaskil ang iba ng mga karatula na bawal ito, dahil pahihirapan nito ang paglilinis ng paliguan. Labag sa mga tuntunin ang pagsawsaw o paglubog ng mga tuwalya sa tubig ng paliguan ng onsen, dahil maituturing itong marumi. Itinatabi ng mga tao ang kani-kanilang mga bimpo sa gilid habang tinatamasa ang pagliligo, o inilalagay nila ang tuwalyang nakatupi sa ibabaw ng kanilang ulo.
Tatu
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagsapit ng 2015, pinagbalawan ng halos kahalati (56%) ng mga nagpapatakbo ng onsen ang mga manliligo na may tatu sa paggamit ng kanilang mga pasilidad.[9][10][11] Ang orihinal na dahilan sa pagbabawal ng tatu ay para hindi makapasok ang mga yakuza at miyembro ng mga ibang sindikato na kinaugaliang may tatu sa buong katawan.[12]
Gayunpaman, mayroong mga onsen na pumapayag sa tatu.[13] Nalaman ng isang pag-aaral noong 2015 ng Organisasyon ng Pambansang Turismo ng Hapon na higit sa 30% ng mga nagpapatakbo ng onsen sa mga otel at bahay-tuluyan sa bansa ay hindi magtatanggi ng taong may tatu; sinabi naman ng 13% na tatanggapin nila ang tatuwadong bisita sa ilalim ng ilang mga kondisyon, katulad ng pagtatakip sa tatu.[9] Sa ilang bayan, may mga onseng pantatuwado kung saan hindi kailangang takpan ng mga bisita ang kanilang mga tatu. Kabilang sa mga ganitong bayan ang Onseng Kinosaki sa Hyōgo at Onseng Beppu sa Ōita.[14]
Sa pagdami ng mga dayuhang suki dahil sa lumalagong turismo, niluluwagan ng ilang onsen na dating nagbawal ng mga tatu ang kanilang mga patakaran upang makapasok ang mga bisita na may maliliit na tatu, basta't matakpan nila ang kanilang mga tatu ng patse o tapal.[9][15]
Panganib
[baguhin | baguhin ang wikitext]May nakalathalang gabay sa artikulo 18, talata 1 ng Hapones na Batas ng Init-bukal tungkol sa mga kontraindikasyon at pag-iingat sa paliligo sa mga init-bukal, at sa pag-iinom ng tubig nito.[16] Bagama't milyun-milyong Hapones ang naliligo sa onsen bawat taon at napakakaunti lamang ang naaapektuhan ng masama, mayroon pa ring potensiyal na masamang epekto sa pag-oonsen, kagaya ng pagpapalubha sa altapresyon o sakit sa puso.[17]
Nadiskubre ang bakteryang Legionella sa ilang onsen na kulang sa kalinisan.[18][19] Halimbawa, 295 tao ang nahawahan ng Legionella at pito ang namatay sa isang onsen sa Prepektura ng Miyazaki noong 2002.[19][20][b] Ang paglalantad ng kakulangan sa kaugalian sa kalinisan sa ilang onsen ay humantong sa pagpapabuti ng regulasyon ng mga komunidad ng init-bukal upang hindi masira ang kanilang reputasyon.[21]
Nagkaroon ng mga ulat ng nakakahawang sakit na matatagpuan sa mga maiinit na anyong tubig sa buong mundo, kagaya ng ilang mga espesye ng Naegleria.[22] Habang natuklasan ng mga pag-aaral ang pagkakaroon ng Naegleria sa tubigan ng mga init-bukal, walang natuklas na Naegleria fowleri, na responsable para sa maraming kaso ng nakamamatay na primary amoebic meningoencephalitis sa buong mundo, sa tubig ng mga onsen.[22] Gayunpaman, wala pang limang kaso ang nakita sa Hapon, bagaman hindi tiyak na naugnay sa pag-oonsen.[23]
Nagpapaskil ang maraming onsen ng patalastas na nagpapaalala na huwag maligo ang sinumang may bukas na sugat. Higit pa rito, padagdag nang padagdag nitong mga nakaraang taon ang mga onsen na naglalagay ng kloro sa kanilang tubig upang maiwasan ang impeksyon, ngunit hinahanap pa rin ng mga purista sa onsen ng onseng natural at walang kloro na hindi nagreresiklo ng tubig ngunit nililinis ang paliguan araw-araw.[21] Lubos na binabawasan ang anumang panganib sa mga maliligo ng mga pag-iingat pati ng tamang paggamit ng onsen (i.s. hindi inilalagay ang ulo sa ilalim ng tubig, paghuhugas ng maigi bago pumasok sa paliguan).
