Pumunta sa nilalaman

Man'yōshū

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Nukata no Ōkimi, isang replika mula sa tomo 1.

Ang Man'yōshū (万葉集, man'yōshū, "Kalipunan ng Sampung Libong mga Dahon") ay ang pinakamatandang kalipunan ng panulaang Hapones, na tinipon noong panahon pagkalipas ng 759 AD noong kapanahunang Nara. Ang antolohiya ay isa sa pinakapinagpipitagan ng mga kumpilasyong pampanulaan ng Hapon. Ang tagapagtipon, o ang huli sa isang sunud-sunod na mga tagapagtipon, ay pinaniniwalaang si Ōtomo no Yakamochi. Ang katipunan ay naglalaman ng mga tula na sumasaklaw mula AD 347 (mga tula #85-89)[1] hanggang 759 (#4516),[2] na ang bunton nila ay kumakatawan sa kapanahunan pagkaraan ng 600. Ang tumpak na kahalagahan ng pamagat ay hindi nalalaman nang may katiyakan.

Ang kalipunan ay nahahati sa dalawampung mga bahagi o mga aklat; ang bilang na ito ay sinusunod sa karamihang sumusunod na mga katipunan. Ang kuleksiyon ay naglalaman ng 265 mga chōka (mahahabang mga tula), 4,207 tanka (maiikling mga tula), isang tanrenga (maiksing nag-uugnay na tula), isang bussokusekika (mga tula sa ibabaw ng mga marka ng yapak ng Buddha sa Yakushi-ji sa Nara), apat na kanshi (mga tulang Intsik), at 22 paghalaw o talataan ng mga sulat tuluyan o prosang Intsik. Hindi tulad ng sumunod na mga kalipunan, katulad ng Kokin Wakashū, wala itong paunang hiwatig o paunawa (prepasyo).

Isang pamantayan na ituring ang Man'yōshū bilang isang partikular na akdang Hapones. Hindi nito ibig sabihin na ang mga tula at mga halaw na talata ng kalipunan ay mahigpit ang pagkakaiba mula sa makadalubhasang pamantayan (sa panahon ni Yakamochi) ng panitikan at pampanulaang Intsik. Tiyak na maraming mga ipinasok sa Man'yōshū ang may tonong kontinental o pangkontinente, na ang mas maaagang mga tula ay mayroong mga temang Confuciano o Taoista at ang sumunod na mga tula ay sumasalamin ng mga pagtuturong Budista. Gayun pa man, ang Man'yōshū ay namumukod tangi, kahit na ihambing pa sa sumunod na mga akda, sa pagpili pangunahin na ng mga tema na pang-sinaunang Hapones, na pumupuri at nagbubunyi ng mga birtud o kabanalan at kamatuwiran ng Shintō, katulad ng forthrightness (, makoto) o pagiging tuwiran at hindi paliguy-ligoy, at (masuraoburi) o birilidad. Bilang karagdagan, ang wika ng maraming mga ipinasok sa Man'yōshū ay nagsisikap at nagpipilit na makapagbigay ng pag-akit na madamdamin o masentimyento sa mga mambabasa:

Ang maagang kalipunang ito ay mayroong kasariwaan ng bukang-liwayway. [...] Mayroong mga iregularidad o kawalan ng kaayusan na hindi hinayaan sa paglaon, katulad ng mga linyang hipometriko, mayroong mga mapantawag pansin na mga pangalan ng pook at makurakotoba; at mayroong mga pagbulalas na mapantawag o ebokatibong ekslamasyon na katulad ng kamo, na ang pagiging kaakit-akit ay wagas kahit na hindi maipaparating ang ibig sabihin sa ibang mga tao. Sa ibang mga pananalita, ang kalipunan ay naglalaman ng pagiging kaakit-akit ng isang sining na nasa dalisay na pinagmulan o pinagkunan nito na may damdaming romantiko ng gulang o edad na kapintu-pintuho at kung gayon ay may isang ideyal na kaayusan o pagkakasunud-sunod magmula noong mawala o lumipas na.[3]


Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Satake (2004: 527)
  2. Satake (2004: 555)
  3. Earl Miner; Hiroko Odagiri; and Robert E. Morrell (1985). The Princeton Companion to Classical Japanese Literature. Princeton University Press. pp. 170–171. ISBN 0-691-06599-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]