Pumunta sa nilalaman

Panitikan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Larawan ng mga aklat-pampanitikan.
Isang aklatang may mga aklat-pampanitikan.

Sa pinakapayak na paglalarawan, ang isang panitikan ay ang pagsulat ng tuwiran at pagtula na may kaugnayan sa isang tao. Subalit upang maisalungat ito mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nagdudulot ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis ang mga ito, may punto de bista, at nakakapagpahaba ng galak ng mambabasa.[1] Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng sari-saring uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, puot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak, bagabag, at pangamba.[2] Ito ang isang dahilan kung bakit pinag-aaralan ang larangan ng literatura sa mga paaralan. Ang Iliad ni Homer, ang isang halimbawa ng mabuting likhang pampanitikang kanluranin, pati narin ang Aeneid ni Vergil.[1]

Mga uri ng panitikan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa pinakapayak na paghahati, dalawa ang anyo ng panitikan: ang mga katha (Ingles: fiction) at ang mga di-katha (Ingles: non-fiction) na mga lathalain at babasahin. Ginagamit ng mga manunulat ang kanilang haraya sa pagsulat ng mga akdang katha. Naglalalang sila ng mga tauhan, pangyayari, sakuna, at pook na pinagsapitan ng salaysay para sa kanilang mga prosa gaya ng mga maikling kuwento.[1]

Para sa pangalawang anyo ng panitikan, bumabatay ang may-akda sa mga tunay na balita at iba pang kaganapan, ayon sa kaniyang mga kaalaman hinggil sa paksa. Pinipilit dito ng manunulat na maging tumpak sa mga ukit[a] ng mga pangyayari. Hindi gawa-gawa lamang ang nakawiwiling salaysay. Kabilang sa mga di-katha na mga lathalain at babasahin ang mga talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan, sanaysay, at mga akdang pang-kasaysayan.[1]

Mga akdang pampanitikan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Akdang Tuluyan

Mga Akdang Patula Mga Tulang Pasalaysay - pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan.

Mga akdang-pampanitikan na nag-udyok sa buong daigdig

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Bibliya o Banal na Kasulatan – naging batayan ng pananampalataya ng mga Kristiyano
  • Qu'ran na nagmula sa Arabya – banal na aklat ng mga Muslim
  • Uncle Tom's Cabin ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos – nagbukas ng kaisipan ng mga Amerikano sa pang-aapi sa mga lahing-itim at pinagsimulan ng pandaigdigang paglaganap ng demokrasya
  • Iliad at Odyssey ni Homer ng Gresya – kinatutuhan ng mga alamat at mitolohiya
  • Divina Comedia ni Dante ng Italya – nagpapahayag ng pananampalataya, moralidad, at pag-uugali ng mga Italyano sa panahong yaon
  • Canterbury Tales ni Chaucer – naglalarawan ng mga kaugalian at pananampalataya ng mga Ingles
  • Aklat ng mga Araw ni Confucius – naging batayan ng pananampalataya at kalinangang Intsik
  • Isang Libo't Isang Gabi – naglalarawan ng pamumuhay ng mga tao sa Arabya at Persya
  • El Cid Compeador – tumatalakay sa kasaysayan ng Espanya at naglalarawan ng katangiang panlahi ng mga Kastila
  • Awit ni Rolando – nagsasalaysay ng panahong ginto ng Kristiyanismo sa Pransya, napapaloob dito ang Ronces Valles Doce Pares ng Pransya
  • Aklat ng mga Patay – tumatalakay sa mitolohiya at teolohiya ng mga mamamayan ng Ehipto
  • Mahabharata – ipinalalagay na pinakamahabang epiko sa buong mundo na tumatalakay sa pananampalataya sa India

Ugnayan sa kalinangan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nag-uugat ang lahat ng likhang pampanitikan mula sa buhay, at naglalarawan ng kalinangang pinagmulan nito.[1]

Ugnayan sa kasaysayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Malaki ang ambag ng panitikan sa kasaysayan sapagkat dito natin makikita kung ano ang buhay ng mga tao noon. Sa pamamagitan ng mga tula, nobela, awitin, o talumpati nababatid kung ano ang namalasan ng mga may-akda sa kanilang paligid at sa kanilang mga buhay.

Ang panitikan din ay nagsisilbing patunay sa mga pangyayari sa nakaraan. Tulad ng mga lathalain ni Jose Rizal na nagpapatunay sa kalupitan na sinapit ng mga Pilipino noong panahon ng Kastila.

Isang kaliimitan o nakaugaliang paraan ng pagbasa at pagpapaliwanag mga tekstong pampanitikan. Isa itong paraang nagpapakita ng mga bagay, karanasan, at puwersang pangkasaysayan na nagbigay ng udyok tungo sa paggawa, pagsulat, paghubog, at pag-unlad ng panitikan.

Pagsusuring pampanitikan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pagsusuring pampanitikan ay isang pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at pagpapaliwanag ng panitikan. Ito ay may dalawang sangay. Ang unang sangay ay ang pagdulog. Ang mga uri nito ay pormalistiko o pang-anyo. Ang pangalawa ay ang moralistiko. Ang pangatlo ay ang sikolohikal, at ang huling uri ay sosyolohikal-panlipunan.

Ang pangalawang uri ay ang Pananalig pampanitikan[b]. Binubuo ito ng maraming uri. Ang mga uri nito ay klasisismo, romantisismo, realismo, naturalismo, impresyunalismo, ekspresyunalismo, pagsasagisag[c], eksistensiyalismo, at peminismo.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 The New Book of Knowledge [Ang Bagong Aklat ng Kaalaman] (sa wikang Ingles). Grolier Incorporated. 1977. ISBN 0-7172-0508-8.
  2. Sauco, Consolacion P.; Papa, Nenita P.; Geronimo, Jeriny R. Panitikan ng Pilipinas.
  1. detalye
  2. teoryang pampanitikan
  3. simbolismo

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]