Naiulat ang paninilip sa ilang onsen.[24][25] Naiiwasan ito sa ilang prepektura ng Hapon kung saan pinagbabawalaan ang pagsisiligong-hubad ng lalaki't babae, dapat naka-swimsuit ang mga bisita.[8]
Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Sa mga napakahiwalay na onsen, kung saan hindi posible ang paggamit ng sabon bago pumasok sa paliguan, ang mga mag-oonsen ay inaasahang magbanlaw lang man ng katawan gamit ang tubig ng paliguan bago pumasok sa tubig.
- ↑ Bukod pa sa kasong ito, may dalawang tao na nahawa at isa na namatay sa Onseng Arima noong 2022. Sa parehong taon, natuklas na maka-3,700 ulit na mas marami ng karaniwang bilang ang bakteryang Legionella sa isang onsen sa Prepektura ng Fukuoka dahil dalawang beses lang sa isang taon pinapalitan ang tubig.[20]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Erikson, August; Masui, Anette (2014). Sacred Waters: A Guide to Japanese Hot Springs [Sagradong Tubig: Isang Gabay sa Mga Init-Bukal ng Hapon] (sa wikang Ingles). Karlstad, Sweden: Votum Forlag AB. p. 88. ISBN 978-91-87283-33-8.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Public Baths in Japan" [Mga Pampublikong Paliguan sa Hapon]. www.japan-guide.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Oktubre 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "[2018 Edition] 7 Select Onsen Hot Spring Areas Rising in Popularity among Foreign Tourists in Japan" [[Edisyong 2018] 7 Piling Lugar na may Onsen na Sumisikat sa Mga Dayuhang Turista sa Hapon]. WOW! JAPAN (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Oktubre 2018. Nakuha noong 17 Oktubre 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Hot Spring Act" [Batas ng Mainit na Bukal] (PDF) (sa wikang Ingles). Ministry of the Environment Government of Japan. Nakuha noong 2020-10-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Serbulea, Mihaela; Payyappallimana, Unnikrishnan (2012). "Onsen (hot springs) in Japan—Transforming terrain into healing landscapes". Health & Place. 18 (6): 1366–73. doi:10.1016/j.healthplace.2012.06.020. PMID 22878276.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tadanori, Matsuda (30 Marso 2015). "Soaking up the Benefits: Japan's Hot Springs Tradition" [Nakababad sa Benepisyo: Tradisyong Init-bukal ng Hapon] (sa wikang Ingles). Nippon: Your doorway to Japan. Nakuha noong 27 Agosto 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Japan's Konyoku (mixed gender) Onsen Best 100" [100 Pinakamahusay na Konyoku (halo-halong kasarian) Onsen sa Hapon] (sa wikang Ingles). Konyoku.org. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 3, 2014. Nakuha noong 11 Enero 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 8.2 Hadfield, James (10 Disyembre 2016). "Last splash: Immodest Japanese tradition of mixed bathing may be on the verge of extinction" [Huling tampisaw: Di-mahinhing tradisyong Hapones ng pagsisiligo ng lalaki't babae, maaaring nasa bingit ng pagkalipol]. The Japan Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Disyembre 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 9.0 9.1 9.2 Ryall, Julian (6 Nobyembre 2015). "Japanese owners of famous 'onsen' hot springs soften their stance on tattoo ban to appease foreign visitors" [Mga may-aring Hapones ng sikat na 'onsen', nagbagong-isip sa pagbabawal ng tatu upang paglubagin ang mga dayuhang bisita] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Enero 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Thompson, Ashley (6 Nobyembre 2012). "If you need to bring drugs to Japan, sort out the paperwork — or else" [Kung kailangan mong magdala ng droga sa Hapon, ayusin ang mga papeles — o kaya]. The Japan Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Hulyo 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Xeni Jardin (22 Disyembre 2009). "Tattoo in Japan" [Tatu sa Hapon] (sa wikang Ingles). Boing Boing. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Disyembre 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Onsen Warnings and Hassles [Mga Babala at Abala sa Onsen] (sa wikang Ingles), Hulyo 2019, nakuha noong 30 Setyembre 2020
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Thompson, Ashley (27 Nobyembre 2012). "Ink doesn't always cause a stink at the onsen". The Japan Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Hulyo 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "30 Tattoo Friendly Onsen in Japan" [30 Onseng Pantatuwado sa Hapon] (sa wikang Ingles).
