Pumunta sa nilalaman

Kasaysayan ng Timog Amerika

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang pamamahala ng mga bansang Europeo sa Timog Amerika, 1700 hanggang ngayon

Ang kasaysayan ng Timog Amerika ay isang pag-aaral ng nakaraan, partikular ang nakasulat na tala, kasaysayang pinasa sa salita lamang, at mga tradisyon na pinasa mula sa salinlahi hanggang salinlahi sa lupalop sa katimugang hating-daigdig at (pangunahin sa) kanluraning hating-daigdig. May kasaysayan ang Timog Amerika na nagtagal sa iba't ibang pagbuo ng kultura ng tao at kabihasnan. Habang ang sanlibong taon na malayang pagsulong ay naabala ng kapanyang kolonisasyon ng mga Kastila at Portuges noong ika-15 siglo at sumunod na mga demograpikong pagbasak, nanatiling iba ang mestiso at katutubong kultura mula sa mga nagkolonya. Sa pamamagitan ng trans-Atlantikong pangangalakal ng mga alipin, naging tahanan ang Timog Amerika (lalo na sa Brazil) ng mga milyong katao sa diyaspora ng mga Aprikano. Ang paghahalo ng mga lahi ang nagdulot sa bagong kayarian ng lipunan. Ang tensiyon sa pagitan ng mga kolonyal na mga bansa sa Europa, katutubong mga tao at nakatakas na mga alipin ang humubog sa Timog Amerika mula ika-16 na siglo hanggang ika-19 na siglo. Kasama ang himagsikan para sa kalayaan mula sa mga Kastila noong ika-19 na siglo, sumailalim muli ang Timog Amerika sa isang pagbabagong panlipunan at pampolitika na nagtagal hanggang unang bahagi ng 1900.

Kolonisasyon ng mga Europeo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bago dumating ang mga Europeo, mayroong tinatayang 30 milyong katao ang naninirahan sa Timog Amerika. Noong 1493, ang bula ng papa, Inter ceatera, ang ikatlo sa isang serye na nagbigay daan sa kolonisasyon ng mga Europeo at Misyoneryong Katoliko sa Bagong Mundo, na pinapahintulot ang pagkuha ng hindi-Kristiyanong mga lupain at hinihimok ang pang-aalipin ng hindi mga Kristiyanong mga tao ng Aprika at Amerika.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Kasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.