Pumunta sa nilalaman

Antropolohiyang panlipunan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang antropolohiyang panlipunan (social anthropology sa wikang Ingles) ay isa sa apat na itinuturing na mga larangan ng antropolohiya o agham-tao. Ito ang bahagi ng antropolohiya na itinuturing bilang mas kiling sa agham panlipunan kung ihahambing sa antropolohiyang biyolohikal na sinasabi namang mas kiling sa agham pangkalikasan.

Sa larangang ito, tinitignan at pinag-aaralan ang mga tao bilang mga kasapi ng isang partikular na lipunan. Sa ganitong paraan, masasabi natin na malaki ang hindi

kaugnayan ng antropolohiyang panlipunan sa disiplina ng sosyolohiya. Sa katunayan, ang antropolohiya at sosyolohiya ay dalawang magkaibang mga disiplina na mayroong napakalaking pagkakatulad sa isa't isa kung ihahambing sa iba pang mga sangay ng agham panlipunan. Ang sosyolohiya ay tradisyunal na itinuturing bilang ang pag-aaral ng mga "moderno", urbano, industriyal at kanluraning mga lipunan. Sa kabilang banda, ang antropolohiya ay itinuturing naman ng maraming tao bilang ang pag-aaral ng mga "primitibo", rural, tradisyunal at hindi kanluraning mga lipunan. Gayumpaman, ang ganitong uri ng paghahambing sa pagitan ng dalawang disiplinang ito ay hindi na maituturing na balido sa kasalukuyan. Isang magandang katibayan nito ay ang pag-usbong ng tinatawag na antropolohiyang panlungsod. Ang mas mahalagang pagkakaiba sa pagitan ng antropolohiya at sosyolohiya ay matatagpuan sa mga pamamaraan sa pagkalap ng mga datos. Sa antropolohiya, ang pangunahing pamamaraan na ginagamit sa pagkalap ng mga datos ay ang tinatawag na kalahok na pagmamasid kung saan ay nakikipamuhay ang isang antropologo kasama ng mga taong kabilang sa lipunang kanyang pinag-aaralan. Para sa mga antropologo, ang perspektibang ''emiko'' (emic) o pananaw ng taga-loob ay kasinghalaga o mas mahalaga pa kaysa sa perspektibang ''etiko'' (etic) o pananaw ng taga-labas. Ang pangunahing trabaho ng mga antropologo ay ang paggawa ng mga etnograpiya o mga salaysay na naglalarawan tungkol sa isang partikular na lipunan o pangkat ng mga tao. Sa kabilang banda, ang mga sosyologo naman ay mas pinagtutuunang-pansin ang pagkalap ng mga estatistikal na mga datos tungkol sa mga lipunang kanilang pinag-aaralan.

Ang antropolohiyang panlipunan ay kilala din sa tawag na antropolohiyang pangkalinangan o antropolohiyang kultural. Ilan sa mga pinag-aaralan sa disiplinang ito ay ang pagkakamag-anak, pag-aasawa, pagsasapin-saping panlipunan, kasarian, seksuwalidad, relihiyon, ekonomiya at politika.


Antropolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Antropolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.