- ↑ Lund, Evie (17 Abril 2015). "Onsen in Nagano will now welcome foreigners with tattoos, as long as they patch 'em up" [Onsen sa Nagano, tatanggapin na ngayon ang mga dayuhang may tatu, basta't magpapatse sila] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Disyembre 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Criteria for the Notification, etc. on Contraindications and Cautions for Bathing and Drinking as specified in Article 18, Paragraph 1 of the Hot Springs Act" [Ang Pamantayan para sa Notipikasyon, atbp. ukol sa Kontraindikasyon at Pag-iingat sa Paliligo at Pag-iinom tulad ng tinukoy sa Artikulo 18, Talata 1 ng Batas ng Init-bukal] (PDF). Ministry of the Environment: Government of Japan (sa wikang Ingles). Nakuha noong 28 Oktubre 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Hot Spring Treatment|Hot Spring Encyclopedia|ONSEN|BEPPU CITY|" (sa wikang Ingles). City.beppu.oita.jp. Nakuha noong 7 Disyembre 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ H. Miyamoto; S. Jitsurong; R. Shiota; K. Maruta; S. Yoshida; E. Yabuuchi (1997). "Molecular determination of infection source of a sporadic Legionella pneumonia case associated with a hot spring bath" [Pagpapasiyang molekular ng pinagmulan ng impeksiyon ng kaso ng kalat-kalat na Legionella pneumonia na may kaugnayan sa paliguang onsen]. Microbiol. Immunol. (sa wikang Ingles). 41 (3): 197–202. doi:10.1111/j.1348-0421.1997.tb01190.x. PMID 9130230. S2CID 25016946.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 19.0 19.1 Eiko Yabuuchi; Kunio Agata (2004). "An outbreak of legionellosis in a new facility of hot spring Bath in Hiuga City" [Isang pagsiklab ng legionellosis sa bagong pasilidad sa onsen sa Lungsod ng Hiuga]. Kansenshogaku Zasshi (sa wikang Ingles). 78 (2): 90–98. doi:10.11150/kansenshogakuzasshi1970.78.90. ISSN 0387-5911. PMID 15103899.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 20.0 20.1 "「怖い菌ではないと思っていた」と運営会社社長。過去には7名死亡した事例も" (sa wikang Hapones). Shueisha. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Marso 2023. Nakuha noong 4 Marso 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 21.0 21.1 "Onsen: know what you're getting into" [Onsen: Alamin ang papasukin mo]. The Japan Times (sa wikang Ingles).
- ↑ 22.0 22.1 Shinji Izumiyama; Kenji Yagita; Reiko Furushima-Shimogawara; Tokiko Asakura; Tatsuya Karasudani; Takuro Endō (Hulyo 2003). "Occurrence and Distribution of Naegleria Species in Thermal Waters in Japan" [Pagkaroon at Distribusyon ng Espesyeng Naegleria sa mga Tubig Termal sa Hapon]. The Journal of Eukaryotic Microbiology (sa wikang Ingles). 50 (s1): 514–5. doi:10.1111/j.1550-7408.2003.tb00614.x. PMID 14736147. S2CID 45052636.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Yasuo Sugita; Teruhiko Fujii; Itsurou Hayashi; Takachika Aoki; Toshirō Yokoyama; Minoru Morimatsu; Toshihide Fukuma; Yoshiaki Takamiya (Mayo 1999). "Primary amebic meningoencephalitis due to Naegleria fowleri: An autopsy case in Japan" [Primary amebic meningoencephalitis dahil sa Naegleria fowleri: Isang kasong awtopsiya sa Hapon]. Pathology International (sa wikang Ingles). 49 (5): 468–70. doi:10.1046/j.1440-1827.1999.00893.x. PMID 10417693. S2CID 21576553.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "盗撮の実態、知っていますか? 10年で倍増/常習化しやすく 被害に遭わないためには…【NEXT特捜隊】". Shizuoka Shimbun (sa wikang Hapones). 2021-11-21. Nakuha noong 2022-10-28.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "<盗撮の闇(3)>奪われた日常 被害者、映像流出におびえ". 佐賀新聞 (sa wikang Hapones). 2018-12-28. Nakuha noong 2022-10-28.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)