Kasaysayan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Tungkol ito sa "kasaysayan" bílang sa nakaraan. Para sa kuwentong makabuluhan, pumunta sa Salaysay. Tumuturo dito ang historya. Para sa istorya, pumunta sa Kuwento.

Ang hindi nakakaalala sa nakaraan ay nahatulang uulit nito. [1]

George Santayana
Historia ni Nikolaos Gyzis, 1892

Ang kasaysayan o historya (mula sa Griyegong ἱστορία, historia, nangangahulugang "inkuwiri, kaalamang nakukuha mula sa imbestigasyon") ay ang pag-aaral ng nakaraan, partikular kung paano ito nakaaapekto sa mga tao sa kasalukuyan. Ito ay ginagamit bílang isang pangkalahatang katawagan para sa impormasyon tungkol sa nakaraan, katulad ng "heolohikang kasaysayan ng daigdig". Kapag ginagamit bílang pangalan ng isang pinag-aaralang larangan, tinutukoy ng kasaysayan ang pag-aaral at pagpapaliwanag ng mga nakatalang lipunan ng tao, mga panayam (binigkas na kasaysayan), at arkeolohiya. Ito ay isang umbrella term na may kinalaman sa mga nakaraang pangyayari gayundin ang mga alaala, tuklas, koleksiyon, organisasyon, presentasyon, at interpretasyon ng impormasyon tungkol sa mga pangyayaring ito. Ang mga iskolar na nagsusulat ng kasaysayan ay tinatawag na "historyador". Ang mga pangyayaring naganap bago ang mga nakasulat na talâ ay tinuturing na prehistoriko.

Ang mga kuwento na karaniwan lámang sa iisang kultura, ngunit hindi suportado ng mga batayang panlabas (tulad ng mga salaysay tungkol kay Haring Arturo) ay kadalasang inuuri lámang bílang cultural heritage o alamat, dahil hindi ito nagpapakita ng "walang pag-iimbot na pagsisiyasat" (Ingles: "disinterested investigation") na kailangan ng disiplinang kasaysayan. Si Herodotus, isang ika-5 dantaong BC na Griyegong historyador, ay itinuturing sa tradisyong Kanluranin bílang ''Ama ng Kasaysayan", kasáma ang kontemporaryong nitong si Thucydides, ang pangunahing tumulong upang mabuo ang salig ng makabagong pag-aaral ng kasaysayan ng tao. Ang mga gawa nila ay patuloy na binabása hanggang ngayon, at ang puwang sa pagitan ng nakapokus sa kulturang si Herodotus at sa nakapokus sa militar na si Thucydides ay nananatiling point of contention o approach sa makabagong pangkasaysayang pagsusulat.

Maaaring mga ibang paraan ang karaniwang ginagawa sa ilang panahon kaysa sa iba, at may mga uso ang pag-aaral sa kasaysayan (tignan historiograpiya). Tinatawag na bago ang kasaysayan ang mga pangyayaring bago Kadalasang sinasabi na nababalutan ng kaalaman sa kasaysayan ang parehong kaalaman sa nakaraang pangyayari at makakasaysayang pag-iisip na kasanayan, dahil:

  1. Nakatutulong sa paghahanda para sa hinaharap.
  2. Nakatutulong upang malinang ating kasanayan at kaasalan.
  3. Nakatutulong upang malutas o lutasin ang kasalukuyang suliranin.
  4. Nalilinang ang pakikipagkapwa.

Historical method

Ang historical method ay binubuo ng mga pamamaraan at patnubay kung paano ang mga historyador ay gumagamit ng mga primary source at iba pang katunayan para magsaliksil at magsulat ng kasaysayan.

Si Herodotus ng Halicarnassus (484 BC – ca.425 BC)[27] ay malawakang itinuturing na "Ama ng Kasaysayan". Gayon pa man, ang kaniyang kontemporaryo na si Thucydides (ca. 460 BC – ca. 400 BC) ay credited sa pagkakaroon ng kauna-unahang mahusay na historical method sa kaniyang akdang Kasaysayan ng Digmaang Peloponnesian. Hindi tulad ni Herodotus, tinuring ni Thucydides ang kasaysayan bílang produkto ng mga pagpili at ginawa ng mga tao, at tiningnan din niya ito bílang sanhi at bunga, sa halip na resulta ng divine intervention.[27]Sa kaniyang historical method, binigyang-diin ni Thucydides ang kronolohiya, ang neutral point of view, at na ang mundo ng mga tao ay bunga ng mga ginawa ng mga tao. Tinuturing din ng mga Griyegong historyador ang kasaysayan bílang sikliko, at ang mga pangyayari ay umuulit lámang nang umuulit.[28]

Etimolohiya

Ang salitang "historya" ay mula sa salitang Griyego na historia, na ang ibigsabihin ay "inkuwiri", "kaalamang nakukuha mula sa imbestigasyon" o "hukom". Sa Tagalog, ang "kasaysayan" ay nagmula sa salitang-ugat na "saysay" na kasingkahulugan ng "kuwenta" o "halaga", dahil ito ang pag-aaral sa "kuwenta" o "halaga" ng mga pangyayari sa nakaraan.

Historiko at Prehistoriko

Ang kasaysayan ng mundo ay ang alaala at mga homo sapiens sapiens sa buong daigdig, dahil ang mga karanasang ito ay naipreserba at naitalâ ng mga historyador at mga karnaiwang tao. Sa kabiláng banda, ang mga "prehistoriko" na mga pangayayari ay ang nagmula sa pagbawi ng mga kaalaman ng nakaraan kung saan walang mga kasulatan at naitalâ, o kung saan ang pagsulat ng isang kultura ay hindi ma-decipher. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga pinta, guhit, nililok, at iba pang mga artepakto, may mga impormasyon na narerekober sa kabila ng kawalan ng mga nakasulat na talâ. Buhat noong ikadalawampung siglo, ang pag-aaral ng prehistori ay itunuturing na mahalaga upang maiwasan ang hindi sinasadyang eksklusyon ng ilang mga kabihasnan.

Pagkiling (bias)

Sa karamihan ng mga bansa, ang mga pangkasaysayang teksbuk ay ginagamit ng instreumento upang buhayin ang nasyonalismo at patriotismo.

Sa karamihan din ng mga bansa, ang mga pangkasaysayang teksbuk ay iniisponsor ng pambansang pamahalaan at isinusulat nang nakasensor at kadalasa'y ipinakikita lámang ang mga kabutihang inambag ng bansa nito sa kasaysayan. Halimbawa, sa bansang Hapón, hindi binabanggit ang Masaker sa Nanking sa mga teksbuk at ang buong Ikalawang Digmaang Pandaigdigis ay pahapyaw lang na itinuturo. Naging polisiya rin sa mga bansang komunista na ipresenta lámang ang rigid na Marxist historiography.[68][69] Sa ika-21 siglong Alemanya, ang kurikulum ng kasaysayan ay kinokontrol ng labing-anim na estado, at mailalarawang "almost pacifistic and deliberately unpatriotic undertone" at sumasalamin sa "principles formulated by international organizations such as UNESCO or the Council of Europe, thus oriented towards human rights, democracy and peace." at hindi ng superpatriotism. Ang resulta ay "German textbooks usually downplay national pride and ambitions and aim to develop an understanding of citizenship centered on democracy, progress, human rights, peace, tolerance and Europeanness."

Tingnan din