Pumunta sa nilalaman

Etnograpiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang etnograpiya (Ingles: ethnography, mula sa Griyegong ἔθνος ethnos = "mga tao", at γραφία graphia = "pagsusulat") ay ang makaagham na estratehiya ng pananaliksik na kadalasang ginagamit sa larangan ng mga agham panlipunan, partikular na sa antropolohiya at sa ilang mga sangay ng sosyolohiya[1], na kilala rin bilang isang bahagi ng agham pangkasaysayan na nag-aaral ng mga tao, pangkat etniko, at iba pang mga kabuuang etniko, ang kanilang etnohenesis, kumposisyon, muling paglipat, mga katangian ng kabutihang panlipunan, pati na ang kanilang kalinangang materyal at espirituwal[2]. Karaniwan itong ginagamit para sa pangangalap ng mga dato empirikal hinggil sa mga lipunan at mga kalinangan ng tao. Kadalasang ginagawa ang pagtitipon ng mga dato sa pamamagitan ng pagmamasid ng kalahok, mga panayam, mga pagtatanong na nakasulat, at iba pa. May layunin ang etnograpiya na mailarawan ang kalikasan ng mga pinag-aaralan (iyong mailawaran ang isang pangkat ng mga tao, na tinatawag na isang ethnos) sa pamamagitan ng pagsusulat.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Ethnology" sa dictionary.com .
  2. Сергей Александрович, Токарев (1978). Истоки этнографической науки (sa wikang Ruso). Наука. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2003-05-19. Nakuha noong 2010-11-07. {{cite book}}: Cite has empty unknown parameters: |month= at |coauthors= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Maynard, M. & Purvis, J. (1994). Researching women's loves from a feminist perspective. London: Taylor & Frances. p. 76

Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.