Pumunta sa nilalaman

Franciscano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang eskudo de armas ng mga Pransiskano
San Francisco ng Asisi

Ang katagang Franciscano ay karaniwang tumutukoy sa mga kasapî ng ordeng relihiyoso na sumusunod sa isang katawan ng mga alituntuning tinatawag na "Ang mga alituntunin ni San Francisco",[1] o ng isang miyembro ng isa sa mga ordeng ito sa Simbahang Katóliko Romano, mga komunidad ng mga Anglikanong Franciscano at mga mumuntíng pangkat na Lumang Katóliko.

Ang pinakatanyág na pangkát sa mga ito ay ang Orden ng mga Prayleng Menor (karaniwang tinatawag na mga "Franciscano"). Ang Orden ng mga Prayleng Menor ay ordeng nagpapalimos, alinsunod sa halimbawâ ni San Fransisco.

Ang opisyal na pangalan ng Orden sa Latín ay Ordo Fratrum Minorum.[2] Binanság mismo ni San Francisco ang kaniyang mga tagasunód na fraticelli ('mumuntíng kapatid'), at ang mga 'di-pormal na pagkákakilanlan sa kanila ay prayle o Menoridades. Ang modernong organisasyon ng mga Prayleng Menor ay kasalukuyang binubuo ng tatlong magkakahiwalay na sangay: ang 'Prayleng Menor' (OFM); ang 'Prayleng Menor Kombentwal' (OFMConv.), at ang 'Prayleng Menor Kaputsino' (OFMCap.)[3].

Ang mga Anglikano Franciscano Unang Orden (kapatid na lalaki) ay kilala bilang ng Lipunan ng San Francisco (SSF), habang ang Ikalawang Orden (kapatid na babae) bilang Orden ni Santa Clara (OSC), at Ikatlong Orden (binubuo ng mga ordinado at laikong mga kasapî, lalaki at babae, may-asawa man o dalaga/binatà; ang katagáng "ordinaryo" ay tumutukoy sa buhay sa ilalim ng mga patakaran) ay kilalá bilang Lipunang Pangatlong Ordeng ni San Francisco (TSSF).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. ""The Rule of the Franciscan Order" from the Medieval Sourcebook". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2013-05-27. Nakuha noong 2009-07-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Paschal Robinson (1913). "Order of Friars Minor" . Sa Herbermann, Charles (pat.). Catholic Encyclopedia (sa wikang Ingles). New York: Robert Appleton Company.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Paschal Robinson (1913). "Franciscan Order" . Sa Herbermann, Charles (pat.). Catholic Encyclopedia (sa wikang Ingles). New York: Robert Appleton Company.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)