Wikang Binukid

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Bukid
Binukid
Sinasalitang katutubo saPilipinas
Rehiyonkaramihan ng lalawigan ng Bukidnon, Mindanao
Mga katutubong
tagapagsalita
168,234 (2010)[1]
Pamilyang wika
Austronesyo
  • Malayo-Polynesiyo
    • Pilipino
      • Kalakhang Sentrong Pilipino
        • Manobo
          • Hilaga
            • Bukid
Mga wikain/diyalekto
Talaandig
Mga kodigong pangwika
ISO 639-3bkd
Binukid language map.png
Mga lugar kung saan sinasalita ang Binukid

Ang wikang Bukid, Binukid o Bukidnon, ay isang wikang Austronesyo na sinasalita ng mga katutubo ng Hilagang Mindanao sa katimugang Pilipinas. Nangangahulugan ang salitang Bukid bilang "bundok" o "kabundukan" habang nangangahulugan ang Binukid bilang "ang paraan, o istilo ng bundok o kabundukan." Ito ang de facto na kasamang opisyal na wika sa lalawigan ng Bukidnon, kung saan tinutukoy itong Higaonon. Maraming mga dialekto ngunit sila ay kapwang nagkakaintindihan. Tinuturing ang dialektong Malaybalay, sa lugar ng Pulangi, na prestihiyoso at pamantayang uri.[2]

Distribusyon[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sinasalita ang Binukid sa mga sumusunod na mga lugar (Ethnologue).

Ponolohiya[baguhin | baguhin ang wikitext]

Binubuo ang Binukid[3] ng 20 segmental na ponema at isang suprasegmental na ponema. Ang pantig ay ang pinakapangunahing yunit ng istraktura ng salita, at bawat pantig ay binubuo ng isang patinig at isa o dalawang katinig, na nakaayos sa sumusunod na huwaran:: KP, KPK, at, sa ilang pagkakataon, KKP (na matatagpuan sa mga hiniram na salitang Kastila). Binubuo ang isang salita ng isa o higit pa na mga pantig.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. "2010 Census of Population and Housing: Philippines" (PDF) (sa wikang Ingles). Philippine Statistics Authority. {{cite journal}}: Kailangan ng cite journal ang |journal= (tulong)
  2. Post, Ursula (1978). Binukid Dictionary (sa wikang Ingles). Pilipinas: Summer Institute of Linguistics. pa. 14–15.
  3. Atherton, William (1953). "Binokid Phonemes". Summer Institute of Linguistics (sa wikang Ingles): 101–104 – sa pamamagitan ni/ng SIL.

Mga panlabas na link[baguhin | baguhin ang wikitext]